Ang kakanin ay ilan lamang sa mga sikat na Filipino native delicacies. Patok na patok ang kakanin bilang merienda o panghimagas. Ang salitang kakanin ay hango sa salitang kanin. Ang kakanin ay karaniwang gawa sa malagkit, gata at asukal. Madaming klaseng kakanin. Sa katunayan, ito ay may iba’t ibang hugis, kulay, amoy at lasa. Ang kakanin ay maaaring ihanda sa iba’t ibang okasyon tulad ng kaarawan, binyag, kasal, anibersaryo, piyesta, pasko at bagong taon. Pinaniniwalaan ng maraming Pinoy na ang paghanda ng kakanin sa hapag kainan ay nagdadala ng swerte. Ang kakanin ay sadyang malagkit kaya ito diumano ay nagbibigay daan upang mas maging malapit ang miyembro ng pamilya
Puto
Ang pinaka popular na kakanin at puto or steamed rice cake. Ito ay may iba’t ibang kulay at may sahog sa ibabaw. Maaaring keso, mantikilya, o itlog na maalat
Kutsinta
Ang Kutsinta ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pilipino. Maaari itong lutuin sa bahay o kaya naman ay mabili sa mga naglalako o nagtitinda sa kalye. Kadalasan kasama itong inihahanda ng puto. Malagkit ito at may sahog sa ibabaw na ginadgad na niyog.
Pichi-Pichi
Ang Pichi-Pichi ay isa sa mga paboritong panghimagas ng mga Pilipino. Ito ay gawa sa niyog at cassava o kamotang kahoy. Ito ay isa sa mga paboritong ihanda sa mga salu-salo o kahit sa mga ordinaryong araw lamang. Ang pagkaing ito ay nagmula sa probinsya ng Quezon.
Biko
Ang biko ay isang uri ng matamis na keyk na gawa mula sa bigas at gatas na buko. Matatagpuan ito sa halos lahat ng hapag, lalo kapag may okasyon: Pista ng bayan, Paso, Araw ng mga patay, Mahal na araw, kaarawan, at iba pa.
Puto bongbong
Isa pang paboritong kakanin tuwing Kapasukuhan ay ang puto bungbong. Gawa ito sa isang espesyal na malagkit na tinatawag na Pirurutong na may natural na kulay ube. Binababad ang Pirurutong sa maalat na tubig at pinapatuyo ng magdamag. Nilalagay ito sa maliit na tubo ng kawayan at pinapausukan hangang sa maluto. Pagkatapos tangalin sa kawayan, nilalagyan ang puto bungbong ng mantikilya at binubudburan ng kinayod na niyog at mascuvado.
Espasol
Ang espasol ay isang uri ng manipis at mahaba o tubo ng matamis mula sa Laguna. Gawa ito mula sa galapong, gatas ng buko, minatamisang ginadgad na laman ng buko, at binubudran ng tinustang galapong.
Suman
Ang suman ay isang popular na kakanin na gawa sa malagkit na binalot sa dahon ng saging, niyog o pandan. Ang suman ay maaaring isawsaw sa asukal, minatamis na sarsa o tinimplahang gata. May iba’t ibang klase ng suman depende sa pinangalingang rehiyon. Masarap din ito kainin kasabay ng hinog na mangga.
Palitaw
Ang palitaw ay manipis at patag na kakanin na gawa sa malagkit, asukal, kinayod na niyog at linga. Ang pangalang palitaw ay hango sa salitang litaw na naglalarawan sa paraan ng pagluto nito. Ang malagkit ay ginagawang maliliit na bola at pinapatag. Isa-isa itong hinuhulog sa kumukulong tubig. Kapag lumitaw ito, nangangahulugan na luto na ang palitaw. Inaalis ang palitaw sa tubig at binubudburan ng asukal, kinayod na niyog at tinustang linga. Masarap itong merienda, lalo na kapag bagong luto.
Bibingka
Ang bibingka ay isang uri ng mamon na gawa mula sa malagkit na bigas o galapong at gatas ng buko. Niluluto ito sa isang hurnuhang yari sa putik, pinaiinitan ng nagbabagang uling na nakapatong sa ibabaw ng lutuin. Iniihaw ito ng patung-patong. pinapahiran muna ito ng mantekilya at binubudburan ng asukal. Isinisilbi ito na may kasamang ginadgad na niyog.Ang bibingka ay gawa sa galapong, gata, asukal, itlog at baking powder. Ang mga pinaghalong sangkap ay binubuhos sa isang lalagyan na nilagyan ng dahon ng saging. Niluluto ito sa buhay na uling sa isang oven na gawa sa clay. Maaari din itong lutuin sa mas makabagong oven. Ngayon hindi na kailangan maghintay sa pagsapit ng kapaskuhan para makatikim ng masarap na bibingka. Maaari na itong ma-order sa mga restauran at mga maliit na tindahan ng pagkain sa mall. Masarap bibingka lalo na yung espesyal nilang bibingka na dinagdagan ng itlog na pula at kesong puti.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga kakanin sa Pilipinas dahil sa napakaraming uri ng kakanin dito. Ang mga ito ay kakaning pinoy lamang sa mga kakanin dito sa pilipinas dahil sa sobrang dame neto dito kasi likas sa mga pilipilipinong maging food lover.
Tawag na sa aming mga Pilipino travel consultant para sa inyo bakasyon sa Pilipinas. MABUHAY TRAVELS
Maraming Salamat.