Travel Tips

Recent Travel updates in Travelling to the Philippines

Ang mga travel updates at restrictions ngayon ay isang magandang pangitain sa sektor ng turismo. Papalapit ng papalapit ang pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang paglalakbay at pagluluwag sa leisure travel. Sa ngayon, habang hindi pa bukas ang bansa sa leisure travel, ihinahanda naman nito ang bansa. Mas pinapaganda at inaayos ang mga tourist spot sa bansa natin. Ngayon pa lamang ay marami na nag-aabang sa pagbubukas na ito. Sila ay sabik na muling makapagbakasyon sa Pilipinas at muling masilip ang mga paborito nilang tourist destination.

Ayon sa Tourism Secretary na si Bernadette Romulo-Puyat, pinaghahandaan ang pagbubukas sa pamamagitan ng mga bagong nakagaganyak na aktibidad, mga bagong destinasyon at atraksyon sa bansa. Ang mga manggagawa sa turismo ay sinasanay din sa mas pinahusay na mga protokol ng kalusugan at kalinisan at ang mga establisyemento ng turismo ay nagpapatupad din ng mga pag-iingat sa lugar upang protektahan ang kanilang mga panauhin at empleyado. Kamakailan ay naglabas ang Department of Tourism (DOT) ng kanilang “More Fun Awaits” campaign para sa inaabangang pagbubukas ng bansa.

Red, Yellow, Green-List

Nasa ibaba ang listahan ng mga bansang “Green List”

  • American Samoa
  • Bhutan
  • Chad
  • China (Mainland)
  • Comoros
  • Cote d’Ivoire (Ivory Coast)
  • Falkland Islands (Malvinas)
  • Federated States of Micronesia
  • Guinea
  • Guinea-Bissau
  • Hong Kong (Special Administrative Region of China)
  • India
  • Indonesia
  • Japan
  • Kosovo
  • Kuwait
  • Kyrgyzstan
  • Malawi
  • Mali
  • Marshall Islands
  • Montserrat
  • Morocco
  • Namibia
  • Niger
  • Northern Mariana Islands
  • Oman
  • Pakistan
  • Palau
  • Paraguay
  • Rwanda
  • Saint Barthelemy
  • Saint Pierre and Miquelon
  • Saudi Arabia
  • Senegal
  • Sierra Leone
  • Sint Eustatius
  • South Africa
  • Sudan
  • Taiwan
  • Togo
  • Uganda
  • United Arab Emirates
  • Zambia
  • Zimbabwe

Lahat ng mga bansa, jurisdiction or territory na hindi nabanggit sa itaas ay kabilang sa Yellow list (kung saan kabilang ang UK).

Kabilang sa Red list ang Faroe Islands at The Netherlands


Quarantine Travel Updates

Isa sa mga bagong travel updates ay ang quarantine days, kung saan ang mga pasaherong manggagaling sa mga Yellow list at kumpleto ang bakuna ay kinakailangang magpakita ng negatibong Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test na kinuha sa loob ng pitumpu’t dalawang oras (72 oras) bago umalis mula sa bansang pinagmulan. Dapat ka ring mag-pre-book ng accredited hotel nang hindi bababa sa 3 araw. Sa iyong ika-3 araw sa hotel, ikaw ay kailangang sumailalim sa isang RT-PCR test. Kung negatibo ang resulta, ikaw ay maari nang umuwi sa iyong tahanan ngunit kailangang mag-self-monitor para sa anumang mga sintomas hanggang makumpleto ang 14 araw mula sa date of arrival.

Kung ikaw ay walang maipakitang resulta ng iyong RT-PCR, ikaw ay sasailalim sa hindi bababa sa 5-araw sa isang quarantine centre at sasailalim sa RT-PCR. Kung negatibo ang resulta, mapapalabas ka para sa home quarantine hanggang sa ika-10 araw mula sa unang araw ng iyong pagdating.

Ang mga manlalakbay naman na mangagaling sa mga Green list at may kumpletong bakuna ay kinakailangang magpakita ng negatibong Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test na kinuha sa loob ng pitumpu’t dalawang oras (72 oras) bago umalis mula sa bansang pinagmulan. Isa rin sa mga travel updates na ikinatutuwa ng marami ay hindi mo na kailangang mag-prebook ng hotel pero kailangang mag-self-monitor sa iyong tahanan sa loob ng 14 na araw.

Ang mga darating mula sa mga bansang nasa Green list hindi kumpletong nabakunahan, ay kinakailangang manatili sa isang pre-booked na accredited hotel ng 6 na araw at sasailalim sa RT-PCR sa ika-5 araw ng quarantine at kung negatibo ang resulta ikaw ay nararapat na mag-self-monitor sa bahay hanggang makumpleto ang labing-apat (14) na araw ng quarantine, ang petsa ng iyong pagdating ay ang unang araw.


Travelling with a child: Latest updates

Travel updates

Ang mga hindi nabakunahan o hindi kumpletong nabakunahan na mga menor de edad na bata na naglalakbay kasama ang kanilang magulang o guardian ay kinakailangang sundin ang mga normal na regulasyon ng quarantine at kailangang samahan ng isang magulang o guardian.

Ikaw ba ay may planong umuwi sa Pilipinas? Huwag mag-alala, kontakin lamang ang Mabuhay Travel.

Ang aming koponan ay may sapat na kaalaman sa mga travel updates sa Pilipinas man o UK, sila rin ay may kakayahang gawing mas simple ang iyong pagbo-book at gawing mas matiwasay ang iyong flight to the Philippines. Makipag-ugnayan sa aming Filipino travel experts para sa mga karagdagang impormasyon o klaripikasyong nais mong malaman.



Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

Christmas celebrations

When to book your flights for your Christmas celebrations in the Philippines

Best European airlines

Top 5 Features in the Best European airlines

Things to do during COVID

Things to do during COVID for Filipinos in London

Balikbayan

All you need to know about the Balikbayan Privilege

green list countries

Tips for Filipinos planning to visit the green list countries

LEAVE A COMMENT