Food

5 Dishes in Elyu you shouldn’t miss

Popular sa hilagang bahagi ng Pilipinas ang “Elyu” (LU), pinaikling tawag sa La Union, dahil sa pagkakaroon nito ng magandang alon, particular sa beach ng San Juan. Ito ang tinaguriang surfing capital ng Luzon. Bukod sa alon ay taglay din ng Elyu ang mga pagkaing nais mong balik-balikan kapag natikman mo.

Bagama’t ang mga authentic dishes in elyu ay naimbento dahil lamang sa pangangailangan noong unang panahon, ang mga pagkaing ito ay may angking lasa na hindi mapapantayan ng ibang pagkain. Ang mga dishes in Elyu ay talaga namang malasa, lalo na at sariwa ang mga gulay, tiyak mapapadami ka ng kain mo kapag bumisita ka rito.

Narito ang mga dishes in Elyu na dito mo lang matitikmang may kakaibang sarap.

1. Buridibod

Ang Buridibod ay isa sa mga all-time favourite ko kapag nauwi ako sa amin. Ang pangunahing sangkap nito ay kamote, nahiwa sa maliliit na cubes. Ang kamote ay dapat unahing iluto hangang sa maging malambot at nadudurog ito, dahil ito ang magbibigay ng mas malasang Buridibod. Ang mga gulay nito ay Alukon (English: birch flower), dahon at bunga ng malunggay. Ito ay sasahugan ng naihaw o pritong isda, depende sa kung anong mas gusto mo. Ito ay simpleng paghahalo ng mga gulay lamang at tamang pagtitimpla gamit ang bagoong, ngunit tandaang ito ay hindi buridibod kung walang kamote.


2. Dinengdeng o Inabraw

Ito ay halos kaparehas ng Buridibod, ngunit mas marami itong gulay kaysa sa naunang putahe. Mas masabaw din ito kysa sa nauna. Ito ay maari ring lagyan ng na-pritong isda o kaya ay naihaw na isda. Ang kombinasyon ng mga sariwang gulay at isda ay nagbibigay ng napakasarap na lasa nito.


3. Jumping Salad

Ang jumping salad ay literal na jumping, tumatalon talaga sapagkat gamit nito ang sariwang fresh water na hipon, yung mga maliliit lamang. Ang hipon ay nilalagyan ng asin, paminta at nilalagyan ng kalamansi juice bilang pampalasa. Pagalingan kayo ng mga katropa sa paghuli ng mga hipong tumatalon. Ito ay isa sa mga exotic dishes in Elyu, buhay itong kakainin mo kasama ang balat nito at pati na rin ulo.


4. Kilawin

Ito ay isang orihinal na dishes in Elyu, Kilawen o Dinakdakan. Ito ay naglalaman ng na-grilled o kaya ay napakuluang baboy na malambot at inilalagay sa pinaghalong suka, asin, mga pampalasa at sili hanggang sa “maluto” ang karne sa acidity nito, ito ay kaparehas ng Spanish ceviche na may seafood. Ang mga karneng ginagamit ay kambing, baka at baboy. Sa ilang partikular na rehiyon, sila ay naghahalo ng tofu o offal tulad ng tainga ng baboy, tripe, atay, o puso. Ito ay isa sa mga dishes in Elyu na maaring maging ulam, may partner na kanin, at maari din itong maging masarap na appetizer habang may malamig na serbesa at katunayan ay isa ito sa paborito ng mga Pilipino.


5. Mais with Ampalaya

Ito ay napakasimpleng putahe na punong-puno ng sustansya at napakalasa. Ito ay isa sa mga seasonal dishes in Elyu, sapagkat ang ginagamit lamang dito ay ang mga sariwang mais, at hindi naman buong taon may mais 😊. Mas mainam na gamitin dito ang puting mais kaysa sa yellow corn dahil sa kakaibang lagkit na dala ng puting mais. Dahon ng ampalaya ang isinasama dito, ang mejo mapait na lasa ng ampalaya ay nasasapawan sa tamis na dala ng mais, ito ay nilalagyan din ng karne ng baboy.

Bilang isang probinsya na makakakitaan mo ng iba’t- ibang gulay, ang mga dishes in Elyu ay hindi lang masustansya at malasa, affordable pa ang mga ito. Marami sa mga dishes in Elyu ang gumagamit ng isdang-bagoong bilang pampalasa at gamit ang mga sariwang gulay ay mas umaangat ang lasa ng mga putahe.

Irerekomenda ko na kapag nagpunta kayo ng Elyu subukan niyong pumunta sa mga maliliit na restaurant o kainan para matikman niyo ang mga tunay na dishes in Elyu.

At para naman sa mga panghimpapawid na paglalakbay, ang Mabuhay Travel ay narito para kayo ay alalayan sa inyong flight bookings papuntang Pilipinas. Tumawag lamang at makipag-ugnayan sa aming mga Filipino Travel consultant.



Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

famous food in Cebu

Famous food in Cebu that you should taste!

Filipino Cuisine

Foodie Paradise: Sampling the Best of Filipino Cuisine

Restaurants in Baguio

Where to find vegetarian restaurants in Baguio City

Best Filipino Soups

5 BEST FILIPINO SOUPS

Christmas Dishes

Christmas dishes you can only find in the Philippines

01 Comment

  1. zoritoler imol

    I regard something truly interesting about your weblog so I saved to my bookmarks.

    16/12/2022 Reply

LEAVE A COMMENT