Attractions Philippines

9 must-visit attractions in Palawan, Philippines

Ang Palawan ay isa sa mga natatanging isla ng Pilipinas. Ito ay madalas ihambing ng mga bakasyonista, mga backpackers, at kahit pa mga elite na dumadayo sa isla na isang paraiso, napakaganda, ang tubig ay asul at kasing kulay na ng langit, mga limestone cliffs na kakakitaan mo ng malagong berde ng kakahuyan. Bukod sa kilalang Underground river in Palawan, ako ay nagdagdag ng ibat-ibang must-visit tourist attractions in Palawan para sa iyong susunod na holiday in Philippines.

Balabac Islands

Ang Balabac Islands ang pinakatimugang mga isla sa Palawan. Napakalayo sa timog na ang Sabah sa East Malaysia ay mas malapit pa sa Balabac kaysa sa Puerto Princesa. Tampok nito ang mga napakaririlag na mga isla katulad ng Pink island (Camiaran island). Ang mga islang ito ay napapaligiran ng malinis, malinaw na tubig at mga white sand beaches. Mayroong mga coral reef sa kanlurang baybayin nito, at ang isla ay partikular na kilala para sa mga bihirang mga “glory of the seas” cone shell. Isa ito sa mga best places in Palawan. Malayo man ang biyahe, na aabutin ng halos isang araw, sulit naman ang magiging bakasyon mo.

Bilang isang beach destination, ang tag-araw o summer ay itinuturing na best time to visit Balabac. Ang dry season ng Abril at Mayo ay ang pinakamahusay na mga oras upang bisitahin ang isla dahil ang dagat ay perpektong kalmado sa karamihan ng mga araw sa mga buwan na ito. Kung naghahanap ka para sa pinakamahusay na mga beach at pinaka-buhay na tubig sa Pilipinas, ang Balabac ay isa sa mga hindi dapat kaligtaan.

Balabac Island


El Nido Beaches

Mahahanap mo ang mga ibat-bang beaches sa El Nido na may angking kariktan. Ang mga buhangin ay puti, pino, malambot sa paa, ang asul na tubig, napakalinis, kulang ang mga salitang ito para ilarawan kung gaano kaganda ang mga ito. Isang paraiso lalo na sa mga nagmamahalan (paborito nila ang El Nido para sa honeymoon). Ito ay nangunguna bilang isa sa mga best places in Palawan at makailang kinilala bilang isa sa mga best places in Asia. Ilan sa mga popular na beach ay ang Miniloc, Twin beach, Marimegmeg Beach, Las Cabanas Beach at iba pang mga naggagandahang mga beaches.  Ang pinakamabilis na paraan para marating ang paraisong ito ay ang pagkuha ng direct flight mula sa Maynila o Cebu. Ang ibang mga turista ay sumasakay ng ferry para sa mas exciting na paglalayag.


Kayangan Lake

Ang Kayangan Lake ay matatagpuan sa isa sa mga best places in Palawan, ang Coron. Itinuturing ito ng mga nakararami na siyang pinakamalinis na lawa sa Pilipinas. Ito ang isa sa mga tourist attractions in Palawan na sadyang tinutungo ng mga turista. Ito ay may kalayuhan mula sa docking point pero ang katangi-tangi nitong rilag ay worth the trek. Sa iyong paglalakad ay huwag kalimutang bigyang pansin ang mga kahanga-hangang limestone formations at ang azure na tubig. At habang naglalakad ay hanapin ang magandang spot para sa iyong favorite camera pose then click. Ang malinaw din nitong tubig ay kaaya-aya at tila nag-iimbita ng pagtatampisaw. Ang tubig ay nagmimistulang salamin na nagpapakita ng kaaya-ayang repleksyon ng kalangitan. At sa kadahilanang ito ay isa sa mga must-visit attractions in Palawan at (take note) Instagram favourite, ang lake ay nagiging crowded lalo na kapag peak season. Kung ang nais mo ay may kaunti man lang na space sa lake mainam na bumisita tuwing off peak hours, early in the morning o kaya ay hapon. Ang kagandahan ng lake ay hindi lamang sa ibabaw, pambihirang atraksyon din ang makikita sa ilalim ng tubig kaya siguraduhing dala mo ang iyong waterproof camera dito. Mayroong nakaayos na wooden walkway at platform upang ilagay ang iyong mga gamit kung lalangoy ka.


Lagoons in El Nido

Ang mga lagoons ng El Nido ay isa sa mga must-visit tourist attractions in Palawan. Mayroong Small Lagoon at Big Lagoon. Ang Small Lagoon ay halos tago. Ang tanging paraan para makapasok dito ay ang lumusot sa masikip na siwang ng mga matatarik na talampas, maari kang lumangoy papasok sa loob at kasya rin naman ang kayak pero kaylangang i-adjust ang sarili. Sa mga mas matatapang sila ay nag-di-dive mula mismo sa talampas. Ang Small Lagoon ay maliit lamang kaya hindi maiiwasan na ito ay nagiging crowded. Sa kabilang dako, ang Big Lagoon ay mas malawak siyempre at madali lang pasukin. Parehong namumukod tangi ang ganda ng mga lagoons, ang maaliwalas na kulay ng tubig at kapaligiran ay paniguradong tatak sa iyong ala-ala. Lalo na parehong napapaligiran ng mga nagtataasang limestone cliffs, maari mong isipin na ikaw ay nasa ibang panig ng mundo.

