Travel Tips

TRAVEL THE WORLD INSIDE THE PHILIPPINES

Ang paglalakbay ay ang paggalaw ng mga tao sa pagitan ng malayong lokasyon ng heograpiya. Ang paglalakbay ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paa, bisikleta, sasakyan, tren, bangka, bus, eroplano, barko o iba pang paraan, kasama o walang maleta, at one way tri man ito o roundtrip. Dito lang sa Pilipinas maari ka nang makapag-travel the world venture. Ang paglalakbay ay nagbibigay-daan sa iyo upang matugunan ang mga tao na may iba’t ibang kultura, na may magkakaibang mga tradisyon at natatanging pamumuhay. Habang ikaw ay nasa travel the world trip mo, kahit pa dito ka lang sa loob ng bansa matutuunan mong iba iba ang bawat kultura ng kapwa Pilipino mo.

Sabi ko sa mga kaibigan ko, mag ipon and enjoy, travel the world and learn. Ang sagot sa akin, ‘’travel the world?’’ duh! Hindi ako mayaman. Well dito sa ating bansa maraming lugar  ang maihahambing sa mga lugar na nasa ibang bansa.  Kagandahan nito, kulay, at pakiramdam nito.

Ang travel the world experience any hindi na magiging kasingmahal ng pagsakay sa eroplano, magugulat ka na lng baka maari mo ng itong malakad. Tayo ay magsaliksik gamit ang internet, gamitin ang teknolohiya upang matulungan tayo sa ating travel the world indside the Philippines venture. Naway ang artikulong ito ay makatulong sa iyo na ma-feel na ikaw ay nakapag travel the world sa iyong sariling bansa. Narito ang mga ilang lugar na maaring ikumpara o ihambing sa kagandahan ng mga lugar sa ibang bansa.

 

 

 

1. La Paz Sand Dunes, Ilocos

Looks and feels like: Merzouga, Morocco

Kilala din ito sa pangalang ‘The desert of the North’. Ito ay isang 85-square-kilometer (33 sq mi) na protektado ng pamahalaan, ay  mabuhangin na baybayin at beach na matatagpuan sa Laoag, Ilocos Norte, sa Pilipinas. Kung sa travel the world list mo ay inaasam mo ang sand boarding, maiging magpractice muna sa La Paz. Dahil sa angking kagandahan ng napormang sand dunes, kadalasan ay nagkakaroon ng film shooting dito, lokal man o foreign movies.

 

 

2. Kamanbaneng Peak, Sagada

Looks and feels like: Marlboro Country and Blue Hills

Ang mga burol ng Sagada ay halos maaninag ang bughaw na kulay na bumabalot sa magandang porma nito at sinasamahan pa ng malamig na simoy ng hangin na dumarampi sa iyong pinsgi. Kung travel the world ang isa sa mga inaasam mo, dito lang sa Pilipinas puwede mo nang matamo.

 

 

3. Quezon Memorial Circle

Looks and feels like: Washington Monument, Washington DC, USA

Para sa ating mga local national parks, ang Quezon Memorial Shrine ay may sariling kasaysayan. Ang 66-metro taas  na shrine ay naglalaman ng mga labi ni Manuel L. Quezon, ang pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Dito sa parke ay mayroong palaruan ng mga bata at bicycle riding.

 

 

4. Calauit, Coron Palawan

Looks and feels like: Africa

Ang Calauit Safari Park ay isang wildlife sanctuary ng Pilipinas na nagtatampok ng mga hayop na galing sa Africa. Travel the world and experience feeding giraffe, dito sa Coron mararanasan mo yan. Sakop ng Calauit Safari Park ang halos 3800 ektarya. Ang parke ay itinatag noong Agosto 21, 1976 sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 1578 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos. Ang mga sinaunang hayop sito ay pinaniniwalaang galing ng Kenya at wala na, naiwan na lang ang mga supling na patuloy na inaalagaan.

 

 

5. Venice Piazza Grand Canal Mall, McKinley Hill, Taguig

Looks and feels like Venice or Macau

Ang Venice Grand Canal ay isang lifestyle mall development ay matatagpuan sa loob ng 50-ektaryang bayan ng McKinley Hill ng Megaworld Corporation. Ito ay kinikilalang ‘’the most romantic mall’’ sa Pilipinas. Nag-aalok ang Gondola Ride ng Venice Grand Canal ng isang travel the world experience, na nagbibigay sa pamilya at mag-asawa ng pagkakataon na mag-tour sa kanal sa pamamagitan ng tubig gamit ang bangka.

