Travel & Tours

Cheap places to visit in the UK

Ngayong holiday, tiyak na ikaw ay naghahanap na ng mga cheap places to visit in the UK. Narito ang mga suhestiyon namin, ang mga lugar na ito ay nangunguna sa listahan ng mga cheap places to visit in the UK, paniguradong magkakaroon ka ng kasiya-siyang pakikipagsapalarang hindi mo makakalimutan.

Cardiff – Wales

Nabansagang “City of Castles”, may pinakamaraming kastilyo sa buong mundo, so for sure marami kang mapapasyalan, sigh-seeing para sa mga historical at magagadang kastilyo ng Wales. Isa sa mga sikat ay ang mismong Cardiff Castle, Castell Coch at St Fagan’s Castle.

Marami ang nahihikayat na tumira dito dahil bukod sa napakaganda ng lugar isa rin ito sa mga cheap places to visit in the UK.


Glasgow – Scotland

Maraming magaganda, unique at mga world-class na pasyalan sa Glasgow, yun nga lang at kalat-kalat ang mga ito, malawak kasi ang Glasgow, sa katunayan ito ang pinakamalaki sa Sctoland ang pangatlo sa United Kingdom. Ang kagandahan niyan ay maari mong lakarin ang mga ito at hindi ka na gagasto pa sa transportasyon. Ito rin ay isang lugar para sa mga food-lovers at nais ng bagong atmospera ng nightlife. Ilan sa mga atraksyon nito ay ang Kelvingrove Park, Kelvingrove Art Gallery at Museum, Glengoyne Distillery, at Celtic Park


Liverpool – England

Kilala ang Liverpool dahil sa mga Beattles, sikat na Mersey River, football teams, iconic building na “Three Graces” at  nandito rin ang pinakamalaking Chinese Arch sa buong Europa. Dagdag pa diyan ang mga magaganda nitong parke at ito rin ang isa sa mga cheap places to visit in the UK. Kaya naman hindi na ako magtataka bakit ito ay isa sa mga paboritong dayuhin ng mga manlalakbay.

Kabilang sa maraming mga katangian ng Liverpool ay ang mga natatangi nitong atraksyon, kapanapanabik na mga kaganapan, at ang musika nito. Ilan sa mga atraksyon nito ay ang Liverpool Cathedral, Albert Dock, Anfield Stadium at World Museum.

Mura din ang mga kainan dito at mga bilihan ng magaganda at mga high quality na mga kasuotan, lalo at nandito ang pinakamalaking outdoor shopping centre ng UK.


Wells – Somerset, England

Isa sa mga maliliit na siyudad ng England ang Wells, maliit man ito, ikaw ay tiyak na mapapamahal sa magandang siyudad na ito. Ang iyong holiday ay magiging enjoyable dahil hindi lamang ito isa sa mga cheap places to visit in the UK kundi hindi ka rin mauubusan ng gagawin at bibisitahin dito. Kabilang sa mga espesyal sa Wells ay ang kagila-gilalas nitong Cathedral, kung saan makikita mo rin ang Wells Clock- pangalawang pinakalumang orasan na gumagana sa buong Britanya. Ang Vicar’s Close na may kahanga-hangang istraktura, ang Wells’ Market Place, ang Saint Cuthbert Church- pinakamalaking Parish church lugar, at marami ka pang makikitang mga atraksyong magbibigay sa iyo ng magagandang ala-ala. 


Yorkshire – England

Ang Yorkshire ay puno ng mga nakaka-excite na mga aktibidad. Ikaw ay maaring mamasyal sa isang makasaysayang kastilyo, bisitahin ang mga makasaysayan nitong mga lungsod, at mag-galugad sa mga natatangi nitong natural wonders, na bumabagay din sa bansag nitong “God’s Own country”. Ito ay isa sa mga cheap places to visit in the UK na hindi mo dapat palagpasin kung may pagkakataon ka. Bisitahin ang York Minster, Brimham Rocks, Fountains Abbey & Studley Royal Water Garden, ang mga world-class museums nito at marami pang iba.

Cheap places to visit in the UK

Sa ngayon hindi na mahigpit ang mga regulasyon na may kinalaman sa Covid-19, kahit wala ng social distancing, at walang mga limitasyon sa kung gaano karaming mga tao ang maaaring manatili nang magkasama sa holiday accommodation o mga pribadong bahay sa England, Scotland o Wales.

Maari nang magkasama ang mga magkakaibigan at buong tropa para bisitahin ang mga nagga-gandahang cheap places to visit in the UK. Gayunpaman pinapayuhan pa rin ang mga tao na magkaroon ng pagtitipon sa mga open spaces o sa mga maaliwalas na espasyo.



 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

Best beaches in the Philippines

Best Beaches in the Philippines 2024

Luneta Park

Should I Visit or Skip Luneta Park?

Best islands in the Philippines

Hopping to the Best islands in the Philippines

Best Staycations

Best Staycations in the Philippines

Instagrammable spots in Philippines

The most Instagrammable spots in Philippines

LEAVE A COMMENT