Lagoons in El Nido


Port Baton

Ang Port Baton ay isa sa mga best places in Palawan na hindi gaanong kilala but worth seeing. Hindi crowded at isang perpektong spot para sa isang weekend get-away. Ito ay isang maliit na coastal village na mamahalin mo at siguradong babalikan mo kapag nadalaw mo ito. Hindi ito kasing developed kumpara sa mga ibang mga tourist attractions in Palawan. Ang alok nitong bakasyon ay isang kalmadong kapaligiran, hindi maingay, hindi siksikan at higit sa lahat ang pagkakaroon mo ng pagkakataon para tamasahin ang ganda ng kalikasan sa iyong sariling mga pamamaraan. Dahil sa kasimplehan nito, ito ay sikat sa mga budget backpacker at solo backpackers.

Ito ay 2-3 oras ang layo mula sa Puerto Princesa City kaya kung nais mong manatili dito ng ilang gabi o araw para masulit ang ganda nito ay walang problema. Inirerekomenda ko rin na sumali sa mga island hopping tours sa Port Baton. Kadalasan sa mga island hopping tours ay makikita at maari mong i-explore ang mga kalapit nitong isla gaya ng Starfish Island, Exotic Island, German Island at  Inaladelan Island. Ang Port Baton ay nagtataglay din mga magagandang falls na maari mong idagdag sa iyong listahan, gaya ng Bigaho Falls.


Puerto Princesa Subterranean River National Park

Kilala ng marami bilang Palawan Underground River, at isa sa mga popular na tourist attractions in Palawan. Marami ang naghihintay na pumasok sa loob ng kuweba. Minsan ay inaabot ang mga turista ng isang oras sa labas ng kuweba bago maglayag ang banka nila papasok sa loob, ngunit balewala ito sa kanila dahil gusto nilang makita ang kagila-gilalas na hitsura nito sa loob. Ito ay kinilala bilang pinakamahabang underground river sa buong mundo na maaring lakbayin. Ang lugar ay may kamangha-manghang biodiversity, at naglalaman din ng isang full mountain-to-the-sea ecosystem. Sa loob ng kuweba ay makikita ang mga pinagsamang pormasyon ng mga stalactites and stalagmites, at maraming malalaking silid o chambers. Ito rin ay isa sa mga may pinakamalaking silid sa loob ng kuweba sa buong mundo.

Puerto Princesa Subterranean River National Park


Siete Pecados

Ito ang pangalan ng pangkat ng mga pitong maliliit na isla na matatagpuan ng ilang daang metro sa baybayin ng Isla ng Busuanga. Ang lugar na ito ay isa sa mga kilalang tourist attractions in Palawan, at ang pinakamadaling marating mula sa bayan ng Coron. Ang mga coral reef na nakapalibot sa mga isla ay kabilang sa mga pinakamalago sa rehiyon, kahit na halos araw-araw ay may mga snorkellers na dumadalaw dito. Ang Siete Pecados ay mayroong maraming mga isda na nakatira sa mga coral reefs, ilang mga pagong, at school ng mga barracudas na siguradong kagigiliwan mo sa iyong holidays in Palawan. May caretaker na nangangalaga sa isla at nangongolekta din ng kaunting halaga. Anumang oras mula 9 am hanggang 4 pm ay mabuti para sa snorkelling.

Siete Pecados


Tubbataha Reefs Natural Park

Bilang isang UNESCO World Heritage Site na naglalaman ng ilan sa mga pinaka-kahanga-hangang biodiversity ng dagat sa mundo, ito ay karapat-dapat na mapabilang sa mga must-visit tourist attractions in Palawan. Sa isang mahusay na paraan ay matatagpuan ito sa gitna ng Coral Triangle. Ito ang naging kanlungan ng hindi kukulangin sa 600 species ng isda, 360 coral species, 11 shark species, 13 dolphins at whale species. Ang mga reef ay nagsisilbing lugar din ng nesting para sa Hawksbill at Green sea turtles. Ang pinakamadaling paraan ay upang marating ito ay ang sumakay sa isang liveaboard dive boat mula sa Puerto Princesa. Karaniwang umaalis ang mga bangka sa lungsod ng gabi at makakarating sa Tubbataha Reef madaling araw.

Tubbataha Reefs Natural Park-


Ugong Rock

Ito ay isang limestone formation na matatagpuan sa Barangay ng Tagabinet. Ilang kilometro ang layo nito mula sa isa sa mga kilalang tourist attractions in Palawan, ang Puerto Princesa Subterranean River National Park. Karamihan ng bumibisita sa naturang atraksyon ay dumadaan dito para sa mas exiting at mas matinding pakikipagsapalaran.

Ang Ugong Rock ay 75 feet limestone formation sa gitna ng mga bukirin at karst forest. Ang salitang “ugong” ay nangangahulugang umaalingawngaw na tunog (katulad ng kampanilya) na ginagawa ng mga stalactite sa loob ng mga cavernous na istraktura ng Ugong Rock kapag sinuntok o hinampas ito ng palad.


Ang mga naturang tourist attractions in Palawan ay may kaniya-kaniyang taglay na kariktan, ang mga ito ay patuloy na hinahangaan at dinarayo ng mga lokal at dayuhang mga turista. Sa ating susunod na holiday in Palawan huwag tayong papahuli, ating silipin, galugarin at maging living proof sa ipinamamalas na karilagan ng mga tourist attractions in Palawan.

Call Now! Book your flights to Palawan at i-explore ang mga taglay nitong atraksyon. Komportableng makipag-usap sa aming mga travel experts sa wikang Tagalog, Ilocano, Visaya at English.



 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

best places in Cebu for couples

Top Wedding Destination: Best Places in Cebu for Couples

Places to celebrate anniversary in the Philippines

Romantic Getaways: Places to Celebrate Anniversary in the Philippines

Best places to visit in Dumaguete

Explore the Best places to visit in Dumaguete

Philippines in June

Trip to Philippines in June

Luneta Park

Should I Visit or Skip Luneta Park?

LEAVE A COMMENT