Attractions Philippines Beaches Philippines

Mga beaches in Boracay that suits your style



 

Kung beaches lang naman ang pag-uusapan, marami ang Pilipinas niyan. Prestine beaches, soft white sand na masarap laruin ng mga bagong pedicure mong paa,  ang kulay ng tubig na halos replika ng kalangitan, malinis na tubig, makulay na underwater life, exciting and full of fun things to do, name it you all have it in Boracay. Pero ating tukuyin isa isa ang mga beaches na matatagpuan sa Boracay, which one suits your style? Lets find it out. At huwag kalimutang ibahagi ang karanasan mo sa beach na ito. Mag-iwan ng comment o kaya mga tips habang nasa beach, malaking tulong ito sa mga nagbabalak ng holidays to Philippines lalo kapag nagbukas na ang mga tourist attraction sa ating bansa.

 

Balinghai Beach

Ang Balinghai Beach ay isang maliit na cove na matatagpuan sa hilaga ng Diniwid at timog ng Punta Bunga. Ito ay maaring puntahan tuwing low-tide lamang sapagkat nawawala ito kapag hight-tide. Ito ay pribado ngunit maaari kang makarating sa beach kung ikaw ay magbabayad ng entrance fee na maaari mong gamitin para sa kainan sa onsite na restawran ng Balinghai Beach Resort.

Kung naghahanap ka para sa isang matahimik na lugar ito ay isa sa mga mamaisin mong ikonsidera.

 

 

Banyugan Beach

Ang Banyugan ay isang maliit ngunit magandang beach na maa-access lamang sa pamamagitan ng Shangri-La Resort. Ito ay nakapaloob sa 2 malalaking rock formations. Nagtayo sila ng mga integrated terraces sa tuktok ng kaliwang bato na nagbibigay ng kamangha-manghang tanawin ng beach at ng mga nakapalibot na lugar. Ang panoramic view habang nasa taas ay talagang kamangha-mangha.

 

 

Bulabog Beach

Ito ay ang pangalawang pinakamahaba sa mga beaches ng Boracay, na kilala at sikat bilang isang kitesurfing spot. Sa buwan ng Nobyembre hanggang Abril, kung saan maganda ang bugso ng hangin, maraming mga kite surfers ang dumating dito. Isa ito sa mga beaches in Boracay na sikat para sa mga water activities, tulad ng banana boat ride, parasailing, at kiteboarding. Kung ikaw ay mahilig sa water sports dito ang perpektong beach para sa iyo.

 

 

Diniwid Beach

Ito ay katabi lamang ng White Beach. Ang Diniwid Beach ay may kaunting mga resort na pagpipilian at ang ilan ay nasa tuktok ng burol kung saan maaari kang magkaroon ng isang kahanga-hangang tanawin ng bay, ito ay mas tahimik din kumpara sa White beach.

 

 

Ilig-Iligan Beach

Ito ay isa sa mga beaches in Boracay na sapat na ang natural na ganda nito para mahalin at balikan ang islang ito. Bakit ko nasabi iyan, sapagkat hindi kagaya ng ibang mga beaches in Boracay na maraming resort at hotel o restaurant, dito wala, so if your planning to stay lil longer sa beach na ito bring your own water and food.

 

 

Lapuz Lapuz Beach

Ang Lapuz Lapuz Beach ay isang pribadong beach ng Fairways at Blue Water. Kung nais mo ng mas pribadong oras at mas tahimik na bakasyon ito ay maari mong pagpilian sa mga magagandang beaches in Boracay.

 

 

Lugutan Beach

Ang Lugutan Beach, sa tapat ng Station 3, ay nagsisilbing isang istasyon ng pantalan ng mga bangka na lumalayag para sa isla at malapit sa Caticlan.

 

 

Puka Beach o Yapak Beach

Tahimik at simple, ang Puka Beach na matatagpuan sa hilagang dulo ng Boracay. Ang Puka Beach ang pangalawang pinakilala at ikatlong pinakamahaba sa mga beaches in Boracay. Kilala rin ito sa maraming mga Puka shells na matatagpuan lang sa buhangin, at kaya rin ito nabansagang Puka beach. Sinasabi na ang mga shell ornaments na ibinebenta sa Boracay ay may mga shells na galing din dito.

 

 

Tambisaan Beach

Kapag babanggitin mo ang snorkelling habang ikaw ay nasa Boracay, iisa lang ang sasabihin nila sa iyo, Tambisaan Beach. Ito ay isa sa mga beaches in Boracay na may tatak na talaga. Ang pinakamahusay na oras upang bisitahin ito ay ang sa panahon ng mataas na panahon, na may kaunting hangin. Napakayaman ng marine

 

 

Tulubhan Beach

Ito ay isa sa mga beaches in Boracay na hindi gaano pinupuntahan ng mga turista. Sa kadahilanang hindi ito pangkomersyal, pero ito ay isa sa mga pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga lokal na mamamayan.

 

 

White Beach

Ang White Beach, pinakamahaba at pinaka-iconic sa mga beaches in Boracay Isla, ito din ang pinakakomersyal sa lahat. Ang humigit-kumulang na 4 na kilometro na haba ng White Beach ay nahahati sa tatlong station (station 1,2, at 3). Ito ang pinakasentrong patunguhan ng mga turistang lokal at turistang dayuhan.

 

 

Station 1: Offers luxury resort and finest beaches. Dito mo makikita ang sikat na visual landmark ng Boracay, ang Willy’s Rock Formation. Estimated PHP5000 pataas ang presyo ng mga accommodations dito

Staion 2: Swim, party and shop. Ang station 2 ay ang sentro ng Boracay. Dito ka makakahanap ng mejo murang accomodations, na nasa halagang PHP1000- PHP2000. Maraming mga bars at club ang nasa paligid kaya buhay na buhay ang nightlife dito na umaabot hanggang lampas madaling araw o higit pa. Dito rin matatagpuan ang “D Mall” ng Boracay.

Station 3: Serenity at para sa masa. Ang station 3 ay mas tahimik din kung ikokompara sa station 2. At ang mga panuluyan dito ay higit na mas mura kaysa sa mga naunang istasyon. Ang mga budget dito ay swak na swak sa mga backpackers na may holidays to Boracay. Hayun lamang ay mas mejo malalim at hindi kalawakan ang tubig dito. Ang isang kagandahan ng station 3 ay ang touch of nature nito na mas ginagawang kaaya-aya ang iyong pagpapahinga

 

Boracay offers the best sunset or sunrise you can’t even imagine. Ang Boracay ay perpekto sa buong pamilya. Dalhin ang buong pamilya at pagsaluhan ang saya ng malinis na karagatan.

 

Sa iyong susunod na flight to Philippines. Dalawin ang Boracay, siguradong magiging makabuluhan ang iyong bakasyon. Ang Mabuhay Travel ay handa kang tulungan para dito. Serbisyong garantisado ang alok namin para sa inyo. Makipag usap lamang sa aming mga Filipino travel agents para sa karagdagang impormasyon. Call us now!

 



 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

best places in Cebu for couples

Top Wedding Destination: Best Places in Cebu for Couples

Places to celebrate anniversary in the Philippines

Romantic Getaways: Places to Celebrate Anniversary in the Philippines

Best beaches in the Philippines

Best Beaches in the Philippines 2024

Best places to visit in Dumaguete

Explore the Best places to visit in Dumaguete

Philippines in June

Trip to Philippines in June

LEAVE A COMMENT