Food

Why is Boodle Fight Famous?



“Kamayan! Tawanan, pabilisan ng kamay, para sa pagkaing hindi ka mauumay!”

Sa mayamang kasaysayan ng Pilipinas nabuo ang ibat-ibang mga natatanging lasa ng Filipino cuisine. Madalas gamitin ang mga terminong mix-match, mashed-up, culinary fusion para ilarawan ang Filipino dish o cuisine.  At dahil na rin sa extensibong pinagdaanan ng Pilipinas masasabi natin na ang Filipino cuisine ay fusion nga ng ibat ibang lasa sa buong mundo.

 

Ang Filipino food ay pinupuno ng lasa, kulay at masarap na aroma. Ang kakaibang paghahalo ng matamis, maasim at maalat na condiments ay natatangi. Hinahayaan nito ang bawat lasa na manuot sa mga ingredients ng anumang lutuin, isang natatanging paghahal-halo ng lasa at nagreresulta sa isang kaayayang lasa ng pagkain. Ang mga pagkaing Pilipino ay napaka-makulay, sinasamahan ng gulay, pagkaing-dagat, karne at iba pa.

 

 

Nagmula sa isang mayamang kasaysayan ng kultura at halo-halong lasa, aroma at kulay ibat-iang istilo ng pagluluto at paghahain ang siyang bumubuo sa lutuing Pilipino. Alamin natin kung ang isang natatanging pamamaraan ng paghahain ng pagkaing Pilipino, ang Boodle fight.


Ano ang BOODLE FIGHT?

Ang tradisyong ito ng mga Pilipino ay nagmula sa militar ng Pilipinas kung saan ang isang mataas na tumpok ng pagkain ay ihinahain sa gitna ng isang mahabang mesa sa isang bulwagan. Dito naghihintay ang mga gutom na gutom na sundalo. Sila ay handang kumain gamit lamang ang kanilang mga kamay. Ito ay grupo ng mga sundalong iba iba ang ranggo at katayuan sa buhay ngunit handang kumain gamit lamang ang mga kamay. Ang “kamay” ay sumasagisag sa pakikipagkapwa, kapatiran at pagkakapantay-pantay sa militar. Ang “fight” sa pangalan ay tumutukoy sa mabilisang pagkilos ng pag-agaw (in a friendly way of course) sa putaheng nakahain bago pa ito makuha ng ibang sundalo, lalo na kung ito ang huling piraso at talagang nasarapan ka, makikipag-unahan ka talaga. Tandaan na inihatid ito sa mga gutom na kalalakihan kaya kung mabagal ka tiyak na mauubusan ka ng pagkain.

 

 

Sa ngayon unti unting nakikilala ang boodle fight sa ibat ibang panig ng mundo at lahat ay masayang nagbabahagi ng karanasan sa kanilang boodle fight sa pamamagitan ng youtube sharing nila. Marami sa mga nagbabahagi ay mga dayuhan at first time na makaranas ng boodle fight.


What to expect?

Sa isang Boodle Fight ibat ibang uri ng pagkain ang ihahain sa isang malinis na dahon ng saging. Ang dahoon ng saging ay ilalatag sa isang mahabang mesa, depende kung gaano karami ang kakain ganun din kahaba ang mesa. Ang kanin, na siyang pinaka importante sa mga Pilipino, ay maayos na nakalinya sa gitna ng dahoon ng saging at ito ay napapalibutan ng ibat ibang putahe. Sa magkabilang dulo ay may parehong pagkakaayos ng ulam. Walang nga kutsara at tinidor din ang makikita sa hapagkainan, tanging masasarap at nakakatakam na ulam ang nandoon at tanging kamay ang gagamitin sa pagkain. At sapagkat kamay lang ang gamit, importante na maghugas ng mabuti bago kumain. Bawal ang kiyeme o mahiyain sa Boodle Fight kung hindi uuwi kang gutom.hehehe.

 

 

Karaniwan sa traditional cuisine na ito ng mga Pilipino ang mga ihahaing ulam o putahe ay mga tuyong ulam (dry food), meron din namang ibang ulam na may sarsa pero ito ay kakaunti lamang. Karamihan sila ay naghahanda ng mga grilled food, grilled na isda, karne o manok at kahit gulay. Madalas, lalo na kung ang grupo ay nasa beach o ilog ang tema ng pagkain ay seafood, ito ay sasamahan ng ibat ibang uri ng lamang dagat, hipon, alimasag, isda, tahong, at mga seaweeds katulad ng ar-arosep o green caviar o sea grapes sa English.

 

Ito ay sasamahan din ng mga iba pang gulay tulad ng okra, kamatis, talong at nagdaragdag din sila ng itlog maalat. Kagaya ng isang kompletong meal ito ay may prutas din katulad ng pinya at mangga. Ang ibang mga tema ay may lechon baboy sa gitna at salo-saong pi-pira-pirsauin ito hanggang maubos kung kaya nila.

 

Sa isang boodle fight ay makakakita ka ng hindi bababa sa 15 na ibat-ibang uri ng pagkain at minsan at aabtutin pa ito ng 25, na minsanang ihahain sa lamesa para pagsaluhan ng grupo. Inaasahan ng naghanda na ito ay uubusin lahat kaya pagdating sa boodle kain lang ng kain hanggang mabusog, hanggat may espasyo pa sa loob ng tiyan tikman lahat ng putahe.

 

Habang kumakain sa isang Boodle fight magiging abala ang lahat sa pagkain, abala na linalasap bawat ulam na nakahain. Hindi rin mawawala ang tawanan at kuwentuhan lalo na sa mga magkakaibigan. At siguradong kapag malapit ng maubos ang pagkain makakarinig ka ng “akin yan” “ay, hati tayo, gusto ko yan ei”. Masayang kumain sa isang boodle fight at habang sinusulat ko ito ay bumabalik ang nakaraan at mejo matagal tagal na rin na hindi ako nakaranas ng boodle fight,lalo na at tayo ay nasa gitna ng pandemya.

 

9
8
7
6
5
4
3
2
1

 

Ilang boodle fight na ang naranasan mo, what’s the theme of your food? Nakakamiss noh? Hayaan niyo, kapag okay na ang lahat ang Mabuhay Travel ay handa kang tulungan na makabalik sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga cheap flights to Philippines na alok namin. Serbisyong garantisado at with flexible payment methods pa.

 

Tawag lamang sa aming mga Filipino travel experts para sa karagdagang impormasyon.



 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

famous food in Cebu

Famous food in Cebu that you should taste!

Filipino Cuisine

Foodie Paradise: Sampling the Best of Filipino Cuisine

Restaurants in Baguio

Where to find vegetarian restaurants in Baguio City

Best Filipino Soups

5 BEST FILIPINO SOUPS

Dishes in Elyu

5 Dishes in Elyu you shouldn’t miss

LEAVE A COMMENT