Travel Tips

Araw ng Kalayaan

Philippines Independence Day June 12

 

Ipagbunyi ang 121st Araw ng Kalayaan:

Ang makasaysayang pagpapahayag ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay nabigyan kaganapan noong Hunyo 12, 1898 kung saan didineklara ni hereral Emilio Aguinaldo ang pagsasarili ng Pilipinas  hinggil sa pananakop ng Espanya matapos itong magapi sa naganap na Sagupaan sa Manila Bay noong panahon ng Digmaan sa pagitan ng Espanya at Amerika. Isa itong Pambansang Araw ng pagdiriwang sa Pilipinas

 

Kasaysayan

Ang araw ng paggunita ng kasarinlan ay nag-iba-iba sa boung kasaysayan ng bansa. Ang pinkakaunang tala ay noong 12 Abril 1895, kung kailang tumungo sina Emilio Jacinto, Restituto Javier, Guillermo Masangkay, Aurelio Tolentino, Faustino Manalak, Pedro Zabala at iba pang mga Katipumero sa Kuweba ng Pamitinan sa Moltalban Rizal upang tanggapin ang mga bagong kasapi ng Katipunan. Sinulat ni Bonifacio ang Viva la Independencia Filipina! O Mabuhay ang kasarinlan ng Pilipinas sa pader ng kuweba upang ipahayag ang layunin ng lihim na samahan. Namuno din si Bonifacio sa Sigaw sa Pugad Lawin na siyang naghudyat sa Rebolusyon Pilipino. Dito pinunit ng mga kasapi ng Katipunan sa pamumuno ni Bonifacio ang kanilang sedula bilang pagtutol sa pananakop ng mga Kastila.

Noong 1896 ay sumiklab ang Rebolusyong Pilipino at noong Disyembre 1987 ay nagkasundo ang mga mananakop na Kastila at mga Rebolusyonaryo sa ilalim ng Kasunduan sa Biak-na-Bato. Bilang pagsunod sa kasunduan, pinatapon sa Hong Kong sina Emilio Aguinaldo at iba pang mga pinonu ng himagsikan.

Sa pagsiklab ng Digmaang Espanyol-Amerikano, naglayag si Komodoro George Dewey mula Hong Kong patungo sa Look ng Maynila at pinamunuan ang iskuwadra ng Hukbong Pandagat ng Amerika. Noong 1 Mayo 1898 ay nagapi ni Dewey ang Hukbong Dagat ng mga Kastila sa Labanan sa Look ng Maynila, na siyang nagtapos sa pamumuno ng Kastila sa Pilipinas. Nakarating si Aguinaldo sa Cavite noong 19 Mayo 1898 at tinipon ang mga puwersang rebolusyonaryo. Bandang Hunyo 1898 ay inisip ni Aguinlado na magpahayag ng kasarinlan upang bigyan ng lakas ng lood ang mga taong-bayan na labanan ang mga Kastila at gayundin upang himukin ang ibang mga bansa na kilalanin ang kasarinlan ng Pilipinas

Noong 5 Hunyo 1898, naglabas si Aguinaldo ng isang kautusan na nagtatakda sa 12 Hunyo 1898 bilang araw ng pagpapahayag ng Kasarinlan. Pinamunuan ni Aguinaldo ang nasabing kaganapan sa kaniyang tirahan sa Kawit, Cavite na noon ay kilala bilang Cavite El Viejo. Ang Acta de la Proclamancion de la Independencia del Pueblo Filipino ay taimtim na binasa ng patnugot nito na si Ambrosio Rianzares Bautista, na nagsilbing tagapayo sa digmaan ni Aguinaldo at kaniyang espesyal na delegado. And kapahayagan na naglalaman ng 21 pahina ay nilagdaan ng 97 mga Pilipino, na tinalaga ni Aguinaldo, at isang retiradong opisyal ng artilerya ng hukbong Amerika na si Koronel L.M Johnson. Ang watawat ay opisyal na winagayway sa unang pagkakataon bandang 4:20 ng hapon habang pinapatugtug ng San Francisco de Malabon ang Marcha Nacional Filipina.

Ang Proklamansyon noong 1 Agusto 1898 ay niratipika ng 190 mga pangulo ng bayan mula sa 16 mga probinsya na kontrolado ng hukbong rebulusyonaryo. Muli itong niratipika noong 29 septembre 1898 ng Kongrso ng Malolos.

 

Ngunit hindi kinilala ng ibang mga bansa maging ng Estados Unidos o ng Espanya, ang Kasarinlan ng Pilipinas. Kinalaunan ay sinuko ng Espanya ang kapuluan ng Pilipinas sa Estados Unidos sa ilalim ng Kasunduan sa Paris. Hindi kinilala ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas ang Kasunduan at kinalaunan ay ngapahayag ng digmaan laban sa Amerika.

