Ang Island hopping ay isa dapat sa mga things to do in Cebu list mo. Ito ay isang mahusay na paraan upang bisitahin ang pinakamagagandang lugar sa North Cebu, dahil ang karamihan sa mga tourist destinations ay mga isla. Ang mga pangunahing places to visit in Cebu North ay siguradong kahahanapan mo ng perpektong atmospera para sa iyong holiday to Cebu. Pasyalan mo ang Malapascua, Bantayan o Kalanggaman para sa mas sulit na pagpapahinga mo.
How to Get to Cebu
Mayroong iba’t ibang mga paraan upang makarating sa Cebu, depende ito sa kung saan ka manggagaling. Kung galing ka saan man sa loob ng Pilipinas, may choice kang magtravel by air or sea.
Flights to Cebu via Mactan-Cebu International Airport: Ito ang second busiest international airport in the Philippines. Ang Terminal 1 nito ay pang domestic flights at ang Terminal 2 ay para sa international flights.
Naghahatid ang paliparan sa 36 domestic destinations at 37 international routes. Gayunpaman, dahil sa pagkansela ng mga flight kasunod ng COVID-19 pandemic, ang mga schedule ng flight ay pabago-bago na without prior notice, kaya nararapat na palagiang i-update ang sarili lalo na kung may plan ka to have holiday to Cebu. Mula sa paliparan, maaari kang sumakay o mag-hire ng taxi patungo sa iyong destinasyon.
Travelling to Cebu via boat/ Ferry: Karamihan sa ferry ay nagmumula sa Tagbilaran Bohol o Ormoc Leyte. Ferry will start as early as 5am at maaari kang mag-book ng iyong tiket gamit ang Online booking. Ang travel time from Manila to Cebu by ferry is 22 hours.
Getting around
Kung ang holiday to Cebu mo ay sa hilaga, magtungo lamang sa Cebu North Bus Terminal. Marami kang pagpipiliang transportasyon para i-enjoy ang iyong holiday to Cebu. Ang pangunahing mode ng transportasyon ay ang Jeep(dyip). Kasama dito, ang mga multicab, taxi, bus, private car o van at tricycle ay nagsisilbing pangkalahatang transportasyon sa pagitan ng mga bayan.
Karamihan ng turista ay mas pinipili ang taxi, sila ay nagkalat lamang sa paligid, or maari mong gamitin ang transportation apps kagaya ng “MiCab”. May ac at komportable kang makakapaglibot pero sympre pumapatak ang metro nito. Iwasan ang mga matatamis na salita ng mga driver lalo na kapag wala silang metro, tiyak ikaw ay maaring mapamahal ng husto. Marami din namang mababait pero meron at meron ang loko 😅, but remember ano man ang sabihin sa iyo ng driver huwag kang magbibigay ng sobra. Kung mabait naman ang driver maari ka din naman mag-tip sa kanya.
Kung gusto mo ng adventure talaga, use the traditional way, mag-dyip ka, budget friendly pa ito. Ito rin ay may specific na ruta at mas magiging madali ang iyong paglilibot sa lungsod. Kung ikaw ay mag-ji-dyip tignan mabuti ang ruta nila, nakasulat ito sa side ng jeep (pwd rin namang magtanong kung hindi sure). Alamin ang mga tamang address ng lugar na inyong pupuntahan.
Meron ding mga buses, for long distance maaring maging choice mo ito. Komportable at hindi kasing mahal ng taxi.
Meron ding mga Tricycle, ito ang bersyon ng Pilipinas ng auto-rickshaw. Kahit saang sulok ng barangay o ng lalawigan pa, ay mararating nito, hayun lamang at hindi sila maaring tumakbo sa mga main highways.
Private Car or Van: kung sa inyong holiday to Cebu ay pang-pamilya o kayo ay grupo, mainam din na pagpilian ang mga private car o van, magkakasama kayo at the more the merrier ika nga .(hindi palagi,hehe)
Para sa mga things to do, to see and where to stay sa iyong holiday to Cebu sa bahaging norte, narito ang ilan sa mga maari mong ikonsidera.
