Festivals

Dinagyang ang pinaka-hanga-hangang pagdiriwang

Dinagyang sa Ilo-Ilo

 

Ang Dinagyang ay isang prestihiyosong selebrasyon sa Lungsod ng Ilo-Ilo na ginaganap tuwing ikatlong linggo ng Enero. Ang pista ay pagdiriwang at paggunita ng pagdating ng mga Malayo sa Isla ng Panay. Itinuturing din itong isang pagdiriwang ng mga Kristiyano sa Ilo-Ilo bilang pasasalamat sa Mahal na Senyor Santo Nino.

Sa ngayon ang selebrasyon ng Dinagyang Festival ay ipinagdiriwang ng mga Ilonggo sa makabagong estilo, ngunit nanatili pa rin ang mga pangunahing layunin kung paano ito sinimulan noon ng mga katutubo. Ang selebrasyon ay mayroong tatlong bahagi; Ang Ati-Ati Competition, Kasadyahan Street Dancing, at Search for Miss Dinagyang. Ang Ati-Ati competition ay dinadayo ng mga tao at turista. Halos lahat ng sekto at antas ng mga Ilonggo ay sumuporta sa bawat tribu. Ang mga tribu ay nagpapakita kung paano nila binigyan ng respeto at pagpapahalaga ang kulturang Ilonggo.

Mga sari-saring disenyo sa mga katawan na kulay itim o kulay kape at may mga magagarbong palamuti ang mga damit na gawa sa katutubong materyales.

Ang prusisyon ng Santo Nino sa Ilo-Ilo ay dinarayo din ng mga deboto at turista. Mula sa simbahan, ang mga sumasali sa prusisyon ay may dalang iba-ibang imahen ng Senor patungong ilog.

 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid

Leah

Gustong kong ibahagi sa inyo ang mga magagandang lugar lalo na sa ating bayan upang ipakita ang kagandahan ng kalikasan.ito ay ang pinakmamahal nating bayan sinilangan.PILIPINAS KONG MAHAL.

You Recently Viewed ...

Anibina Bulawanon Festival: Golden Festival ng Pilipinas

Anibina Bulawanon Festival: Golden Festival ng Pilipinas

Kaamulan Festival 2020, Malaybalay City, Bukidnon.

Kaamulan Festival 2020, Malaybalay City, Bukidnon.

Mga Pangunahing Kaganapan Sa Rehiyon Ng Bicol Ngayong Pebrero

Mga Pangunahing Kaganapan Sa Rehiyon Ng Bicol Ngayong Pebrero.

Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Enero sa Pilipinas

Mga kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Disyembre sa Pilipinas

LEAVE A COMMENT