Attractions Philippines Davao Things To Do

Best Things to do in Davao on your Weekend Getaway

May nakaschedule ka bang leave? Pagrerelax, o kaya ay plano mo bang mamasyal, long weekend getaway perhaps? Davao ang isa sa mga pinakanirerekomendang lugar para sa isang pag-u-unwind.

Taglay ng Davao ang mga naggagandahang tanawin, beaches na hindi magpapahuli, mga nakakamanghang talon, at kung foodie ka, hindi ka rin madi-disappoint sa Davao cuisine. Ang Davao ay biniyayaan ng maraming likas na yaman, kaya naman ito ang perpektong destinasyon ng isang mahilig sa kalikasan. Mayroon ding iba’t ibang uri ng mga museo at parke na maaari mong bisitahin, hindi ka mabo-bore sa Davao dahil you’ve got lot of things to do in Davao na siguradong makakapagpasaya sayo.

Ang Davao ay maaring marating sa pamamagitan ng sasakyan sa kalsada, panghimpapawid at maging sa dagat. Pinakamabilis syempre ang air travel, lalo na at may international airport din ang Davao. Kung nais mong mag sight-seeing, nandiyan ang bus, private car at aabutin ka ng halos dalawang araw na biyahe.

things to do in Davao - Samal Island

Things to do in Davao
  1. Vitamin Sea in Davao
    Taglay ng Davao ang mga beach na hindi mapupulaan ang kagandahan nito, malinis ang kapaligiran, at ang tubig ay klaro. Ilan sa mga beaches na maari mong dalawin ay ang Dahican Beach, Kaputian Beach, Canibad Beach at marami pang iba.
  2. Visiting Crocodile Farm
    Ang Davao Crocodile Park ay isang lugar kung saan makikita mo ang pagpaparami ng mga buwaya. Kung paano sila inaalagaan at isang lugar din kung saan matitikman mo. Isa sa mga things to do in Davao na kagigiliwan ng husto ng mga bata, hindi lamang buwaya ang makikita dito, raptor, unggoy, bearcats, ahas, ibon, at iba pang reptilya.
  3. Davao China-town
    Bilang nag-iisang Chinatown na matatagpuan sa Mindanao, ang Davao Chinatown ang pangunahing residential area ng Chinese community sa rehiyon. Ang 44-ektaryang Chinatown na ito, na umaabot sa Santana Avenue, Monteverde Avenue, Ramon Magsaysay Street, and Leon Garcia Street. Makikita ang mga mga daanan na may pulang arko na pinaniniwalaang swerte para sa mga Tsino.
  4. Durian Tasting
    Ang durian ay binansagang “King of Fruits”, at sagana ito sa Davao. Ang volcanic soil at klima ng Davao ay perpekto sa pagkakaroon ng masagana at mayabong na Duria sa lugar. Maraming uri ng durian at ang Pilipinas ang may natatanging Durian, ang Thorless Durian’’ , isang uri na hindi mo mahahanap kahit saan pa! Mas mura din ang presyo dito kaysa ibang lugar at bansa.
  5. Pagbisita sa Eden Nature Park
    Isa sa mga things to do in Davao na maglalapit sa iyo sa berdeng kulay ng kalikasan. Presko ang hangin at nakamamanghang tanawin ng pine tree na tila sumasayaw sa bawat ihip ng hangin. Ang entrance fee na may kasamang pagkain ay, para sa mga adult ay PHP 550 at 350 para sa mga bata. Ang mga atraksyon sa lugar ay ang kanilang Amphitheater, Birdwalk, Deer Park, Flower Garden, Hiking Trail, Lola’s Garden, Rainbow Pass, at Bamboo Maze. Tiyak na masisiyahan ka sa iyong weekend getaway.
  6. Exploring Samal Island
    Ang Samal ay opisyal na kilala bilang Island Garden City of Samal. Ang Samal ay itinuturing na country’s largest resort city or island. Ang pagbisita sa Samal ay isa sa mga nangunguna sa listahan ng mga things to do in Davao, ito ay isa sa mga favourite. Ang mga beaches dito ay malapulbos at malinis. Mayroon din itong marami at makulay na marine na siyng umaakit sa mga turista, lalo na sa Talikud Island.
  7. River Rafting
    Isa sa mga exciting things to do in Davao ang River Rafting. Ang 3 1/2 oras na wild water rafting ay nagsisimula sa Barrio Tamugan sa Calinan. Kung hanap mo ay adventure, adrenaline rush, ito ay par sa iyo at simulan mo na rin ang magplano kung kailan ka pupunta ng Davao.

Ang Davao ay isang all-in-one na destinasyon para sa iyong holiday. Mula sa mga nakaka-ngatal na aktibidad hanggang sa mga banayad na pagsa-sight-seeing, hindi ka mauubusan ng things to do in Davao. I-explore ang rehiyon sa iyong susunod na bakasyon.

Ang Mabuhay Travel ay magbibigay sa iyo ng malawak na pagpipilian para sa iyong cheap flights to Davao. Makipag-ugnayan lamang sa aming mga Filipino Travel Consultant.



Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

Things to do in Bohol

10 Things to do in Bohol on your Holiday

best places in Cebu for couples

Top Wedding Destination: Best Places in Cebu for Couples

Places to celebrate anniversary in the Philippines

Romantic Getaways: Places to Celebrate Anniversary in the Philippines

Best places to visit in Dumaguete

Explore the Best places to visit in Dumaguete

Discover Bacolod

Discover Bacolod: A Top Destination for Your Future Travel in the Philippines

01 Comment

  1. Dawn

    You have made some good points there. I looked on the web for more information about the issue and found most individuals will go along with your views
    on this web site.

    22/11/2022 Reply

LEAVE A COMMENT