Beaches Philippines

Uncrowded Weekend Beach Getaways in Manila

Saan ka madalas gumugugol ng oras mo tuwing katapusan ng lingo? Mahilig ka ba sa party? O kaya ay nais mo ng refreshing na weekend beach getaways? Swimming, just chilling sa lilim ng matayog na puno ng niyog habang hinahangaan ang banayad na galaw ng dagat, o ang panoorin ang kaaya-ayang pagpapalit ng kulay ng langit habang papalubog ang araw, da-best weekend hindi ba? Kaso ayaw mo ng malayong drive! Worry-not now, dahil ang mga beaches na ito ay ilan sa mga best beaches near Manila na gagawing mas kasiya-siya ang iyong weekend getaway para sa iyong Manila travel experience.

Weekend Beach Getaways

Bucana Beach

Matatagpuan sa Cavite, timog ng Maynila at isa sa mga pinaka-laid back beaches near Manila. Simple lamang ang lugar ngunit ang beach nito ay malinis, kulay bughaw at higit sa lahat hindi crowded. Magkakaroon ka ng sarili mong espasyo habang nag-su-sun-bathing at matatamasa mo ang isang mapayapa at tahimik na pagpapahinga sa beach. Ang lugar na ito ay paniguradong makakapagbigay saya sa iyong weekend getaway.


Little Boracay

Puting Buhangin o Starfish Island na matatagpuan sa Calatagan. Ito ay isang literal na sandbar, malawak, long-stretch of white sand na napapalibutan ng malinaw na tubig at may maraming starfish. Para makapunta sa sandbar ay kailangan mong umupa ng floating cottage, kung saan ito na rin ang magiging pahingaan mo kung gusto mo nang magpatuyo at dito na rin kayo kakain. Masasabi kong ito ang isa sa mga beaches near Manila na pinaka-afforfdable. Sa abot-kayang halaga ay maeenjoy mo at ng iyong buong pamilya nang todo ang iyong weekend getaway.


Matabungkay Beach

Isa rin ito sa mga beaches near Manila na kilalang weekend getaway dahil sa pagiging malapit nito sa kabisera, dalawang oras lamang ang layo mula sa Maynila, at dahil na rin sa pagkakaroon nito ng white-sand beach. Maari kang mag-snorkelling, jet- skiing, paddle boat at banana boat habang nasa beach. Masarap mag-unwind sa dagat kaya naman marami sa mga tourist visiting Manila ang nagagawi dito para sa pinakamalapit at mabilisang beach getaway.


Pundaquit Beach

Ito ay sa San Antonio, Zambales, isa sa mga magagandang beaches near Manila bandang Norte. I recommend this unique beach sa mga tourist visiting Manila na ito ay isang worth-the-travel, worth-the-drive o kung anu man ang dapat itawag. Ang kahanga-hangang beach and mountain view nito ang papawi sa pagod mo. Ito ay may volcanic-sand na kumikinang sa sinag ng araw. Ang Pundaquit beach ay karaniwang jump-off point para sa iba pang mga atraksyon sa Zambales tulad ng Capones Island, Camara Island, Nagsasa Cove, at Anawangin Cove.


Sepoc Beach Center

Ito ay isa sa mga beaches near Manila na kukumpleto sa weekend getaway mo. Pinapalibutan ng kalugod-lugod na kulay ng kalikasan ang Sepoc Beach Center, ang luntiang kulay ng mga punong matatagpuan sa lugar ar perpektong nag-ble-blend sa puting kulay ng buhangin na mula sa mga nadurog na corals, at napakaganda rin ng bughaw na kulay ng tubig. Ang iyong susunod na Manila travel ay hindi na magiging kasing dry ng summer dahil ito ay ilang oras lamang ang layo nito mula sa Manila. Makakaranas ka ng luxurious feel dahil ito ay isang pribadong beach at para sa mga guest sa resort lamang. Ilan sa mga maari mong gawin dito ay swimming, diving, snorkelling at kayaking.

Kung ikaw ay may plan visiting Manila subukan mo na ring bumisita sa mga beaches near Manila para sa isang natatangi at bagong karanasan ng iyong holiday.

CALL US NOW! Para sa iyong mga cheap flights to Manila Philippines, makipag-usap sa aming mga travel consultant na handang tumulong at i-assist kayo sa inyong nalalapit na holidays.



 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

Mga beaches in Boracay that suits your style

Best Honeymoon Destination: Lets Cheers to The World’s Prettiest Island of Philippines in 2020!

Plan Your Holiday This Summer At Malapascua Island A Hidden Gem Of Visayan Region

Bakhaw Beach of Camotes Island Cebu

Halinat Lumangoy Kasama Ang Mga Pawikan Sa Apo Island

LEAVE A COMMENT