Festivals

Mga kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Disyembre sa Pilipinas

The Festival of the month of December in the Philippines

 

San Fernando Giant Lantern Festival 2nd and 3rd week of December

 

Ang Giant Lantern Festival ay isang taunang pagdiriwang na ginanap sa kalagitnaan ng Disyembre sa Lungsod ng San Fernando sa Pilipinas. Nagtatampok ang pagdiriwang ng isang kumpetisyon ng mga higanteng parol. Dahil sa katanyagan ng pagdiriwang, ang lungsod ay tinawag na “Christmas Capital of the Philippines”. Ang piyestang ito ay isa sa may pinakamaraming bisita sa buong Pilipinas. Isa itong perpektong piyesta tuwing Pasko, ang Giant Lantern Festival.

 

Christmas Day 25th December

 

 

Mahalaga para sa mga kapatid nating Kristiyano ang pagdiriwang ng Kapaskuhan tuwing ika-25 ng Disyembre. Araw ito ng paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang Anak ng Diyos ng mga Kristiyano. Misa de gallo o simbang-gabi ang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre. Ang misa de gallo ang magkakasunod na siyam na simbang-gabi hanggang sumapit ang araw ng Pasko. Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang nito. Marami ang dumadalo sa misang ito. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak dito.

Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin tuwing sasapit ang Pasko. Isang araw rin ito para sa mga mahal sa buhay – mga kamag-anak at mga kaibigan – at pati na rin ng mga kaaway. Kailangang maghatid ang bawat Kristiyanong Pilipino ng kapayapaan hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Kung kaya’t dapat tandaan na ang mensahe ng Pasko ay pagmamahal at kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng mga mag-anak. Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng reunion ang mga kasapi ng mag-anak. Tumawag sa Mabuhay Travel para makapag-book ng maaga, para makasama natin ang ating mga pamilya at kasama sa pagdidiriwang ng Pasko.

 

Maraming Salamat po.

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid

Jocelyn@MabuhayTravel

Ako ay palakaibigan at masipag na tao, marunong makisama sa kapwa . mahilig akong mag basa at mag sulat. Gusto kong makapamasyal sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas, para mas maibahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa paglalakabay.

You Recently Viewed ...

Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Enero sa Pilipinas

Mga kaganapan pagdiriwang sa buwan ng November sa Pilipinas

Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Octubre sa Pilipinas

CAMIGUIN LANZONES FESTIVAL

Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Septembre sa Pilipinas

LEAVE A COMMENT