Bantayan Island
Ang islang ito ay para sa mga may holiday to Cebu na mahilig mag-explore, adventurer type na kayang kayang magdrive ng scooter (maraming mga paupahan) para libutin ang kagandahan ng isla. Makakahanap ka ng mga kahanga-hangang mga talampas na mainam para maging jumping spots sa mga naggagandahan ngunit nakatagong beach. Isali mo na rin sa things to do in Cebu mo ang pamamangka at bisitahin ang mga kalapit na isla katulad ng Virgin island. Simple things are sometimes the best para maibsan ang mga tension sa buhay.
Where to stay: Makakahanap ka ng matutuluyan mo sa paligid ng Santa Fe (ito ang bayan sa bandang Timog ng Bantayan). Nandirito ang mga magagandang beach na napapaligiran ng mga abot kayang panuluyan at mga restawran.
Carnaza Island
Tinaguriang remote but gorgeous gem ang islang ito. Ito ay isang turtle-shape island lalo na sa aerial view nito. Ito ay isa sa mga maituturing na isa sa mga best beaches ng Cebu, lalo na at hindi pa ito gaanong nadadalaw ng mga turista. Ang beaches nito ay may white sand din na maaring ikompara sa baybayin ng Malapascua at Bantayan.
Cebu Safari and Adventure Park of Carmen
Ito ay nagsisilbing santuwaryo para sa iba’t ibang mga species ng mga halaman at hayop gaya ng white lion safari. Nandito rin ang Michelle’s Garden, a landscaped terrace filled with 1.2 million orchid plants from the owner’s private collection.. Mayroon din itong isang zipline na may 1.3 na kilometro ang haba at 671 meters sa taas ng dagat. May entrance fee na PHP800 sa adult, pag sa bata depende sa height nito. Ito ay isang pang-family things to do in Cebu.
Source: ”Jessie James Agan”
Danasan Eco Adventure Park
Maranasan ang ibat ibang exciting things to do in Cebu like Horseback Riding Tours, Zipline & Aerial Adventure Parks, Climbing Tours, 4WD, ATV & Off-Road Tours, Canyoning & Rappelling Tours. Ito ay matatagpuan sa Barangay Danasan, isang oras ang layo mula sa Danao City, Cebu. Ang ilang mga aktibidad lalo na sa tubig ay siguradong katutuwaan ng mga bata. Ito ay bukas mula 8AM-5PM araw araw.
Malapascua Island
Ang Malapascua Island ay napakapopular sa mga lokal at internasyonal na manlalakbay bilang isa sa mga best diving spot ng bansa. Ang isla ay sikat bilang “the only place” sa buong mundo kung saan maaari kang magdive kasama ang mga thresher shark at mga manta-rays araw-araw.
Bukod sa nakamamanghang tanawin sa ilalim ng dagat, ang beachfront ay ang iba pang pinakamahusay na tampok ng Malapascua. Ang mga beach sa Malapascua ay maganda at hindi gaanong matapang ang mga alon.
Ang islang ito ay perpekto sa iyong holiday to Cebu, kasing-perpekto nito ang mga white sand beaches na madali mo lang mahahanap, sapagkat ang isla ay maliit lamang, you can roam the area with your barefoot enjoying the soft sand.
Ilan sa mga best things to do in Cebu ay ang magdive at makita ang maiilap na tresher sharks, at ang undisturbed na pahinga, lalo na at hindi ito kasing crowded kagaya ng ilang mga beaches sa bansa.
Where to stay: Isa sa mga magagandang beach ng isla ay ang Bounty Beach kung saan ka makakahanap ng mga pagpipilian mong mga hotel (some offers inhouse diving packages), restaurant at may diving center din sila dito that can teach and guide you. Maliit lang ang isla kaya madaling maghanap ng matutuluyan para sa iyong long awaited holiday to Cebu.
May karanasan ka ba sa mga lugar na nabanggit ko, o kaya ay may puna ka ba? Isulat lamang ito sa comment part na makikita sa ibaba.
Call NOW at makipag usap sa aming mga Filipino travel experts para sa mga cheap flights to Cebu at iba pang cheap airfares ng Mabuhay Travel.