Ang mga beaches nitong may malambot at pinong buhangin, masarap laruin sa paa. Meron din itong mahabang white sand beach na parang asukal sa kaputian. Ang tubig na may light blue at deep blue na kulay ay isang napakagandang tanawin, malinis ang tubig at nakakarelaks, masarap lumangoy ng lumangoy ng lumangoy. Haaayyy!
Huwag ding kaligtaan ang sunset view sa Boracay, walang kapantay! Ang masilayan ang unti unting pagbabago ng kulay ng langit para sa paglubog ng araw ay nagdadala ng kakaibang kaaya-ayang pakiramdam at talaga namang nakakawala ng stress at maiibsan ang kapaguran mo sa napakagandang tanawing ito.
Ang Boracay Island ay may masaganang flora at fauna, diverse marine life at kagandahang hindi nakaka-umay. Sinumang bibisita sa Boracay Island ay hindi magsasawa dahil palaging may isang aktibidad upang mapanatili silang abala at magkaroon ng kasiya-siyang oras.
Dahil na rin sa natatanging ganda ng Boracay Philippines maraming mga establisyimento ang may mataas na presyo. Well, pag-usapan natin ngayon paano ba tayo magkakaroon ng budget friendly trip in Boracay Philippines?
Airport
Ang Caticlan flights ay 30 minuto mula sa Boracay kaya’t ito ang pinaka-convenient na choice, lamang ay mas mahal ito. Ang mga flights to Kalibo ay kadalasang medyo mas mura, ngunit 2 hours bago makarating sa Boracay. Kaya kung mas gusto mo ang ginhawa, sa Caticlan flights ka. Kung ikaw ay nasa isang tight budget maaring ang Kalibo ay maaaring maging mas mahusay na pagpipilian.
Booking of flight- kung ikaw ay may planong mag Boracay travel, mainam na palagiang i-check ang mga iba’-ibang airlines, o mga promo deals, flight package deals dahil kung swertehen ka, siguradong makakamura ka ng husto. Katulad ng isang airline sa bansa, meron silang piso-fare, mahigit isang libong (1000) piso lamang ang iyong magiging rountrip ticket.
Call Mabuhay Travel para sa mga cheapest flight offers namin for your holiday in Boracay Island
Booking of hotel
Pagdating sa mga hotels, maghanap ng m,ga hotels na gusto mo at ikumpara ang mga presyo nito, sa iba’t-ibang mga site ay may iba-iba rin silang mga presyo. Maraming mga hotel ang pagpipilian at ang presyo nkadepende sa kung saang station ka o kung saang parte ng Boracay Island manunuluyan. So check, magkompara, select then book.
Consider hostels
Malayong mas makakamura kung hostels ang iyong tutuluyan, makakakuha ka ng ,aayos ma tutulugan sa halagang 700PHP per night.
Transportation
On the way to Jetty port maraming mag-aalok ng “all in rides and tours” sa halagang 700PHP pero kung tricycle ang iyong gagamitin 100PHP lamang ang halaga per head, 2 lang ang maaring sumakay sa isang tricycle.
Food
Ang mga hotels kadalasan ay may mga free breakfast, huwag palampasin yan. At sa labas ng hotel nandiyan ang Andoks, Casa pilar beach and resto, Ocean club restaurant, at maari ka ding mag-dinner buffet sa Henann Regency (Sea Breeze Cafe). at mayroon ding mga budget meals ng Kolai Mangyan Boracay as low as 60 pesos.
Mga aktibidad/sports
since hindi ka naman laging nasa Boracay, maaring gumasto ka sa mga sports o aktibidad dito para to-the-maximum-level ang iyong Boracay island trip
Paddle boating- 250PHP/ 30 minutes
Parawsailing or Sunset Cruise- 2000PHP
Island Hopping- 700php
Helmet Diving- 1500
ATV Ride- P800 to P1000/unit
Ariel’s point cliff diving- PHP 2,788 with buffet lunch & drinks
*** ngayong pandemic halos lahat ng activities sa Boracay island ay mura, so don’t miss your chance!
COVID related…
- Bago magtungo ng Boracay Island dapat ay may confirmed Flight Details mula sa iyong airlines at confirmed booking of Hotel in Boracay at may negative na RT-PCR Swab Test https://hfsrb.doh.gov.ph/1729-2/ . Para sa buong guide visit http://aklan.gov.ph/guide-for-tourists/
- Importanteng gumamit ng face mask, huwag din kalimutan ang face shield dahil kailangan ito para sa ibang mga sport
- Beach swimming, magpunta lamang sa mga nakatalagang beach stations at ipa-check ang iyong temperature bago lumusong sa tubig. Maaring lumangoy sa mga marked areas between red and yellow flags mula 6AM to 6PM.
Ang iyong gasto sa iyong Boracay trip ay nakadepende sa kung ano ang iyong lifestyle. Makakamura ka basta ikonsidera mo ang mga bagay na nabanggit ko. Happy Boracay trip, sana mag-enjoy ka.
Kung ikaw ay may mga flight inquiries CALL Mabuhay Travel ang number1 UK travel agency. Alok namin ang mga cheap flights para sa iyong mga hinihintay na Philippine holidays.