Destination Holidays Philippines Things To Do Travel Tips Philippines

Things to do in Clark

Ang Pampanga ay isa sa mga destinasyon sa Pilipinas na nakakakuha ng atensyon mula sa mga turista dahil sa pagiging unique nito, maraming mga pasyalan at hindi rin ito pahuhuli sa pagiging moderno. Isa sa mga busiest hubs at modernong lungsod sa Pampanga ay ang Clark, sikat ito sa mga well-maintained na mga ancestral home, isang lineup ng mga theme at amusement park, at makukulay na selebrasyon. Kilala rin ang Clark bilang Clark Freeport Zone, isang dating US airbase. Ito ay nag-aalok ng pagsasayang hindi makakalimutan.

Bilang isang modernong lungsod, ano-ano nga ba ang mga things to do in Clark na magbibigay sa iyo at sa iyong pamilya ng magandang bondingan? Basahin sa ibaba ang mga ito, at huwag mong kalimutang isali ang mga ito sa itinerary mo.

Things To Do in Clark

1. Be interactive at Clark Safari and Adventure Park

Things to do in Clark - Safari and Adventure Park

Ito ay isa sa mga themed park sa Clark na perpekto para sa pamilya at sa inyong mga magka-kaibigan. Ito ay 40-ektaryang lupa at kanlungan ng mahigit 1,500 wildlife species kabilang ang mga leon, tigre, oso, unggoy, hyenas, jaguars at marami pang iba. Ito ay nagkaroon ng soft opening noong December 2022 at naging matagumpay naman ito magpahanggang ngayon. Ang parkeng ito ay hinihikayat ang kanilang mga bisita na makipag-interact sa mga hayop. 70 na mga hayop dito ay garantisadong pinaamo, kaya lahat ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa kanila basta may wastong pangangasiwa mula sa kanilang mga well-trained staff. Ilan sa mga hayop dito ay ang Burmese phyton kung saan maari mong ilagay sa iyong leeg at magpa-picture. Mayroon ding baby white tiger or bleached tiger na maaring mong bigyan ng gatas sa pamamagitan ng tsupon. Marami pang mga hayop na maaring makasalamuha dito. Ito ang isa sa mga things to do in Clark na hindi mo dapat palampasin lalo na at nag-aalok ito ng hindi malilimutang karanasan. Siguradong ang iyong bakasyon ay mapupuno ng masaya, kapana-panabik na mga aktibidad na talagang magugustuhan ng bawat bata at maging ng mga matatanda.

Ang mga entrance fee ay:
adult – 499 PHP
para sa mga batang 4 talampakan pababa – 399 PHP
para sa mga batang 2 talampakan pababa – libre

Address: 67 Jose Abad Santos Avenue, Clark Freeport, Mabalacat, Pampanga, Philippines

Operating hours: Monday to Sunday 8:00 am -6:00 pm


2. Experience Watermazing in Aqua planet

Maghanda para sa isang hindi malilimutang Watermazing Experience kapag ikaw ay magagawi sa Clark, Aqua Planet. Isa sa mga listahan ng things to do in Clark na  magbibigay ng isang ganap na bagong dimensyon ng nakakapanabik na saya at kaguluhan sa tubig ang iyong mararanasan. Ipinagmamalaki ng waterpark na ito ang kanilang visually inviting at mga world-class na pasilidad. Masisiyahan ang iyong pamilya sa kanilang 38 slides at iba pang mga attractions na makikita doon. Ilan sa mga pagpipilian mo ang Wave River, super bowl, spiral slide, octopus racers orc lagoon, hurricane, aqua loop etc. Ang parke ay may mga rules sa tulad ng ‘’No foods, No floaters, at bawal din ang drones sa loob’’. Isa sa mga pinakagusto ko dito ay ang pagiging Smoke free facility nila.

Address: Aqua Planet, Mabalacat, Clark Freeport, Mabalacat, 2009 Pampanga, Philippines
Operating hours: bukas sa lahat ng araw maliban sa Martes
10:00 AM – 5:00 PM


3. Miniatures at Nayong Pilipino

Saklaw ng Nayong Pilipino ang sukat na 3.5 ektarya na matatagpuan sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga. Ang Nayong Pilipino ay isang cultural park, na nakasentro ang atraksyon sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Ang cultural theme park ay pinasinayaan at binuksan bilang Nayong Pilipino sa Clark Expo (NPCE) noong Disyembre 22, 2007 sa lugar ng dating Expo Pilipino sa loob ng Clark Freeport Zone. Isa sa bahagi ng parke ang Money Museum na nagtatampok ng kasalukuyan at makasaysayang pera ng Pilipinas. Nagho-host din ito ng mga replika ng mga piling national landmarks sa bansa tulad ng Rizal Shrine sa Calamba, Laguna, Mabini Shrine sa Tanauan, Batangas, at ang Barasoain Church. Nagho-host din ito ng mga replika ng “mga nayon” ng mga piling katutubong grupo tulad ng mga Ifugao, Kalinga, at mga Aeta kung saan ipinakita ang kani-kanilang kultura (hal. kanilang mga craft, textile, at katutubong sayaw). Ang cultural park ay nagbibigay din ng mga picknick areas. Sa mga luntiang lugar naman ay ginaganap ang mga pagtatanghal ng mga tradisyonal na sayaw tulad ng malong, sayaw sa bangko, singkil, at tinikling o higit pang mga kontemporaryong pagtatanghal tulad ng Dakilang Lahi at parada ng Philippine Fiesta. Mainam itong bisitahin kung nais mong makaramdam ng authentic Filipino experience.

