Holidays Philippines

Top 10 beach Resorts in Cebu

Ang Cebu ay isa sa mga pangunahing destinasyon sa Pilipinas. Ang mga magaganda nitong tanawin at mga best beach resorts ay laging napupuno lalo na kapag peak season. Mga beach resorts in Cebu na magbibigay ng kaginhawaan sa pagod mong katawan. Lahat ng mga ito ay sumusunod sa pamantayan ng DOH para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa para sa mas masayang bakasyon. Upang hindi ka mahirapan maghanap, narito ang mga best beach resorts in Cebu na maari mong ikonsidera bilang panuluyan sa iyong 2021 travel to Philippines adventure.

BE Resorts Mactan


Magkaroon ng selebrasyong with style na hindi ka gagasto ng wala sa budget, yan ang pangako ng beach resort na ito. Ito ay kilala bilang isa sa mga best resort in Cebu na abot-kaya ang presyo na may mataas na kalidad ng serbisyo. Ito ay may 161 rooms na may nakakatuwang classification, mayroon Cool room, Chic room at Classy rooms. World-class services and amenities, magagandang mga furnitures at dekorasyon ang ilan sa mga tampok nito. Dagdag pa dito ang pastel color ng resort na humahalo sa magandang tanawin ng baybayin. Ang iba pang mga amenities ay kasama ang isang panlabas na pool, hot tub, isang beach bar, isang dive shop, at isang silid para sa larong bilyar

Image Source: Booking.com



Bluewater Sumilon Island Resort

Ang pagkakaroon ng bakasyon sa gitna ng magagandang katangian ng kalikasan ay isa sa mga pagkakataong hindi mahirap makamtan, lalo na kung ikaw ay nasa Cebu na nag-aalok ng magagandang tanawin at magandang pakikipagsapalaran kasama ang dagat. At ito ang inaalok sa iyo ng Bluewater Sumilon Island Resort, ang pagkakaroon ng bakasyong kaaya-aya kasama ang kalikasan. Mayroong 14ย  deluxe rooms na may pribadong veranda; 10 Premier Deluxe Room; at 3 mga villa na may pribadong pool. Mayroon ding lagoon-shaped infinity swimming pool at Jacuzzi. Ang mga aktibidad dito na maari mong paglibangan ay ang Scuba diving at snorkelling sa Marine Sanctuary, kayak, paddle-boating, trek sa isla, paglangoy, pangingisda sa lagoon.

Image Source: Booking.com



Crimson Resort and Spa, Mactan

Isa sa mga best beach resort in Cebu ay maituturing na posh hideaway. May isang pribadong beach, isang infinity pool, at isang pasilidad sa spa. Ito ay 20-minute drive away mula sa Mactan International Airport. Alok nito ang 40 villas na may sari-sariling pool with world-class amenities. Mayroong 4 na restawran, isang modernong gym, play area ng mga bata at isang pribadong beach, pati na rin ang spa na may 14 therapy rooms. Ang posh style ng beach resort na ito ay maari mong maranasan sa kanilang day-use offer inclusive sa paggamit ng pool at beach, lunch with 1 round of standard drink and use of locker facilities sa halagang Php 2,000 net per person. Ito rin ay country winner for ๐๐ž๐ฌ๐ญ ๐‹๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐ซ๐ฒ ๐๐ž๐š๐œ๐ก ๐‘๐ž๐ฌ๐จ๐ซ๐ญ category at the 2020 World Luxury Hotel Awards.

Image Source: Booking.com



Dusit Thani Mactan Cebu Resort

Nag-aalok ito ng fusion of Filipino warmth and Thai hospitality experience. Isa sa mga best beach resort in Cebu na maituturing na isang tahimik na hideaway na matatagpuan sa Lapu-lapu City. Ito ay may 272 rooms na mahusay na naidesenyo para sa mainam na pagpapahinga. Ang mga kwarto ay napalamutian ng mga lokal na materyales, contemporary technology at personal touch para sa mas maginhawang pagpapahinga. Isa sa mga nagugustuhan ng mga bisita ay ang napakagandang infinity pool nito at ang musikang dala ng kanilang liveband.

Image Source: Booking.com



Granada Beach Resort

 

Ito ay isang adult-only beach resort na may malalawak na tanawin ng Bohol Sea, isang pribadong beach at sariling bahura (reef) para sa snorkelling. 20 minuto lamang mula sa sikat sa buong mundo na Oslob Whale Shark, alok nito ang lokasyon na idyllic para sa iyong bakasyon sa southern Cebu, na may mga tropical beach water, scuba diving at hiking. Ito ay isang mahusay na seascape lalo na sa mga honeymooners.


