Mga places in the Philippines para sa post-pandemic travel mo
Anilao Batangas
Anilao ang isa sa mga places in Philippines na sikat sa pagkakaroon ng majestic and divine underwater world. Ito ay may mga mahusay na dive site. Diving ang isa sa mga mairerekomendang safe activity dahil hindi nito kailangan ng physical and close contact, kung saan isa sa mga dapat iwasan natin sa panahon ngayon.
Eden Nature Resort Davao
Isa sa pinakatanyag at palagiang binibisitang mountain resort sa Davao na nag-aalok ng maraming mga kapanapanabik na bagay na dapat gawin at mga thrilling na pakikipagsapalaran tulad ng Skycycle at Skyrider. Lumikha ng mga ala-alang habambuhay na tatak sa iyong puso’t isipan kasama ang mga mahal mo sa buhay. Gugulin ang isang araw na puno ng kwentuhan at tawanan sa isang kapaligirang parang paraiso, isa sa mga perpektong places in Philippines na maari kang magsaya ng walang pangamba.
Eva Falls
Matatagpuan sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan. Matatagpuan sa isang luntiang kagubatan ang talon na ito. Ito ay may taas na mga 30 metro, ang tubig na nahuhulog dito ay may isang cascading effect na kaaya-ayang panoorin, idagdag pa ang calming effect ng tunog nito. Isang mainam na aktibidad para sa pamilya o magkakaibigang mahilig sa hiking.
Pagbilao Grande Island
Kung nais mo naman magtungo sa beach, bakit hindi mo subukan ang islang ito. May taglay na white sand beaches and rich fishing grounds. Ma-e-enjoy mo ang kagandahan at kasiyahang dala ng pag-be-beach at hindi nag-aalala na maaring makakuha ng virus sapagkat ngayon pa lang napapanisin ang kagandahan ng isla, kumbaga hindi ito magiging kasing crowded ng Boracay o beach sa Palawan pero paniguradong masa-satisfy ang pagka-miss mo sa dagat.
Santino’s Farm Ville
Fresh air with instagramable spots ang alok nito, isa ito sa mga pinakabagong atraksyon ng Lopez, Quezon, Philippines. Isang lugar na dapat mong bisitahin. Napakalaki ng farm at sinadyang dinisenyuhan para aliwin ang mga katulad mong sabik sa bagong style at kagandahan ng kalikasan.
At para magkaroon ng best post-pandemic trip in the Philippines 2021…
Alamin ang mga cancellation policies
Mahalagang malaman ang mga cancellation policies dahil sa mga pabago-bagong patakaran ngayon at hindi rin natin kontrol ang sitwasyon. Magiging mas madali ang pagpro-proseso kung alam na natin ang mga dapat gawin sa refund, rebooking at iba pa.
Bisitahin ang mga open places in Philippines
Marami ng mga destinasyon o places in Philippines to visit ang bukas sa turista ngunit marami ding mga establisyimento ang naapektuhan at tuluyang nagsara dahil sa mga paghihigpit. Makabubuting alamin din natin kung ang mga tindahan, restawran at mga social venues ay bukas, upang lubos mong masiyahan ang kapaligiran ng patutunguhan.
Bring your own food and water
Kung ang iyong post-pandemic travel ay road trips, drive drive lang, mainam na magdala ng sariling pagkain o inumin. Kung hindi man maiiwasan, siguraduhin na maayos na nakabalot ang pagkain at ligtas ang lugar ng iyong pagbibilhan.
Don’t live in fear
Huwag matakot, bagkos paigtingin ang pag-iingat at sumunod sa mga health advisories. Ang kadahilanang ikaw at ang iyong pamilya ay naglalakbay sa isang magandang patutunguhan ay upang magkaroon ng isang mahusay na oras at upang ma-enjoy ang bawat segundo. Sa kakaisip na makakakuha ng virus ay maaaring masira ang iyong bakasyon.
Gumamit ng Travel Agency
Kung nagpaplano kang pumunta sa labas ng bansa para sa iyong post-pandemic travel, makabubuting mag-book sa isang travel agency. Kumuha ng mga package tours, mas mapapabilis din ang galawan at pagproproseso ng mga papeles, sila ang magbibigay at magsasabi o ipapaalam nila sa iyo sa kung anu-ano ang mga kinakailangan sa iyong paglalakbay. At isang plus factor din, updated sila sa mga bagong alituntunin lalo na sa Covid-related rules.
Iwasan ang mataong lugar
Alam namin na sabik na kayong mamasyal at magbakasyon at naiintindihan din namin yan. Mahalaga pa rin na kahit sabik na sabik tayong mamasayal, hangga’t maari ay iwasan pa rin ang mga crowded places in Philippines. Huwag nating isantabi ang mga pag-iingat na ipinapayo ng DOH para na rin sa kapakanan ng nakararami.
Maghanap ng mga best deals
Sa pagbubukas ng mga magagandang places in Philippines tulad ng mga beaches sa Boracay, maglaan ng oras para magsaliksik at maikompara ang mga deals na inaalok ng bawat resort o hotel. Marami man ang magbubukas pero suriing mabuti ang pasilidad, ang kalinisan nito at kung ito ba ay isang SURE-DEAL.
Mag-ingat sa pagbo-book online
Marami sa mga kaibigan ko ang nabibiktima ng online scam, pagkatapos maideposit ang pera ay bigla na lang unreacheable yung tao. Madali at nakakaengganyo ang mga deals kaya marami talagang kakagat, kaya nararapat din lamang na pagtuunan ng pansin at icheck muna kung legit ba ang iyong pag-bo-bookan o hindi.
Magsaliksik (research)
Malaki ang naitutulong ng pagsasaliksik bago maglakbay sa magagandang places in Philippines. Tiyak na ikaw ay nagsasaliksik lalo na sa sitwasyon ngayon, huwag kalimutang magsaliksik at suriin ang payong pangkalusugan at iba pang mga alituntunin ng lugar na iyong pupuntahan.
Pack your hygiene kits
Isa sa mga bagay na ipinaalala sa atin ng pandemic ang kalinisan. Ang mga first line of defense tulad ng mga face-mask, sanitizer at alcohol ang palagian nating isaalang-alang kung tayo ay may planong magbakasyon sa mga magagandang places in Philippines. Kailangang tayo ay maging ligtas para sa isang matagumpay na post-pandemic travel.
Sundin ang mga Alituntunin ng Covid
Alinmang bansa o places in Philippines na iyong bibisitahin, napakahalagang sundin ang kanilang mga patnubay at alituntunin ukol Covid19. Dahil ang kaligtasan mo ay kaligtasan rin ng nakararami. Laging dalhin ang iyong face mask at face shield, magdala rin ng sanitizer o palagiang maghugas ng kamay at sundin ang physical distancing.
Ang buhay ay tungkol sa paggawa ng mga masasaya at di-malilimutang alaala. Gayunpaman, binago ng pandemya ang mga nakasanayan natin at lahat tayo ngayon ay kailangang tanggapin na kailangan nating mamuhay kasama ang virus. Bawat isa sa atin ay may karapatang magbakasyon at maglakbay, huwag matakot ngunit mag-ingat. Maingat na planuhin, magpareserba at magsaliksik. Kung kaya mo, magtungo at mag-enjoy muli sa paglalakbay.
Nakapag-isip ka na ba kung saan sa mga magagandang places in Philippines ang iyong bibisitahin?
Para sa inyong mga flight enquiries tumawag lamang sa numero-unong travel agency ng UK, ang Mabuhay Travel. Makipag -usap sa aming mga Filipino travel experts. Alamin ang mga flight promos namin ngayon.