Things To Do

Zambales lugar na walang katulad

May tatlong oras (3hours) ang layo pag ikaw ay magmumula sa Maynila, Dito sa Zambales ay may maraming lugar na itinuturing na magandang pasyalan nang mga turista mapa local man o dayuhan. Ang pagtakas sa busy city life sa Ka Maynilaan ang syang pinaka mabilis na paraan para sa mga taga lungsod upang maka pag unwind at makapag relax sa pamamagitan nang pagmamasid sa kalikasan. Ang bayang nang Zambales ay itinuturing na mayaman sa kalikasan.

 

Mga pangunahing lugar para sa mga turista.

 

  1. Ramon Magsaysay Ancestral homes.
    Pagbabalik tanaw sa kasaysayan si Ramon Magsaysay ang ika pitong Presidente nang Pilipinas at tinaguriang “Champion of the Masses.” Makamasang pangulo. Ang museum ay may tatlong galareya, bawat isa ay nagtatampok nang autobiography nang dating president. Una ay ang buhay ni Pangulong R. Magsaysay, Pangalawa ay ang tungkol sa kasaysayan nang kangyang pamilya, at ang huli ay ang kanyang kamatayan at pamana sa bayan.

    Palatandaan nang Kasaysayan (Historical Landmark)

    Lokasyon: Castillejos =Ito ay bukas sa lahat nang gustong bumisita, puede kayong kumuha nang mga larawan at tignan ang mga magagandang memorabilias nito, Dito libre ang pagpasok pero kung gusto mong magbigay bilang donasyon para sa pagmintina nito ay kanilang tatanggapin. Bukas ito mula Martes hanggang Sabado (8 umaga hanngang 4 nang hapon)

     

  2. The Hellships Memorial (Pag-alala sa Hellship)
    Ang lugar na ito kung saang ginugunita o pagbibigayPugay sa lahat nang kasali sa Allied Prisoners of War na dinala sa Japan sa pamamagitan nang hellships (Barko nang Hapones) at pwersahang pinagtrabajo noong kapanahunan nang pangalawang Digmaang Pandaigdigan. 
  3. Ina Poon Bato
    Matatagpuan ito sa Botolan, Ang imaheng ito nang Mahal na Berhing Maria ay pinaniniwalaan nang marami na milagrosa. Maraming turista o manlalakbay ang nagpupunta ditto para mag-alay nang panalangin, Naging popular ang lugar na ito mula nang sumabog ang Mount Pinatubo noong 1999. Ina Poon Bato (means Mother of the Lord Rock). Ayon sa mga kuwento nang lokal na residente ito ay natagpuan nang mga Aetas (katutubo sa lugar nang Zambales) sa toktok nang bato o bundok kaya pinangalanan itong INA POON BATO. Ang napakagandang paligid nito ay nagbibigay nang katahimikan nang loob habang ikay nag aalay nag iyong matimtimang panalangin. Ito rin ay magandang lugar para sa mga bisitang nang so soul searching.
  4. El Kabayo Stables
    Ang Kuwadra nang mga Kabayo) Ang lugar na ito ay pinakamaganda at espesyal na distinasyon nang mga turista sa bayan nang Subic dahil ditto nakalagay ang mga naisalbang hayop sa kagubatan. Itoy minimintini nang non profit na organisasyon. Naghahandog din sila ditto nang libring pangangabayo sa mga turista na malibot ang buong kuwadra at sa El Kabayo Falls. At iyong tamasahin ang kapayapan nang lugar at mga tanawin ditto. Nagbibigay din sila nang libreng horsebackriding lesson,at may buwanang donasyon sa pag mintina sa mga kabayo.
  5. Capones Lighthouse
    Sa iyong pag bisita sa Zambales dapat mo ring isama ang Capones Ligthhouse sa yong iteneraryo. Ito ay itinayo noong 1890 ito ay nagsisilbing guiya nang mga barko na darating at umaalis sa Subic Bay. Ang Parolang ito ay orihinal na gawa sa istraktoryang laryo (bricks structure) at itoy bou o matatag paring nakatayo, sa ngayon ang parolang ito ay ginagamitan nang Solar power. Pag katapos nyong malibot ang parolang ito puede rin kayong mag kamping ditto o kayay gumawa nang bonfire habang namamahinga sa gabi.
  6. Subic Bay
    Kilala rin sa tawag na Subic Bay Freeport Zone.Ang baybaying dagat nang Subic ay dating lugar kung saang nakahimlay ang mga pangunahing hukbong pandagat nang Amerika. Sa ilalim nang dagat matatagpuan din ang mga wasak o sirang barko mula pa Spanish-American War noong taong 1898 at nang Pangalawang pandaigdigang Digmaan. Sa ngayon isa ito sa pinakapupular na lugar pang turismo sa Zambales, Matatagpuan ditto ang Ocean Adventure, Zoobic Safari, Treetop, Magauil Bird Park at marami pang ibang magagandang lugar na na puede mong pasyalan.

 

Maligayang paglalakbay sa Zambales, maari rin nyon e explore ang mga restaurant ditto at mga shopping mall.

 


Mga Kababayan.

Kung hanap nyo ay mababang presyo at syempre magandang  serbisyo para sa susunod nyong paguwi sa Pilipinas, Maari po ninyong tawagan ang MABUHAY TRAVELS at Komunsulta sa aming mga Pilipino travel consultant. Tawag po lamang kayo sa 02035159034.

Salamat po,
Hanggang sa muli.
Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid

Elma

Ako ay masayahin at palakaibigan ,Mahilig ako sa adventura, mamasyal sa mga magagandang lugar at mapagmahal sa kalikasan,gusto kung ibahagi sa inyo ang aking karanasan sa mga lugar na alam kung gusto nyo ring marating lalo na sa ating BAYAN PILIPINAS. Isa ako pa pinakabagong tagapagsulat nang artikolo para sa MABUHAY TRAVEL BLOG.

You Recently Viewed ...

Ang pinakamahusay na paglalakbay ayon sa mga biyahero

Cagayan de Oro City of Mindanao, Philippines

Mount Apo

Camiguin Island; The Island Born of Fire Philippines.

Butuan city: City of Mindanao, Philippines

LEAVE A COMMENT