Ano ang tinutukoy na view? Saan ito matatagpuan? O baka nabisita mo na ito. Hmmm, ang aking tinutukoy ay ang Tsokolateng Burol o Chocolate Hills. Yes, eto ang breath-taking attraction in the Philippines at ang pag-akyat sa mahigit 200 stair steps ay isa sa mga paraan para masilayan ang taglay nitong ganda. Marami namang attraction ang bansang Pilipinas, pinagpala sa natural na ganda ng kalikasan, mula Batanes hanggang Jolo. Alam nating lahat na ang Bohol ay isang haven of tropical natural beauty, kanlungang kahit sinuman ay mapapa-ibig sa taglay nitong natural na kagandahan. Ang Chocolate Hills ay isa sa mga dahilan ng patuloy na pag-angat ng ating turismo. Marami ang mga turista ang patuloy sa pagtra-travel sa ating bansa para masilayan ang mga atraksyon natin.
Eto ang ikalawang beses na bibisitahin ko ang Chocolate Hills ng Bohol. Unang dalaw ko dito noong pa lang ako, Ibang-iba na ito kumpara dati, ngayon may mahigit 200 stair steps ka nang aakyatin para mas masilayan ang burol ng mga tsokolate. Pag-uusapan natin mamaya kung ano tong 200 steps na ito.
General Knowledge
Ang Chocolate Hills ay isang tanyag na tourist attraction sa Bohol. Ito ay makikita sa bandila ng panlalawigan at provincial seal na sumasagisag sa kasaganaan ng mga natural attractions sa lalawigan. Ito ay idineklara na pangatlong National Geological Monument ng bansa at iminungkahi para maisama sa UNESCO World Heritage List ng bansa.
Ang Chocolate Hills ay isang geological formation sa lalawigan ng Bohol ng Pilipinas. Mayroong hindi bababa sa 1,260 na burol ngunit maaaring mayroong kasing dami ng 1,776 na mga burol na kumalat sa paligid nito. Ang mga ito ay nababalot ng mga berdeng damo tuwing wet season na nagiging brown sa panahon ng dry season, na para talagang mga tsokolate na nakakalat, lalo na kung ikaw ay nasa himpapawid. Ang taas ng mga burol na ito ay nasa pagitan ng 150 hanggang 400 talampakan. Ang taas ng mga domes ay nag-iiba sa pagitan ng 98 hanggang 160 piye (30 hanggang 50 metro). Ang mga burol na ito ay kumalat sa mga bayan ng Sagbayan, Carmen, at Batuan sa Bohol.
Ang mga burol na ito ay limestone formation, mataas sa Calcium at isang malaking kadahilanan kaya ang mga damo na tumutubo dito ay matingkad ang berdeng kulay. Sa pagitan ng mga burol ay ginagamit bilang taniman ng palay, gulay at mga puno na rin.
Mayroong dalawang mga lugar na itinalaga upang makakuha ng isang magandang view sa mga burol. Ito ay nasa Chocolate Hills Complex sa bayan ng Carmen, at sa Sagbayan Peak.
Chocolate Hills Complex
Ang mahigit 200 stair steps, to be exact 214, nito ay nalililiman ng matatayog na pine trees. Ang pag-akyat dito ay sulit na sulit, kumbaga ang pinaka-premyo mo ay ang spectacular view ng Chocolate Hills. Ito din ay nag-aalok ng 360 panoramic view ng buong lugar. Ito ay isang government-owned at sikat na viewing deck para sa Chocolate Hills. Matatagpuan ito sa Barangay Buenos Aires, Carmen Bohol, 55 km ang layo mula sa Tagbilaran City. Ito ay dalawang burol na kabilang sa mga burol ng Chocolate hills at dinivelop para maging viewing deck ng Philippine attraction na ito. Ginawan din ang lugar ng restawran, hotel accommodation na abot kaya ang presyo kung gustong mag-overnight stay sa lugar, at swimming pool para lamang sa mga hotel guests. Ang parehong lugar ay maaari ding magamit bilang isang panimula kung gusto mong galugarin ang Sikatuna National Park, na hindi kalayuan dito.
Meron pang isang viewing deck para sa travel attraction na ito, pero mas pinili namin ito dahil sa mga nababasa namin this is the best site for viewing the attraction at since ito ay government owned, tulong na din sa gobyerno, charr!! 😄 so may entrance fee dito na 50 pesos kada isa, konting halaga pero pag pinagsama-sama mo lahat ng entrance fee ng mga dumadalaw dito, malaki na ito, which is ginagamit naman para sa development ng attraction site na ito.
Pagkatapos naming busogin ang aming mata sa kamangha-manghang tanawin ng Bohol, sumubok naman kami sa buggy rides, isa sa mga nasa listahan ng things to in Bohol itinerary namin. Ilan sa mga kaibigan ko ang kumuha ng ATV kasi marunong na talaga sila magmaneho, kami ng ate ko buggy car at siya ang driver. Worth it yung bayad, sobrang saya at makikita mo ng malapitan ang mga burol, at talaga namang walang katulad ang travel experience dito. Ang mga bayad para sa Buggy car at ATV ay iba-iba depende sa kung sino sino ang mga kasama mo, pansin namin mas mahal ang singil sa mga dayuhan. Bayad namin para sa isang oras ATV- 800/ Buggy: 1500 pesos. Huwag niyo palang kalimutang magdala ng extrang damit kasi pag maulan o katatapus lang ng ulan maputik ung daanan. At ingat sa pagmamaneho. Enjoy niyo lang magdrive kasi yung mga guide mismo ang bahalang kumuha ng mga pang-Instagram photos niyo.
Pano marating ang Chocolate Hills Complex
kung ang point of origin mo ay Manila pinakamadali pa rin at pinakaconvenient ang travelling via plane. Philippine Airlines, AirAsia Philippines at Cebu Pacific offer cheap flights from Manila Airport to Bohol Panglao International Airport. Aabutin ka lamang ng 5-6 oras para marating ang Bohol. kailangan mong pumunta sa integrated bus terminal sa Dao patungo sa Carmen. Huwag kalimutang sabihan ang konduktor na ibaba ka sa chocolate Hills at alam na nila iyon, pagkababa mo konting lakad lang nasa attraction site ka na.
Mainam kung ang pagdating mo dun sa complex ay bago mag-alas dose o kaya ay mga alas kuwatro ng hapon. Sobrang init din kasi, kaya huwag din kalimutan magdala ng sunscreen.
Naakyat mo na ba ang mahigit 200 steps na ito? Share your experience. Dagdag tulong sa mga taong gustong dumalaw sa Chocolate Hills.
Ang Mabuhay Travel ay handa kang tulungan para sa iyong mga plano ng paglalakbay. Maraming mga cheap flights to Philippines ang inaalok with flexible payment methods. Tawag lamang para makapag-enquire.