Travel Tips

Pinakamahusay na gawin sa Malolos bilang Turista

Malolos Bulacan

kilala ito bilang kabisera nang unang Republika ng Pilipinas sa utos ni Heneral Emelio Aguinaldo. Dito rin ginawa at pinagtibay ang unang Konstitusyon nang Pilipinas at ang Katedral ng Malolos ang ginawang tanggapan ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang Pangulo ng Rebolusyonaryong Pamahalaan at ang tagapag payo nya ay si Apolinario Mabini kilala bilang ang dakilang lumpo.

 

Pinakamahusay na Gagawin sa Malolos kung ikaw ay papasyal dito.

 

Simbahan ng Barasoain – Barasoain Church

Ang Simbahan ng Barasoain ay isang Katolikong simbahang matatagpuan sa Lungsod ng Malolos, Bulacan at tianurian din itong Our Lady of Mount Carmel parish, itinayo ito noong 1888. Ayon sa kasaysayan ditto giananap ang tatlong pinakamahalagang pangyayari sa kasysayan nag Pilipinas.

Unang Kongreso ng Pilipinas noong Setyembre 15,1898,2. Pagbalangkas sa Konstitusyon nang Malolos mula setyembre 29,1898 hanggang Enero 21,1899.3. Pagpapasinaya ng Unang Republika ng Pilipinas noong Enero 1899.

Isa itong napakagandang tanawin para sa mga turista ditto at nagpapaalala din na itoy bahagi nang kasaysayan ng malayang Republika nang Pilipinas. Ang Barasoain Church isa pa rin sa pinaka magandang struktura at napakakomportableng pasyalan.Kahit na napakaraming pagbabago sa paligid nito dahil narin sa Commercialismo itoy matatag pa ring nakatayo hanggang sa ngayon bilang alaala na ang mga pamangang kultura. Marami ring kasalan ang ginaganap ditto nang dahil narin sa napakagandang harapan nito. Kung ikaw ay bagong bisita hindi ka magsasawang kumuha nang mga larawan sa paligid nito.

 

Casa Tribunal

Ito ay itinayo noong 1800 at kaunaunahang kulungan ng Unang Republika ng Pilipinas at ito rin ay unang ginamit bilang Municipal Hall ng Malolos noong 1859 hanggang 1899. At itoy pag mamay ari nag mga Adriano Clan.

 

Kalayaan Tree

Itinanim ito ni Pangulong Aguinaldo nong panahon nang Maksaysayang Malolos Convention, Matatagpuan ito sa harap nag Basilica Minore at mas kilala itong Kalayaan tree o Siar Tree. Makikita mo rin ditto ang mga statwa nng mga lalaki na tila nag uusa usap tanda na ditto ginaganap ang Pangulo at kaayado nito ang kanilang pagpupulong.

Itoy tinatayang mahigit isandaang taon na.

 

Pulilan Butterfly Haven

Isang magandang lugar ng pasyalan kung ang hanap nyo ay tahimik na lugar, Maganda rin mag bonding ditto may mga swimming pool din ditoo at sa loob nito ay may mueseo. Itoy tinatawag na butterfly heaven ay sanctuary kung saan inaalagan inaalagan ang mga indimic na paruparo na tinatayang iilan na lahi nila. Hindi ka magsasawang pagmasdan ang paligid nito na nakakapagbigay ng magaan na pakiramdam dahil narin sa magandang klima ditto.

 

Bulacan Museum

Ang Museum na ito ay dating kumbento, ito ay puno ng isang mayaman sa na pinagmumulan ng makasaysayang kaganapan, kabilang ditto ang mga dokumento at mga artifact na nagpapaliwanag kung paano nakumpleto ang Malolos Convention noong 1898. Ipinagmamalaki ng Museo na ito ang mga interactive at digital display na nagbibigay permiso sa mga mag aaral at bisita para higit nilang malanan ang tungkol sa Rebolusyong Pilipino at pulitika.

 

Casa Real Shirne

Ang Casa Real ay isang dating emprinta noon ng Republika ng Malolos, At itoy

Binago at inayos para gawing silid aklatan ng munisipalidad (Public Library) ng National Historical Institute at nagsisilbing taguan ng mga memorabilia na nananatiling buhay para sa kaalaman ng bagong henirasyon.

Para makompleto ang iyong pamamasyal at pagbabaliktanaw sa kasaysayan dapat mo rin puntahan ang Instituto De Mujeres o (Ladies Institution)

 

Bautista House

ang de klasikong disenyo itinayo noong 1850 at muling isinaayos noong 1877 sa French Art Nouveau style. Marami kang matatagpuan ditto na mamerabilya at ang orihinal na watawat nang KKK.

At syempre kailangan pasyalan mo rin ang Katedral de Malolos na kahit sa paglipas ng panahon ay napakaganda parin naag struktura nito.

 


Mga Kababayan.

Kung hanap nyo ay mababang presyo at syempre magandang  serbisyo para sa susunod nyong paguwi sa Pilipinas,maari po ninyong tawagan ang MABUHAY TRAVELS at Komunsulta sa aming mga Pilipino travel consultant.Tawag po lamang kayo sa 02035159034.

Salamat po.

Hanggang sa muli

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid

Elma

Ako ay masayahin at palakaibigan ,Mahilig ako sa adventura, mamasyal sa mga magagandang lugar at mapagmahal sa kalikasan,gusto kung ibahagi sa inyo ang aking karanasan sa mga lugar na alam kung gusto nyo ring marating lalo na sa ating BAYAN PILIPINAS. Isa ako pa pinakabagong tagapagsulat nang artikolo para sa MABUHAY TRAVEL BLOG.

You Recently Viewed ...

Things to do in Bohol

10 Things to do in Bohol on your Holiday

Souvenirs for Filipinos

Souvenirs for Filipinos: Pasalubong from the UK

Best beaches in the Philippines

Best Beaches in the Philippines 2024

Philippines Rainy Season

Travelling During the Philippines Rainy Season

Discover Bacolod

Discover Bacolod: A Top Destination for Your Future Travel in the Philippines

LEAVE A COMMENT