Ang Pilipinas ay karaniwang gumagamit ng kamoteng kahoy, rice flour, glutinous rice/flour, niyog at mga prutas.
Heto ang mga Filipino desserts na ating kinasasabikan.
Brazo de Mercedes
Ang Brazo de Mercedes ay isang tradisyonal na Filipino Christmas dessert meringue roll na may isang custard bilang pagpuno na karaniwang binubudburan (dusted) ng powdered sugar. Ito ay isang uri ng pianono. Gawa ito sa mga puti ng itlog, cream ng tartar, at granulated sugar.
Minsan ko nang ginawa ito at successful naman, maari mong makita ang kompletong ingredients at paano ito gawin sa link na ito
👉 https://bit.ly/BrazodeMercedes_Recipe
Bibingka
Isang simpleng cake ng Filipino na binubuo ng harina ng bigas at tubig. Una itong inihanda at niluluto sa mga clay pot na may linya ng mga dahon ng saging, na magbibigay ng isang natatanging, mausok na lasa nito. Sa panahong ngayon ay karaniwang inihanda ito ng may gatas, itlog, gatas ng niyog, mantikilya, at ginadgad na keso. Ito ay isang tradiyonal na Filipino Christmas dessert at tradisyonal na tinatangkilik pagkatapos ng misa sa araw mismo ng pasko.
I-c-share ko yong isang nahanap ko na video para gawin ito, at napakadaling sundan at hindi komplikado
👉 https://bit.ly/Bibingka_Recipe
Bilo Bilo
Ang Bilo-bilo ay isang Filipino dessert na gawa sa harina ng malagkit na bigas (glutinous o sticky rice flour) at hinulma sa maliliit na bola, gata ng niyog at asukal. Kasama din sa sangkap nito ang kamote, langka, saba na saging, at mga tapioca pearls. Ito ay isang tradisyonal na panghimagas ng mga nasa hilagang Luzon. Ito ay isang masarap na dessert at meryenda na rin. Kung ikaw ay kakain nito maiging kaunti lang ang main course mo kasi medyo mabigat ito sa tiyan. Para sa paraan kung pano ito gawin, maari niyong i-check ito
👉 https://bit.ly/BiloBilo_Recipe
Buko Pandan
Sa lahat ng mga Filipino dessert, ang Buko Pandan ay isang crowd pleaser sa anumang pagtitipong Pilipino. Ang Buko pandan ay isang matamis at nakakapreskong panghimagas na gawa sa coconut, infused gelatine / jelly at pinatamis na cream. Ang paghahanda nito karaniwang nangangailangan ng paghahalo ng lahat ng mga sangkap nang magkasama at pinalamig ito. Ang panghimagas na ito ay tunay na tropikal at tiyak na natatanging masarap.
Buko Pie
Kasama din ito sa mga Filipino Christmas desserts. Kilala din ito bilang coconut pie, isang tradisyonal na Filipino dessert custard pie. Ito ay itinuturing na isang specialty sa lungsod ng Los Baños, Laguna na matatagpuan sa isla ng Luzon. Ginagamit ang pinatamis na young coconut meat bilang filler nito at sa kasalukuyan ay ginagamit ang mga pampalasa tulad ng pandan, banilya, o almond essences. Ito rin ay mainam na pasalubong kapag bumibisita sa mga kaibigan o kamag-anak, karamihan sa mga pastry shop sa Pilipinas ay makakakita ka nito.
Minsan problema ang oven, no worries, may nahanap ako para sa non-oven cooking maari niyong i-follow ang ito
👉 https://bit.ly/BukoPie_Recipe
Butsi (Buchi)
Ang Butsi ay isang Filipino dessert na ang inspirasyon ay ang tradisyunal sweets ng Chinese na jian dui. Ginawa ang mga ito sa malagkit na harina ng bigas na nabuo sa maliliit na hugis at pinalamanan ng iba’t ibang mga matamis na pagpuno tulad ng pinatamis na mung bean, red bean paste, o ginutay-gutay na niyog.
Ito ay deep fried hanggang magkaroon ng golden color. Ang pagiging malutong nito, malambot at chewy, creamy filling ay isang kasiya-siyang Filipino dessert at maari ring maging quick sweet snack.
Para sa pinakamadaling paggawa nito panoorin iyo lamang ito
Filipino Fruit Salad
Ang Filipino Fruit Salad ay isang tradisyonal at kadalasang makikita sa mga ibat-ibang selebrasyon sa Pilipinas. Ang Filipino dessert na ito ay binubuo ng iba’t ibang mga uri ng prutas na hinaluan ng table cream at kondensadong gatas. Ito ay napakasimpleng gawin, ihahalo mo lamang ang mga prutas, gatas at cream at okay na, hindi na kailangang lutuin pa.