 

 

6. Sirao Flower Farm, Cebu

Looks like and feels like: Amsterdam, Netherlands

Ang mabundok na rehiyon ay kilala bilang “Mini Amsterdam.” Ito ang isa sa mga nais ko sa aking travel the world wishlist, ang pasyalan ang flower farm dito sa ating bansa. Ang mga makukulay na bulaklak na waring sumasayaw sa tunog at himig ng hangin. May entrance fee ito na Php50 at maari itong bisitahin araw araw sa oras na 6AM- 6:30PM.

 

 

7. Vigan, Ilocos Sur

 Looks like and feels like : Spain

Ang pinakamagagandang kalye sa Pilipinas ay matatagpuan sa Vigan – Calle Crisologo. Ito ay isang World Heritage Site at isa sa ilang mga bayan na Hispanic na natira sa Pilipinas kung saan nanatiling buo ang mga istruktura nito. Ang Vigan ay  kabilang isa sa mga New7Wonders Cities. Maari mong libutin ang lugar sa pamamagitan ng paglalakad o kaya ay umupa kalesa.

 

 

8. Man-Made Forest, Bohol

Looks like and feels like: Sagano Bamboo Forest, Kyoto, Japan

 

Man-Made Forest, Bohol

 

Matatagpuan sa Bohol ang man-made Mahogany forest na umaabot sa halos dalawang kilometro. Ito ay isang gawa ng tao na kagubatan na sobrang natatangi at perpekto sa hugis kaya pinukaw nito ang maraming mga gumagawa ng pelikula upang mag-shoot ng ilang mga eksena sa pelikula sa lugar. Ang mga kagubatang ito ay tiyak na kahawig ng Sagano Bamboo forest sa Japan. Ang kagubatang gawa ng tao na ito ay mukhang katangi-tangi dahil sa taas ng mga malalaking puno, kumalat na mga sanga, at ang natatanging disenyo ng mga mayayabong dahon.

 

 

9. Palawan Beaches

Looks like and feels like: Maldives

 

VIGAN ILOCOS SUR

 

Ang mga baybayin ng beaches ay maihahambing sa kagandahan ng baybayin sa Maldives. Hindi mo na kakailanganing gumasto ng malaking halaga para lang maranasan ito, atin ika nga nila tangkilin ang sariling.

 

 

10. Statue of Christ the Savior Hundred Islands Pangasinan/ Statue of the Risen Christ, Tarlac

Looks like and feels like: Christ the Redeemer, Brazil

 

Statue of Christ the Savior Hundred Islands Pangasinan/ Statue of the Risen Christ, Tarlac

 

Ang Monasterio de Tarlac ay isang tanyag na patutunguhan ng turista sa lalawigan ng Tarlac sa Pilipinas. Ito ay isang monasteryo sa tuktok ng Mount Ressurection. Sa monasteryo ay matatagpuan ang isang relic ng True Cross. Bukas ang monasteryo sa publiko araw-araw mula 7:00 AM hanggang 6:00 PM na may bayad para sa bawat papasok na mga sasakyan. Ang Monasterio de Tarlac ay nakaupo sa isang 278-ektaryang ekko-turismo na parke na binuo ng dating kongresista na si Jose “APING” Yap at may 30-talong kongkretong estatwa ni Jesucristo na nangangasiwa sa bayan.

Ang ating amazing Hundred Islands sa Pangasinan ay may Pilgrimage Island na, na mayroong Stations of the Cross with life-sized na rebulto at 263 steps na hagdanan patungo sa 55-foot tall Christ the Savior na rebulto. Habang nasa isla ay ipipaalala ng mga namumuno na magkaroon ng damit na nababagay sa Isla bilang pag-galang. Ito ay ang replika ng iconic na Christ the Christ the Redeemer sa Brazil.

 

 

Tawag na sa Mabuhay Travel at umpisahan ang travel the world sa loob ating bansa, siguradong mamamangaha ka sa iyong makikita. Tawag na para sa cheapest flight rates! Hintayin namin kayo.

 

 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

Souvenirs for Filipinos

Souvenirs for Filipinos: Pasalubong from the UK

Best beaches in the Philippines

Best Beaches in the Philippines 2024

Philippines Rainy Season

Travelling During the Philippines Rainy Season

Discover Bacolod

Discover Bacolod: A Top Destination for Your Future Travel in the Philippines

Cold places in the Philippines

Cold places in the Philippines

LEAVE A COMMENT