Holidays Philippines

Your revised travel bucket list when you get back home

Pagbabago lamang ang hindi nagbabago, tama? At kasama sa mga pagbabagong ito ay ang mga bagong pasyalan na maari mong idagdag sa iyong travel bucket list.

Dahil sa mga paghihigpit sa paglalakbay, pabago-bagong restriksyon, marami ang hindi nakauwi, mga napurnadang bakasyon, mga travel bucket list na naging bucket na lang, literal na timba. Ang mga ito ay ginagawang mas kapana-panabik at nakakaganyak ang mga holidays.

Maraming mga umuusbong na patunguhan ngayon, sa iyong pag-uwi ay maari mong bisitahin ang mga ito.


Bamboo Eco Park (Baguio)

Dinarayo sa Baguio ang mala-Japan nitong atraksyon na Bamboo Eco Park. Ito ay nagbukas noong Marso 2020. Karapat-dapat lamang na isto ay masisali sa iyong bagong travel bucket list, relaxing vibe, tahimik, naka-kakalma talaga ang aura ng buong lugar. Napakasarap sa mata ng berdeng-berdeng kulay ng paligid, na kahit saan mo man ibaling ang iyong paningin tanging preskong kulay lamang ang masisilayan mo.

Walang entrance fee ang parke, bagaman hinihikayat ang pagbibigay ng donasyon para sa pagmi-mentina ng atraksyon na ito. Makikita dito ang mga ibat-ibang uri ng kawayan, maayos itong nakahilera sa daanan, ang mga nakabisita na sa bamboo par sa Japan ay nagsasabing halos kaparehas ito ng naturang parke.


Kaparkan Falls (Abra) Once Islas (Zamboanga)

Ito ay isa sa mga sorpresang hatid ng Abra, ang waterfall na ito ay hindi gaanong popular dahil na rin sa distansya nito sa bayan. Sabihin na nating challenging ang daanan para marating ito, but for sure it’s worth-it, bubungad sa iyo ang napakagandang waterfall, parang sinadyang mga catch-basin o kaya ay bath-tub para sa iyong pagrerelax. Kung ikaw ay mahilig mag-explore sa mga natatanging waterfalls ng Pilipinas, ang Kaparkan Falls ay nararapat maisali sa iyong travel bucket list.  


Once Islas (Zamboanga)

Nairinig mo na ba ang Once Islas sa Zamboanga? Ito ay isang hanay ng labing-isang mga isla na matatagpuan sa baybayin ng Zamboanga, halos isang oras ang layo mula sa city proper. Bawat isla ay may sariling ganda, katangiang iyong hahangaan. Kayaking, white sand beach, snorkelling, tidal pool, magagandang rock formations at marami pang iba. Kung island hopping lang naman, aba eh, siguraduhing ito ay nasa iyong travel bucket list.


Palacio de Memoria (Parañaque City)

Ang Palacio de Memoria ay isang restored seven-storey pre-war mansion sa isang colonial revival style, dating back to the 1930s, na binuksan sa publiko.  Orihinal na pagmamay-ari nina Antonio Melian y Pavia at Margarita Zóbel de Ayala. Sa labas ay hindi mo hindi mo aakalain na ito ay pitong palapag. Ito ay may magara at grandiyosong disenyo. Bawat palapag nito ay may spesyal na konsepto. Ang mansion na ito pati na ang bakuran ay isang saksi sa pinagdaanan ng must-see para sa mga mahilig sa kasaysayan.


Tawi-Tawi, Mindanao

Maraming magagandang patunguhan sa Mindanao. Hindi sila masyadong napupuntahan dahil sa mga kadahilanang panseguridad, ngunit ngayon ay nagbago na, payapa kang makakapamasyal sa magagandang atraksyon ng Tawi-Tawi tulad Panampangan Sandbar na kilalang may pinakamahabang sandbar sa Pilipinas; Sangay Siapo Island, isang maliit na isla na may malinis na tubig at dalampasigan.


Maaring ang mga lugar ay matagal nang nandiyan, ngunit ngayon ngayon lang sila umuusbong at naghihintay na mapasyalan mo. Ang mga atraksyong ito ay isa sa mga maari mong idagdag sa iyong travel bucket list. Kung nais mo ng bagong lugar na makakapag-enjoy ka.

Kung ikaw ay may pangangailangan sa panghimpapawid na paglalakbay, ikaw ay maaring maki-pag-ugnayan sa aming koponan. Ang Mabuhay Travel ay handang gabayan ka sa iyong proseso sa pag-bo-book mo ng iyong holiday to the Philippines.



 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

best places in Cebu for couples

Top Wedding Destination: Best Places in Cebu for Couples

Places to celebrate anniversary in the Philippines

Romantic Getaways: Places to Celebrate Anniversary in the Philippines

Philippines Rainy Season

Travelling During the Philippines Rainy Season

Cold places in the Philippines

Cold places in the Philippines

Philippines in June

Trip to Philippines in June

LEAVE A COMMENT