Address: Nayong Pilipino, Centennial Rd, Clark Field, Mabalacat, 2010 Pampanga, Philippines


4. Jog at Stotsenberg Park & Clark Parade Grounds

Things to do in Clark - Stotsenberg Park

Ang dating pangalan ng Clark Parade Ground ay Fort Stotensburg. Ang Fort Stotsenburg, noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay ang lokasyon ng 26th Cavalry Regiment ng Departamento ng Pilipinas. Ngayon, ang Parade Ground ay nagsisilbing parke para sa mga pamilyang nais mag-enjoy at magpalipas ng oras. Isang bagong rubberized na jogging path na 2.2 kilometro ang haba ang inilagay din dito. Sa pamamagitan nito, ang mga fun run at obstacle games ay karaniwang nakaayos dito. Ang parke ay may mga na-update na amenity tulad din ng mga pinahusay na pampublikong banyo at libreng internet wifi. Maganda, malawak, malinis at makasaysayan ang parke. Isang napakahusay na lugar para gunitain ang mga nakaraan at tamasahin ang resulta ngayon.

Address: E Aguinaldo Street, Clark Freeport Zone, Pampanga


5. Be Happy in Zoocobia Fun Zoo

Nag-aalok ang Zoocobia Fun Zoo ng isang masayang aktibidad para sa pamilya at mga atraksyong pang-edukasyon. Ito ay isang adventure zoo themepark na nagbibigay ng iba’t ibang kapana-panabik at nakakabagbag-damdaming rides. Sa loob ng Zoocobia ay makikita mo ang isang hanay ng mga makukulay na ibon kung saan maaari mong pakainin at makita ang mga ito nang malapitan at personal pati na rin ang iba pang mga kawili-wiling uri ng ligaw na hayop. Kabilang sa mga things to do in Clark ay ang mga nakakatuwang mga atraksyon sa zoo tulad ng Birds of paradise, Philippines pride tampok ang mga endemic na hayop at halaman sa bansa. Nandiyan din ang Garden Maze na siguradong ma-t-thrill ka. May Barn, Menagerie, Mango Camp, at may seasonal offer na Night Owl.

Marami sa mga bumisita dito ang nagsasabing ito ang isa sa mga things to do in Clark na huwag na huwag palampasin. Dahil ito ang PINAKAMASAYANG LUGAR sa Clark, Pampanga. Madadama kakaibang FUN & ADVENTURE, Camel Ride, Gravity Car Ride, ZIP LINE sa Pampanga, Horse Ride, ATV Rides at marami pang super fun things to do in Clark, bagay na magbibigay sa iyo at sa iyong grupo ng kapanapanabik na holiday.

Address: Calumpang, Mabalacat City
Operating hours: Park is open Sundays to Mondays 8: 00 am – 4:00 pm


Ito ay ilan lamang sa mga things to do in Clark, Pampanga, marami pang naghihintay sa iyo. At para sa mas malapit na babaan, maari kang direktang magbook ng iyong flight to Clark para hindi ka na matraffic pa sa lungsod. Makipag-ugnayan sa aming mga Filipino travel experts na handa kang gabayan sa mga pangangailangan mo sa panghimpapawid na paglalakbay.



Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

Things to do in Bohol

10 Things to do in Bohol on your Holiday

best places in Cebu for couples

Top Wedding Destination: Best Places in Cebu for Couples

Places to celebrate anniversary in the Philippines

Romantic Getaways: Places to Celebrate Anniversary in the Philippines

Philippines Rainy Season

Travelling During the Philippines Rainy Season

Best places to visit in Dumaguete

Explore the Best places to visit in Dumaguete

02 Comments

  1. Rico Balls

    Hi, I do believe this is a great web site. I stumbledupon it 😉 I will come back yet again since I saved as a favorite it. Money and freedom is the greatest way to change, may you be rich and continue to guide other people.

    10/02/2023 Reply
  2. Chung Mennenga

    Great web site you’ve got here.. It’s difficult to find excellent writing like yours these days. I seriously appreciate individuals like you! Take care!!

    14/04/2023 Reply

LEAVE A COMMENT