Travel Tips

Travelling Alone on a Journey

Ang paglalakbay ng mag-isa kung iisipin ay nakakatakot lalo na kung ito ay ang unang beses mong gagawin. Ngunit ito rin ay isang ganap na kakaibang karanasan kaysa sa paglalakbay na may kasama. Ang paraan ng isang manlalakbay sa kanilang paligid ay nagbabago kapag kasama sila ng isang pangkat sa paglalakbay o kung may kasama ka. Ang paglalakbay ng mag-isa ay isang karanasang hindi ikinokonsidera ng nakararami. Pagiging matapang at kompyansa ang kakailanganin mo para ito ay magawa mo. Kompyansang kakailanganin mo para harapin ang iyong mundong ginagalawan. Sa pagbabsasa nito, sana ay makapagbigay ako ng inspirasyon sa iyo.

 

Bago ang travelling alone experience.

Gumawa ng isang listahan ng iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan kapag may emergency. Bago ka magtungo sa iyong pagbabakasyon ng mag-isa ilista mo muna ang mga emergency numbers mo na maari mong tawagan kapag nagkaproblema ka. Kung may travel insurance ka ay karapat dapat lamang na ikaw ay makipag ugnayan sa kanila ng mabuti, alamin mo ng mahusay ang mga policy nila.

Mas mainam din na kung ikaw ay may travelling alone adventure, ikaw ay magbigay ng detalye, o ilista mo ang mga detalye ng patutunguhan mo. Kompletong address ng hotel o ng bahay na iyong titirhan. Kailan ang balik mo, anong oras ang alis mo mga maliliit na detalye ngunit importante. Alalahanin na ibigay lamang ang mga ito sa taong pinagkakatiwalaan ng lubos. Ipinapayo din na ipagbigay sa iyong embahada ang iyong pagdating sa lugar ng iyong patutunguhan.

 

Travelling alone and safety.

 

 

Ang seguridad ay madalas na isang paksa na kinukunan ng mga solo manlalakbay, lalo na ang mga kababaihan na karaniwang nakakaramdam ng labis na mahina laban sa mga hindi kilalang bahagi ng mundo. Ngunit ang buong ideya ay nagsisimula sa paggalang. Bilang isang manlalakbay, kinakailangang tratuhin mo ang mga lokal at kapwa manlalakbay na may paggalang. Maging alerto at mapanuri tayo sa ating kapaligiran.

Bago ka rin bumiyahe, magsaliksik ka muna sa lugar na iyong patutunguhan, alamin ang mga batas nila, kultura at kung may mga lugar ba doon na dapat mong iwasan.

 

Travelling alone means more time.

Mas magkakaroon ka ng mas mahabang oras na gugulin sa mga bagay na interesado ka, kung may kasama ka maaring ang oras ng pag-gugol mo dito ay limitado lang dahil kaylangan din puntahan ang mga lugar na nais niyang makita. Maaring gusto mo munang bisitahin ang mga magagandang simbahan ngunit ayaw ito ng kasama mo, maaring masilayan mo pa rin ito pero limitado ang oras mo.

 

Travelling alone and decision making

Tuwing tayo ay maglalakbay na may kasama, lahat ng ating mga desisyon ay batay sa mga patakarang napag usapan ng grupo o ng kasama mo. Kung ikaw ay desido sa travelling alone experience mo, matuto kang magdesisyon ng naayon para sa sarili mo. Malalaman mo kung saan ang limitasyon mo.

 

Travelling alone and independence

 

 

Kung ikaw ay mag isa mararamdaman mo ang pagiging malaya, malaya sa lahat, desisyon, oras, pagkain, lahat ikaw ang may control. Dito mo malalaman sa sarili mo kung hangang saan ang limitasyon mo.

 

Travelling alone and facing fears.

 

 

Maaring sa pagdedesisyon natin na ipursige ang travelling alone adventure natin maaaring matuto tayo kung pano gumalaw kapag nandiyaan ang mga bagay na kinatatakotan natin. Matuto tayong umaksyon at harapin ang mga ito. Magiging mature tayo sa pagharap ng mga problemang kahaharapin natin, magiging mas responsable tayo sa ating mga galaw.

 

Travelling alone at pakikipag-kaibigan.

Hindi naman proket travelling alone na, kaylangan mag isa ka lang, maari ka pa ring makipagkaibigan, iyon lamang ay ang magkaroon ka ng limitasyon at huwag kalimutan ang maging alerto. Huwag ibigay ang mga personal information mo lalo na saan ka nakatira. Maari din na huwag mong ipaalam na ikaw ay mag isa.

 

Sa iyong pagbalik sa iyong pinanggalingang bansa, mas madali ka ng makipagkaibigan. Natutunan mo na ang tamang paraan para makipag usap sa isang estranghero.

 

Travelling alone and confidence.

Travelling alone makes someone vulnerable. Ang mga mapansamantala saan mang lugar sa buong mundo ay laging nakamasid sa mga taong mahina. Magkaroon tayo ng kumpiyansa sa ating sarili. Kung tayo ay makikipag usap, makipag usap ng may tapang at gumalaw nang may lakas, tapang na nasa lugar at tamang tono.

Tumawag at makipag-ugnayan sa Mabuhay Travel sa iyopng susunod na paglalakbay. Makipag usap sa aming mga friendly Filipino travel consultants para sa mga best deals na i-noofer namin ngayon.

 

 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

best holiday destinations in the Philippines

Best Holiday Destinations in the Philippines 2025

Things to do in Bohol

10 Things to do in Bohol on your Holiday

Souvenirs for Filipinos

Souvenirs for Filipinos: Pasalubong from the UK

Best beaches in the Philippines

Best Beaches in the Philippines 2024

Philippines Rainy Season

Travelling During the Philippines Rainy Season

LEAVE A COMMENT