mabuhay travel mabuhay travel mabuhay travel
Things To Do

White water rafting sa Kalinga sa Pinoy Adventures

Ang Kalinga ay biniyayaan ng magagandang tanawin—gawa ito ng mga kabundukan na tila hindi nababahiran ng polusyon.  Ang Kalinga din ay hindi lamang tahanan ng mga tribo sa bundok kundi dito din dumadaloy ang isa sa pinakamagandang ilog na iyong makikita sa balat ng lupa—ang Chico River.  Bukod sa makasaysayang kuwento ng ilog, nagbibigay din ito ng adrenaline rush para sa mga turista. 

 

Tinahak ang kahabaan ng ilog sakay ng rubber boat at umaandar sa pamamagitan lang ng sagwan!  At tila nakapanlilinlang ang Chico River dahil may mga bahaging kalmado ito pero may mga parte ring tila susubukin ang iyong tapang.

 

Ang Ilog Chico ang isa sa mga pangunahing sangay ng Ilog Cagayan, na siyaing pinakamahaba at pinakamalaking Ilog sa buong bansa.  Kilala ring Rio Chici de Cagayan (munting Ilog ng Cagayan), ang Ilog ay matatagpuan sa lalawigan ng Kalinga.

May haba itong 174.67km at nagsisimula sa kabundukan ng Cordillera, sa mga lalawigan ng Benquet, Ifugao, at Mount Province. Umaagos ito pahilaga hanggang sumanid sa Ilog Cagayan. Ilan sa mga sangay nito ang Biga, Bunog, Mabaca, Pasil, Saltan at Tanudan. Ang pinagsamang river basin ng mga ilog Chico at Magat ay bumubuo sa sangkatlo ng buong lawak ng saklwa ng Ilog Cagayan. Matatagpuan sa kaligiran ng Chico ang Bulkang Binuluan o Buklkang Ambalatungan.

Ano nga kaya ang pakiramdam ng adventure sa white water rafting?  Tawag na sa Mabuhay Travel para sa inyong bakasyon sa Pilipinas, book early to avail cheapest airline fare to your dream destination in the Philippines.

 

Maraming Salamat po.

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid

Jocelyn@MabuhayTravel

Ako ay palakaibigan at masipag na tao, marunong makisama sa kapwa . mahilig akong mag basa at mag sulat. Gusto kong makapamasyal sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas, para mas maibahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa paglalakabay.

You Recently Viewed ...

Best places to visit in Iloilo

Best places to visit in Iloilo on Your Holiday

things to do in Davao

Worthy things to do in Davao on your holiday!

Twin Lagoon - main

Secrets of Twin Lagoon in Coron Philippines

Things to do in Clark

Things to do in Clark

exciting things to do in the Philippines

Fun, extreme and exciting things to do in the Philippines aside from ‘beaching’

LEAVE A COMMENT