Santacruzan is a Filipino Tradition
Ang pagdiriwang ng Flores de Mayo o Santacruzan, kilala din itong Sagala. Pero ang tunay na kahulugan nito ay Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na pinagdidiriwang sa buwan ng Mayo bilang parangal kay Birhen Maria. Ang pagdirawang ng Flores de Mayo ay pinaniniwalang nagsimula noong 1854 nang mga Vatican ay nag-proklama ng doktrina ukol kay Imakulada Conception. Ito ay unang ipinagdiwang sa Bulakan at kinalaunan ay lumaganap sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas at Pampanga.
Ang Santacruzan ay itinuturing na isa sa pinakakilalang pangrelihiyon pagdiriwang sa Kultura ng mga Pilipino at pinakatangyag na tradisyon noon hanggang ngayon. Ang iba’t ibang parokya at mga komunidad ng mga Pilipino sa lahat ng sulok ng mundo ay nag-oorganisa upang gunitain ang Santacruzan.
Ang Santacruzan noon ay isang makabuluhang tradisyon. Ang prusisyon ay sagrado at napupuno ng mga lumalakad na mga tao habang nagdarasal. Dahil dito, malinaw na malinaw ang mensahe ng Santacruzan.
Ang nasabing tradisyon ay isa sa mga nagbibigay kulay tuwing sasapit ang Buwan ng Mayo (Month of May. Mahabang panahon ang iginugugol sa pag-organisa
Ayon sa Banal na tradisyon, si Santa Elena ay pumunta sa bundok ng Kalbaryo, 300 taon matapos ang pagkamatay ni Kristo upang hanapin ang Krus kung saan siya ipinako. Tatlong krus ang nakita at nalaman nila na ang isa sa mga krus doon ay kay Kristo dahil sa napagaling nito ang isang kasamahan ni Santa Elena. Matapos ideklara ang dogma ng Immaculada Concepcion noong 1854, nagsimula ang Tradisyon ng Santacruzan bilang debosyon kay Maria na tinawag rin Flores de Maria. Ito ay ang pag-aalay ng bulaklak kay Maria bilang bahagi ng pagninilay at pagbibigay-pugay.
Ang iba’t ibang parokya at mga komunidad ng mga Pilipino sa lahat ng sulok ng mundo ay nag-oorganisa ng santacruzan upang gunitain ang paghahanap at pagkakatagpo nina Reyna Elena at ng kanyang anak na si Constantino ng Banal na Krus mula sa Jerusalem.
Tawag na sa aming mga Pilipino travel consultant para sa inyo bakasyon sa Pilipinas. MABUHAY TRAVELS