 

España at Estados Unidos sa Paris, France noong ika-10 ng Disyembre, 1898

Sa ilalim ng Kasunduan sa maynila ay pinagkaloob ng Estados Unidos ang Kasarinlang ng Pilipinas noong 4 Hulyo, 1946. Ang petsa ng 4 Hulyo ay pinili ng Estados Unidos dahil ito ang petsa ng Araw ng Kalayan ng Estados Unidos, at ang petsang ito ay ginugunita din sa Pilipinas bilang kanilang Araw ng Kalayaan hanggang 1962. Noong 12 Mayo 1962, naglabas si Pangulong Diosdado Macapagal ng Proklamasyon ng Pangulo Blg 28, na siyang nagtatakda sa 12 Hunyo bilang natatangin pista opisyal sa boung Pilipinas. Bilang paggunita sa kapahayagan ng sambayanan sa kanilang likas at di-mapagkakait na karapatan sa Kalayaan at Kasarinlan. Noong 4 Agosto 1964 ay isinabatas ang Batas Republika blg 4166 na nagtatakda sa 4 Hulyo bilang “Araw ng Republika ng Pilipinas”, sa 12 Hunyo bilang “Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas”, at hinimok ang lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na gunitain ang huling nabanggit ng naaayon.

 

Araw ng Watawat

Bago pa man ang taong 1964, ang 12 Hunyo ay ginugunita na bilang Araw ng Watawat sa Pilipinas. Noong 1965 ay naglabas si Diosdado Macapagal ng Proklamasyon Blg 374, na siyang naglilipat ng Pambansang Araw ng Watawat sa 28 Mayo. Ito ang araw kung kalian noong 1898 ay unag winagayway ang Watawat ng Pilipinas sa labanan sa Alapan, Imus, Cavite. Noong 1994, naglabas si Pangulong Fidel V. Ramos ng Kautusang. Tagapagpaganap bilg 179, na siyang nagpapalawig ng paggunita nito mula 28 Mayo hanggang sa Arwa ng Kasarinlan ng Pilipinas sa 12 Hunyo, at siyang nag uutos din sa lahat ng mga kagawaran sangay, ahensya, tanggapan, ari-arian, mag korporasyon at maging lokal nay unit ng pamahalaan at maging mga pribadong establisyimento na ipakita ang Pambansang Watawat sa lahat ng mga pampublikong gusali , institusyon mng pamahalaan at mga opisyal na tirahan sa mga araw na iyon at pinag-uutos ang Kagawaran ng Edukasyon sa pakikipagtuluingan ng pribadong esktor , non-government organization at maging mga grupong sosyo-sibiko na makilahok sa pagpapakita ng Pambansang Watawat sa lahat ng mga Pampublikong liwasan at kung maaari, sa lahat ng mga pribadong gusali at mga tirahan bilang paggunita sa Pambansang Kasarinlan.

 

Mga karaniwang gawain sa Pista ng Araw ng Kasarinlan

Ang pista opisyal na ito ay karaniwang ginugugol ng mga Pilipino upang magsama ang mga magkakamag-anak o mga kaibigan sa mga aktibidad sa panlabas o panloob.

Lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan at mga paaralan, at maging ilan sa mga establisyimentong pang-komersyo, ang sarado sa araw na ito.

Bilang pagsunod sa batas, ang Watawat ng Pilipinas na unang winagayway noong 1898, ay nakapalamuti sa mga tahanan at establisyimento mula 28 Mayo, Araw ng Watawat, o sa petsang tinatakda ng Pambansang Komisyong Kasaysayan ng Pilipinas, na siyang nagsisilbi bilang tagapanguna sa mga pagdiriwang, hanggang sa ika-30 ng buwan. Ang pagpapailaw ng mga kuwitis ay karaniwan.

 

Taun-taon ay ginugunita sa Kawit, Cavite ang pagsasadula ng pagwagayway ng watawat sa Dambana ni Aguinaldo at ang pagbasa ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas. Sa ibayong dagat ay nagtitipon ang mga Pilipino tuwing 12 Hunyo upang gunitain ito sa publiko, at kalimitan ay may kasama itong parada.

Ang mga Pilipino kahit saan man sa mundo ay nagsama-sama para ipagdiriwang nag Araw ng Kasarinlan o Araw ng Kalayaan. Mabuhay tayong mga Pilipino. Iwagayway ang ating Pambansang Watawat sa mapakahalagang araw na ito, Ang ating Kalayaan mula sa pamamakop.

 

Ipagbunyi ang Araw ng Kalayaan…. Mabuhay

 

 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid

Jocelyn@MabuhayTravel

Ako ay palakaibigan at masipag na tao, marunong makisama sa kapwa . mahilig akong mag basa at mag sulat. Gusto kong makapamasyal sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas, para mas maibahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa paglalakabay.

You Recently Viewed ...

Things to do in Bohol

10 Things to do in Bohol on your Holiday

Souvenirs for Filipinos

Souvenirs for Filipinos: Pasalubong from the UK

Best beaches in the Philippines

Best Beaches in the Philippines 2024

Philippines Rainy Season

Travelling During the Philippines Rainy Season

Discover Bacolod

Discover Bacolod: A Top Destination for Your Future Travel in the Philippines

01 Comment

  1. reptile

    I every tіme spent my half an hour to read this weЬlog’s content daily along with a cup of coffee.

    30/09/2022 Reply

LEAVE A COMMENT