Image Source: Booking.com



Jpark Island Resort & Waterpark, Cebu

 

Ang JPark Island Resort at Waterpark ay may natatangi at magandang disenyo ng waterpark na siyang una sa ganitong uri ng resort sa Cebu. Matatagpuan sa lungsod ng Lapulapu at 10 minutong biyahe lamang ang layo nito sa Mactan-Cebu International Airport. Ang mga guests ay surely pampered sa mga homely rooms nito with a touch of luxuriousness. Ito ang isa sa mga best beach resorts in Cebu where fun and luxury meets.


Image Source: Booking.com



Pacific Cebu Resort International

 

Matatagpuan sa silangang baybayin ng Mactan Island sa Cebu, ang isa sa mga best beach resort natin. Ang resort ay naging isang tanyag na patutunguhan sa Cebu. Isa sa ipinagmamalaki dito ang kanilang underwater sports at diving activities. May 135 mga kuwartong pambisita at villa, at matatagpuan sa 6.5 hectares ng pag-aari, nagtatampok ang resort ng 226 metro ng mabuhanging beachfront at pag-access sa sarili nitong pier.


Image Source: Booking.com



Mรถvenpick Hotel Mactan Island Cebu

 

Best beach resort in Cebu na siya ring tahanan ng sikat na Ibiza Beach Club. Ito ay 5-star Mediterranean-inspired na beachfront hotel. Napapaligiran ng malawak na dagat, at 6 na kilometro lamang ang layo mula sa Mactan International Airport, ang hotel ay ang mainam na pagpipilian upang masimulan ang iyong paglalakbay sa Cebu. Ito rin ay isang family choice beach resort in Cebu. 245 na mga contemporary rooms ang maaring mong pagpilian, na may mga nakakaakit na tanawin ng Mactan Island


Image Source: Booking.com



Shangri-La Mactan

Ang noon pa may sikat na Shangri-la ay may beach resort din sa Cebu at masasabing isa sa mga luxury beach resorts in Cebu, ay 15- minute drive mula sa Mactan Cebu International Airport. Ang kanilang mga kwarto ay nagtatampok ang mga sopistikadong disenyo at may mga pribadong balkonahe na may tanawin ng dagat. Mga world class amenities, spa, napakalaking pool (na idinisenyo para sa anumang pangkat ng edad), palaruan, mga water activities (snorkeling, diving, pagpapakain ng mga isda, atbp.). Ang puting beachfront nito ang kukumpleto sa holiday getaway mo. Ito ay isang perpektong getaway para sa pamilya o kaya ay pang honeymoon mood.

Image Source: Booking.com



Solea Mactan Resort

Matatagpuan sa Alegria Cordova ang isa sa mga hindi kamahalan at isa rin sa mga best beach resorts in Cebu. Bilang pagpapahalaga sa mga espesyal na tao sa ating buhay, and Solea Mactan resort ay nag-aalok ng kaaya-ayang lugar bilang pahingaan o bakasyonan anumang araw. May sukat na 13-hectare, at sa bawat espasyo nito ay nagamit ng makabuluhan.ย  Ito ay nahahati sa tatlong building at may 300 rooms na sadyang inayos para umangkop sa pangangailangan mo. Tanaw na tanaw mo ang nakakarelaks na tanawin ng dagat at ng kanilang indoor garden. May 7 magkakaibang pool at ibaโ€™t-ibang amenities na swak sa lahat ng miyembro ng pamilya mo, bata man o matanda. Ang lawak nito ay sapat para i-accommodate ang mga ibaโ€™t-ibang beach activities gaya ng basketball, frisbee, volleyball, football at marami pa. Dalhin dito ang pamilya,ito ay isang perfect spot para saย  2021 travel to Philippines mo.

 

Image Source: Booking.com


Make sure your plans doesnโ€™t remain as plans. Contact Mabuhay Travel para sa 2021 travel to the Philippines na pinakahihintay mo.

Call us now and grab our amazing special fares!



 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

2022 flight offers

Experience unparalleled 2022 flight offers for your trip to the Philippines

travel bucket list

Your revised travel bucket list when you get back home

Philippine travel agency

Book with confidence with the best Philippine travel agency in the UK

Singapore Arline Flights

Journey to the Philippines on Singapore Airlines flights with Easy Installment Plans

2022 flights to the Philippines

Why you should book your 2022 flights to the Philippines early?

01 Comment

LEAVE A COMMENT