Alalahanin lang na ang mga prutas dapat ay fresh para sa mas malasang fruit salad. Madali ring hanapin ang mga ingredients nito, madali lang hanapin sa market. Kadalasan mansanas, saging, ubas, melon, fruit cocktail at pagkatapos ay hahaluan mo ng All Purpose Cream at condensed milk. Ang ilan ay nilalagyan din ito ng cube cheese.
Halo-Halo
Halo-halo, hindi ito mawawala, lalo na at halos lahat ng mga Pilipino ay kinagigiliwan ito. Ito ay isang cold Filipino dessert. At tuwing summer, sa bawat kanto ng lugar sa Pilipinas may Halo-halo stall. Isang refreshing Filipino dessert na napakasimpleng gawin at alam lahat ng mga Pilipino ito (tuktukan mo yong kakilala mong hindi marunong dito 😊). Shaved ice, gatas, ibat ibang mga minatamis na sahog , at toppings na ice cream o leche flan then your good!
Leche Flan
Ang Leche Flan ay isa sa pinakamamahal at tanyag na Filipino dessert. Ito ang Filipino version ng Crème caramel. Ang orihinal na version ay ang sa Spanish kung saan ang gawang Filipino dessert ay mas marami ang condensadong gatas at mas maraming egg yolks ang nilalagay. Ang Leche flan ay karaniwang steamed at nakalagay sa isang oval shaped hulmaha o ang tinatawag na llanera (lyanera). Ang pagiging malambot nito at ang tamis nito ang nangingibabaw kapag kumakain ka nito. Ito ay isa sa mga Filipino Christmas desserts. Para sa best Filipino dessert na ito sundan lamang ang gabay na ito
👉 https://bit.ly/LecheFlan_Recipe
Maja Blanca
Ang Maja blanca ay isang “white delicacy” Filipino dessert na pangunahing gawa sa gatas ng niyog. Ito ay coconut milk na hinahaluan ng cornstarch para sa unique texture nito. Ang Maja blanca ay may tamang timpla ng isang makapal na gelatin, ma-krema, malinamnam na lasa at may malasutlang kulay. Ito ay may toppings din na mais con yelo at maari ding lagyan ng latik (naglalagay ako ng cheese, at masarap naman). Kilala rin bilang coconut pudding, kadalasang hinahain ito sa mga fiesta at sa mga piyesta opisyal, lalo na ang Pasko. Noong una akong gumawa nito, ito ang gabay na sinundan ko at ibabahagi ko din sa inyo ito
👉 https://bit.ly/MajaBlanca_Recipe
Mais Con Yelo
Ang Mais con Yelo ay isang cold Filipino dessert din na gawa sa matamis na mais, shaved ice, gatas, at asukal. Hinahain ito ng simple o maaring may toppings na crispy toasted rice, durog na corn flakes at maaring kahit may ice cream.
Sapin Sapin
Makulay na, masarap pa! Yan ang Sapin-sapin, isang Filipino dessert na malambot at chewy-pudding like texture at may toppings na ginintuang latik. Ito ay maganda sa paningin at karaniwang may 3 mga layer; lila, dilaw, at puti. Kadalasan rin itong handa sa mga espesyal na okasyon gaya ng pasko. Subukan ang paggawa nito sa pamamagitan ng link na ito
👉 https://bit.ly/SapinSapin_Recipe
Ube Halaya
Ito ay isa sa mga Filipino Christmas desserts na gusto ng lahat. Ito ay gawa sa pinakuluang at na-mashed kulay lilang yam. Ito ay madalas na ihinahalo sa halo-halo. Ito ay isa sa mga simple gawin na Filipino dessert, ang ube ay nabalatan, pinakuluan, mashed, at pagkatapos ay lalagyan ng condensed milk para sa tamis nito, at ilalagay sa isang kasirolao na may tinunaw na mantikilya. Ihahalo ito hangang maging mas mabigat ang hitsura, mas malapot at hayaan itong lumamig. Ang native name ng ube halaya ay nilupak na ube. Para gawin ito sundan lamang ang mga gabay sa
👉 https://bit.ly/UbeHalaya_Recipe
Ang mga mga Filipino desserts na ito ay maari mong matikman at mabili sa ibat ibang Filipino restaurants in UK. Nandiyan ang “Lutong Pinoy Restaurant” “Josephine’s Filipino Restaurant” at marami pang iba. Huwag ding kalimutan ang “Mama’s Kubo” na napakababait at approacheable ang mga staff, at ang food Pinoy na Pinoy ang lasa, parang nasa Pilipinas lang, maari kayong umorder sa Mama’s Kubo and they can do it specially for you. You can visit their site para sa iba pang mga Filipino dessert and food na gusto mo 👉 https://www.mamaskubo.com/
Nabanggit ko ba ang paborito mo? Kung hindi share mo lang sa comment part sa ibaba.
Nanabik ka bang kumain sa mga sweets na ito kasama ang mga mahal mo sa buhay? Call us now! Mabuhay travel will reunite you to your families! Kontakin lang kami para sa inyong mga cheap air fare at iba pang flight promos namin.