Attractions Philippines Beaches Philippines Holidays Philippines

Things to remember on your holiday on beaches in the Philippines

Walang pag-aalinlangang ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nagtataglay ng mga magagandang beaches. Ang mga beaches in the Philippines ay may gandang hindi mapapantayan ng ilang mga beaches sa ibang bansa. Mainam ang mga beaches in the Philippines para sa iba’t-ibang water activities tulad ng snorkeling, diving, underwater photography, kayaking at marami pang iba.

Iba ang dalang saya ng dagat, swimming o beach-bumming, pagtatampisaw lang sa alon nito at ang pakiramdam ng malambot na buhangin. Ang mga beaches in the Philippines ay isang paraiso para sa mga beach lover at kahit sa mga batang gustong gustong maglaro sa buhangin.

Bago pa man mag-empake ng mga swimsuits ay makabubuting basahin ang nakatalang tips sa ibaba. Ito ay para sa kaligtasan mo at ng iyong pamilya, para mas ma-enjoy mo ang iyong bakasyon sa mga magagandang beaches in the Philippines.

beaches in the Philippines

Things to remember on your holiday on beaches in the Philippines

  1. Weather condition.
    Mahalagang alamin muna ang kondisyon ng panahon bago magswimming. Ang Pilipinas ay napapalibutan ng Pacific Ocean sa east, South China Sea sa north at west, at Celebes Sea south. Ang alon ay maaring maging mas malakas, mas mataas, at hindi ligtas kapag masama ang panahon.
  2. Marunong lumangoy.
    Aminin man o hindi, marami ang mga nagpupunta sa beach na hindi marunong lumangoy, at malakas ang loob sumasakay pa sa bangka, nag-i-island hopping pa kamo. Mahalagang alam natin ang basic ng paglalangoy.

  3. Protect yourself.
    Napansin ko nitong huling bakasyon ko, meron pa ring mga beach goers ang hindi gumagamit ng sunscreen. Habang nakabilad ang ating balat sa araw ay na-e-expose din tayo sa UV rays at alam naman nating ito ay hindi maganda sa katawan. Malaki din ang naitutulong ng paggamit ng sombrero, sun glasses at maari din kayong gumamit ng mga long sleeves na kasuotan. (I do 😊)
  4. Keep hydrated.
    Mahalagang kahit napapalibutan tayo ng tubig ay mayroon din tayong tubig para sa loob ng ating katawan, panatilihing may sapat na inuming tubig sa iyong bag. Para sa karagdagang kaalaman, ang mga tubig sa gripo, kahit sabihin pang maaring inomin ay iba ang lasa, medyo malalasahan mo ang alat ng mga ito.
  5. Do not DRINK and SWIM.
    Katulad ng pagmamaneho ng sasakyan, iwasan din ang pag inom ng alak at paglalangoy. Kapag nakainom ang isang tao tumatapang ito, lumalakas ang loob at nakakarating sa guhit na hindi na ligtas para sa mga manlalangoy.
  6. Safety vests.
    Pinaka-importante ang mga life jackets o safety vests kapag nasa laot, marami sa mga beaches in the Philippines ang nag aalok ng kayaking, jetski, boating at iba pang mga aktibidad. Mahalagang ikaw ay may suot nito, eksperto ka man sa paglalangoy o hindi.
  7. Mahalagang alamin kung nasaan nakapwesto ang mga lifeguards.
    Hindi maiiwasan ang mga aksidente minsan kaya nararapat na alamin kung saan nakapwesto ang mga lifeguards para sa kaligtasan mismo ny iyong pamilya.
  8. Sumunod sa mga patakaran.
    Pagsunod sa mga patakaran, flag colours at mga babala ang susi para sa isang ligtas at puno ng sayang bakasyon.
  9. Alamin ang mga beach flag colours.
    ⋆ GREEN FLAG: GO AHEAD. It is safe to swim.
    ⋆ YELLOW FLAG: swim with caution
    ⋆ VIOLET FLAG: may mga namataang jelly fish sa parteng iyon ng dagat

    ⋆ RED FLAG: NO SWIMMING POLICY
    ⋆ BLUE FLAG: Lifeguard Tower Flag. Matatagpuan ang mga lifeguards sa tulong ng blue flag.
  10. Cash
    Anong kinalaman nito sa swimming? Well, wala naman pero syempre pag wala kang cash, how will you enjoy diba? Bayad sa mga gears na for rent, bangka, kung gusto mong mag-kayaking? Karamihan sa mga beaches in the Philippines ay walang ATM kaya dapat ay may sapat kang cash.

Para sa iyong napipintong holiday in the Philippines, tumawag sa aming mga Filipio Travel consultant. Sila ang gagabay sa iyong mga panghimpapawid na paglalakbay.

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

best holiday destinations in the Philippines

Best Holiday Destinations in the Philippines 2025

best places in Cebu for couples

Top Wedding Destination: Best Places in Cebu for Couples

Places to celebrate anniversary in the Philippines

Romantic Getaways: Places to Celebrate Anniversary in the Philippines

Best beaches in the Philippines

Best Beaches in the Philippines 2024

Philippines Rainy Season

Travelling During the Philippines Rainy Season

LEAVE A COMMENT