Holidays Philippines

Best family holiday destinations

Ang pagkakaroon holiday ay isang regalo para sa ating sarili, ngunit ang makasama ang pamilya sa isang bakasyon ay isa sa mga bagay na hindi mapapantayan ng anumang materyal na bagay na maari nating ibigay sa ating sarili.

Ang mga bakasyon ng pamilya ay hindi lamang gumagawa ng mga panghabang-buhay na alaala, ito rin ang humuhubog sa isang pamilya, at ayon sa pagsasaliksik ay mabuti pa nga ito para sa iyong kalusugan! Natuklasan ng isang pag-aaral na ang mga tao ay bumalik mula sa bakasyon nang mas masaya at mas nakakarelaks.

Narito ang mga best family holiday destinations na maari mong ikonsidera para sa inyong bakasyon.

Canada

Best family holiday - Canada

Ang Canada ay isa sa mga family holiday destinations na nasa listahan. Ito ay isang masigla at masayang bansa. Ang Canada ay isang perpektong lugar para sa mga pamilyang naghahanap ng isang hindi malilimutang oras na magkakasama. Ang mga nakamamanghang tanawin ay nag-aalok ng napakagandang backdrop para sa isang quality time na kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Nandiyan ang kilalang-kilalang Niagara Falls sa Ontario, Big Muddy Valley sa Saskatchewan, Rue du Petit Champlain sa Québec City, Nahanni National Park Reserve sa Northwest Territories, Notre-Dame Basilica sa Montreal at marami pang iba.


Dubai

Best family holiday - Dubai

Isa ang Dubai sa mga best family holiday destination na nag-aalok ng mga nakaaaliw na plano para sa buong pamilya. Isa itong world-class na lungsod kung saan ang mga mamayan ay may mabuting pakikitungo sa mga turista, ang lungsod ay puno rin ng adventure at hindi ka mauubusan sa mga ito. Pinaghalong tradisyonal at modern na pakikipagsapalaran ang naghihintay sa iyong pamilya. Ilan sa maari mong bisitahin ang Legoland, Aquaventure Waterpark, Ski Dubai, Dubai Miracle Garden, The Dubai Fountain, at siyempre ang mga Malls din nila ay one of a kind.

 

 


Italy

Best family holiday - Italy

Nasa Italy ang lahat para mapabilang bilang isa sa mga best family holiday destinations natin. Ang magandang sikat ng araw, masarap na pagkain, napakarilag na tanawin at ang mayamang kasaysayan, sining at kultura nito ay ilan lang sa mga kadahilanan. Ang bansang ito rin ay may malaking pagpapahalaga sa pamilya kaya naman swak n swak ito para sa pamilya mo. Maari kayong mamasyal sa Lake Garda, Rome, Cinque Terre, The Amalfi Coast, Sicily, Pisa, Venice, at Puglia.

 


USA

Ang USA ay isang lugar na literal na nag-aalok ng lahat ng uri ng pampamilyang holiday, kaya naman ito ay hindi mawawala sa listahan ng mga family holiday destinations. Halos lahat ay mahahanap mo dito, mga malalawak na metropolis, naggagandahang mga parke, mga world-class na museo, ganon din ang mga beaches nila, kahanga-hangang mga tanawin at napakarami pang iba. Halos lahat ng hahanapin ng iyong pamilya makikita mo rito. Kilala ang USA sa lahat ng bagay kaya hindi na maikakailang isa ito sa mga bansang maaring kumumpleto ng iyong family holiday.

Para sa mga pangangailangan mo sa panghimpapawid na paglalakbay, makipag ugnayan sa aming koponan. Handa kaming gabayan ang bawat hakbang ng iyong pag-pro-proseso ng iyong holiday.



Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

Philippines tourist attractions

List of Philippines tourist Attractions that may disappear

Flights to Manila

Sale on flights to Manila with Turkish Airlines this new year

Best Staycations

Best Staycations in the Philippines

flights to the Philippines

Fly back home with our flights to the Philippines

Black Friday Sale

Black Friday sale for Your next Getaway

LEAVE A COMMENT