Attractions Philippines Destination Islands Philippines

Cebu Island attractions: Island hopping

Cebu ang isa sa mga top destinations sa Pilipinas. Dito ay dinarayo ang mga Cebu island attractions: Cebu beaches, historical sites, at kahit mga delicacies nila ay talaga namang masarap balik- balikan.

Kabilang sa Cebu island attractions ang mga isla nilang may kanya-kanyang ganda, katangiang maiibigan ng sinumang bakasyonista.

1. Pescador Island

Cebu Island attractions - Pescador Island

Sa timog ng Cebu matatagpuan ang Pescador Island, ang pinakamagandang dive site sa Moalboal at isa sa pinakamagandang dive site sa Pilipinas. Ito ang Cebu island attractions na pinaka-binibisita ng mga mahilig sa diving, lalo na kung sa Moalboal ang patutunguhan.

Tampok nito ang makulay at magandang tanawin sa ilalim ng tubig. Ang mga daan-daang species ng isda at magagandang coral ay talaga namang kabigha-bighani. Ito ay natatanging Cebu island attractions dahil na rin sa sardine run nito. Ang masaksihan  ang napakaraming sardinas na lumalangoy ng paikot ay isang makapigil-hiningang tanawin sa ilalim ng dagat. Isang one of a kind na karanasan para sa sinumang baguhan pa lamang at kahit pa sa beteranong maninisid.


2. Bantayan Island

Cebu Island attractions - Bantayan Island

Ang Bantayan island ay matatagpuan sa norte ng Cebu, isa sa mga Cebu Island attractions na maaring ituring na Boracay ng Cebu. Ito ay mayroong pinong-pinong puting buhangin, bughaw na tubig, ang kaibhan nito ay — tahimik sa Isla, kaya kung nais mo ng payapang kapaligiran perpekto sa iyo ang islang ito. Ang mga manlalakbay na nakaranas na ng kagandahan ng lugar ay nagsasabing “ito ay tila isang paraiso”, kahit anong klase ng adventurer ay mapapamahal sa isla ng Bantayan.

Habang nasa Isla ay maari kang mag-cliff diving, mag-swimming sa spring water ng Ogtong Cave o sa lagoon nito, kumain ng sariwang lamang dagat, o kaya naman ay mag-chill lang at e-enjoy ang serenity ng isla.


3. Malapascua Island

Cebu Island attractions - Malapascua Island

Isa sa mga Cebu Island attractions at popular din sa mga mahihilig magdive at sumisid. Ito ay halos 5 oras na biyahe bago marating, 4 na oras na bus mula sa city proper at 45 minutos na boat ride. Sulit naman ang biyaheng ito sapagkat matatamasa mo ang isang natatanging kapaligirang makapagbibgay sa iyo ng matiwasay na pagrerelax. Kabigha-bighaning coral gardens at mayamang marine life, mga manta rays at hammerheads ang ilan sa maaring makita dito lalo na sa umaga. Nandiyan din ang mga WWII shipwrecks na kinagigiliwang i-explore ng mga diver.

Isa sa mga itinuturing na must-visit din Monad shoal ng isla kung saan regular na makakakita ng mga manta rays at thresher sharks. Ito rin ang natural cleaning station para sa mga isda, kaya’t makikita mo rito ang mga makukulay na isda na nililinis ang kanilang sarili. Kinatutuwaan ito ng mga turista sapagkat hindi ito normal o madalas na nakikita sa ibang lugar.  


4. Mactan Island

Cebu Island attractions - Mactan Island

Ang isla ng Mactan ay ang pinaka-simula ng mga turista at backpacker dahil dito matatagpuan ang Cebu International Airport. Ang isla ay matatagpuan ilang kilometro lamang ang layo mula sa Cebu City.

Bilang isa sa mga Cebu Island attractions at pangunahing isla ng Cebu, ipinagmamalaki at alok nito ang ilan sa mga pinakamahuhusay na lugar para sa mga iba’t-ibang watersports at mga kultural na aktibidad sa bansa. Dito rin matatagpuan  ang ilang mga pang-internasyonal class na hotel at resort sa bansa, ilan ang sa mga ito ay top resorts and hotel sa buong Asya. Naging rason din ito kung bakit isa ito sa mga dinarayo ng turista, kabila’t kanan ang mga naggagandahan at mga murang accommodation at kainan. Perpekto sa mga grupo ng magbabarkadang nais i-explore ang iba’t-ibang Cebu cuisines.


5. Sumilon Island

Cebu Island attractions - Sumilon Island

Ang Sumilon Island ay 24 ektaryang coral island na matatagpuan sa dulo ng Cebu. Sikat para sa parehong snorkeling at diving. Ito ang unang marine protected area sa Pilipinas at ginawang fish sanctuary noong 1974. Hinahangaan din ang sandbar ng isla na umaayon sa tubig ng isla, madalas rin magpicnic ang mag-anak dito.


6. Camotes Islands

Ito ay binubuo ng tatlong pangunahing isla at isang islet: Poro, Pacijan, Ponson, at Tulang. Ang dalawang pangunahing mga isla ay konektado ng isang tulay, pangatlo at pang-apat, bagama’t, hindi konektado ay madali namang hanapin. Ipinagmamalaki ng Camotes Island ang magagandang beach nito, kaaya-ayang kulay ng tubig, puti at pinong buhangin, malinis din ang kapaligiran nito. Meron din itong mga kuweba na maaring i-explore, falls, natatanging rock formations at pati ang sikat na Lake Danao ay dito rin matatagpuan.

Dagdag pa ng mga lokal na dito raw unang dumating ang mga Espanyol, at kung sila man ay darating sa panahong ito, makikita at madaratnan nila ang parehong ganda ng isla noon. Nagpapatunay lamang na ang Cebu Island attractions na ito ay napapangalagaan at hindi pinapabayaan ng lokal na mamamayan at ng pamahalaan.

Para sa inyong mga pangangailangan sa panghimpapawid na paglalakbay, flight to Manila, flights to Cebu, flight to Philippines at sa iba pang bahagi nito, tumawag sa amin at makipag-usap sa aming mga Filipino travel consultant. Kami ay kompleto sa anumang mga sertipikasyon na gumagabay sa air travel, rehistrado sa ABTA, ATOL protected, IATA registered. Huwag kaligtaang ibahagi ang balita sa iyong pamilya at mga kaibigan.



Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

Restaurants in Baguio

Where to find vegetarian restaurants in Baguio City

Animals in the Philippines

Rare Animals in the Philippines You Can Find on Your Holiday

things to do in Davao

Best Things to do in Davao on your Weekend Getaway

beaches in the Philippines

Things to remember on your holiday on beaches in the Philippines

swimming with the whale shark

Things you need to know when swimming with the whale shark in Oslob

LEAVE A COMMENT