Things To Do

Tarangban Falls, Philippines

Calbayog City, Samar

Let’s explore Tarangban falls and experience the majestic scenery, pristine waterfall that exhibits a unique form made by nature.

 

Ang Tarangban Falls ay paraiso sa mga mapagmahal sa kalikasan. Ang kamangha-manghang tanawin nito ay isang pang-akit sa mga turista. Mayroon itong malinis na talon na nagpapakita ng isang natatanging hugis na gawa ng kalikasan. Ang tubig nito ay dumadaloy sa malalaking bato na nagpapahayag ito ng larawan ng isang kamangha-manghang tanawin.

Ang kagandahan ng Tarangban Falls ay nakasalalay sa cascading effects which stretch sideways. Ito ang pinakamataas na talon sa Calbayog City at hinahangaan ito ng mga tao sa loob ng maraming taon dahil sa tahimik na lokasyon at magnetikong hitsura nito. Ito ay isang malaking talon at sa halip na maging patayo tulad ng maraming mga talon, mapapansin mo na ang mga rock formations kung saan dumadaloy ang tubig kaya’t nagdaragdag ito ng karakter o ng kagandahan nito.

Ang Tarangban Falls ay matatagpuan sa Barangay Tinaplacan sa Calbayog City, Samar, Philippines. Ang isang paglalakbay sa talon kung naka check in ka sa town proper will take a couple of rides and trekking. Kailangan mong umalis ng maaga kung saan man kayo naka check in na hotel mga bandang 7:00 ng umaga upang simulan ang maagang paglalakbay. Puede ring sumakay ng dyip o van na diretso sa Barangay Tinaplacan pagkatapos magparehistro sa may entrance para makakuha o makipag hire ng isang gabay o tourist guide.

 

Pupunta ka ulit sa isa pang paglalakbay mula sa highway patungong Bangon Falls mula sa Bangon Falls isa pang 30 hanggang 40 minuto ng trekking upang makarating sa kamangha-manghang lugar o destinasyon na ito ng Tarangban Falls. Don’t worry because it’s such a stunning place that you won’t mind at all that travel, just to get to the falls.

Dapat magdala ng sariling mga pagkain sa iyong paglalakbay dahil walang mga kainan sa paligid ngunit alalahanin na bawal mag iwan ng basura sa lugar na ito kaya’t lahat ng iyong basura ay dalhin uli pabalik at itapon sa tamang lugar. . Pinapayuhan ang mga bisita na umuwi o umalis ng maaga mga bandang alas 2:00 ng hapon at pinapayuhan ang lahat ng turista na huwag bumisita sa panahon ng tag ulan itoy sa kapakanan ng lahat. This is to keep everyone safe and also, to take care of Calbayog’s priced possession.

 

 

How to get there?

Mag-book ng flight mula sa Manila patungong Calbayog sa pamamagitan ng Cebu Pacific. Kung mananatili ka sa town proper, maaari mong gawin ang ruta na nabanggit sa itaas upang maabot mo ang Tarangban Falls.

 

Naghahanap ka ba ng pinakamababang airfare na aangkop sa iyong mga badyet?  Tumawag sa Mabuhay Travel UK para sa pinakamahusay na deals at air carrier na gusto mo.

 

Salamat po,

 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid

Elma

Ako ay masayahin at palakaibigan ,Mahilig ako sa adventura, mamasyal sa mga magagandang lugar at mapagmahal sa kalikasan,gusto kung ibahagi sa inyo ang aking karanasan sa mga lugar na alam kung gusto nyo ring marating lalo na sa ating BAYAN PILIPINAS. Isa ako pa pinakabagong tagapagsulat nang artikolo para sa MABUHAY TRAVEL BLOG.

You Recently Viewed ...

Relish in Philippines: Revel in Baler’s Nature Beauty

Spending your Holiday Offers at El Nido, Palawan island

First Class, Business Class at Economy Class na Paglalakbay

First Class, Business Class at Economy Class na Paglalakbay

Ano ang virtual tour?

Pano Umusbong ang Tourism Industry sa Pilipinas

LEAVE A COMMENT