Ang mga Christmas celebrations sa bansa ay nagiging reunion na din ng mag-kakamag-anak. Isa sa mga pinakamasayang pagtitipon sa Pilipinas. Tuwing New Year naman, naniniwala ang karamihan na kung magkakasama ang mag-anak o pamilya sa pagbubukas ng taon, sa buong taon ay magkakasama pa rin si la sa hirap at ginhawa.
Flying for Christmas Celebrations
Kailan murang magbook ng flight para makadalo sa mga Christmas Celebrations sa bansa? Iisa lang ang siguradong sagot diyan, magbook ng maaga para sa iyong flight, buwan palang ng Pebrero maari ka ng mag-book ng iyong flight. Habang papalapit ang Disyembre mas tumataas ang presyo, yan ang garantisadong sagot sa tanong na iyan dahil alam naman nating buong mundo ay halos nagsisipagdiwang ng pasko.
Tandaan natin na alam na alam iyan ng mga manlalakbay saan mang panig ng mundo, kahit ang mga hindi nagdiriwang ng pasko ay kasama din sa mga naghoholiday sa okasyong ito, kaya naman ang mga cheapest Christmas holidays ay mabilis mabenta, sila ay nag-aabang sa paglabas ng bawat presyo. Magkagayon man, ikaw ay may sapat na oras, araw sa buong taon para magbook ng iyong flight pauwi sa Pilipinas para makisaya sa mga masasaya at natatanging Christmas celebrations in the Philippines.
Ang presyo ng tiket sa buwan ng Disyembre ay halos doble o triple, kaya mainam kung ikaw ay makakapag-book ng maaga para sa iyong flight. Kung napalampas mo man sa taong ito, meron namang para sa susunod na taon. Kahit sa mga araw bago Nobyembre ay mura pa rin ang pamasahe kumpara sa buwan ng Disyembre. Kung nagkataong kailangang-kailangan mong umuwi, ang mismong araw ng pasko at kahit pagkatapos ng bagong taon ay bahagyang mababa rin ang presyo kumpara sa mga peak time ng paglipad.
Ang mga “Fly Now Pay Later” scheme ay malaking tulong din sa pagbobook mo ng iyong flight para makadalo sa mga Christmas celebrations in the Philippines. Maari mong bayaran ng hulugan o pakunti-kunti ang iyong ticket para hindi masyadong mabigat sa bulsa ang pagbabayad sa presyo nito.
Ang mga nabanggit ko sa itaas ay ang normal na mga pagpre-presyo sa mga ticket. Dahil sa pandemya nagkaroon ito malaking epekto sa presyo ng mga ticket, sa ngayon mataas pa rin ang mga ticket kumpara noon. Mapapasaan ba’t babalik din sa dati ang mga presyo, at pag nagkataon alam mo kung kailan ka dapat magbook ng iyong flight para sa pasko.
Ang kapaskuhan ay isang mahusay na oras para bisitahin ang pamilya, makasama ang mga mahal sa buhay, tumawa kasama sila. Ang pagkakaroon ng pagkakataon upang makasama silang muli ay isa sa ating inaasam. Kami sa Mabuhay Travel ay inaanyayahan kang tumingin at mamili sa aming mga flight offers to the Philippines. Ikaw ay may malawak na pagpipilian ng mga flights na nais mo, at lumipad gamit ang mha mahuhusay na airlines sa buong mundo.
Tumawag ka sa aming hotline at makipag-usap sa aming mga Filipino Travel agents, sila ay handa kang gabayan sa buong proseso ng iyong pagbo-book hanggang sa ikaw ay makarating sa iyong destinasyon at makabalik ng UK. Ang aming mga Travel agent may sapat na kaalaman sa mga pabago-bagong patakaran at travel restrictions sa Pilipinas man o UK. Sila ay may kakayahang gawing mas mabilis ang iyong pagbo-book at may mahusay o hassle-free na paglalakbay.