Festivals

Christmas Traditions in the Philippines

“Ibang-iba ang pasko sa Pilipinas”

 

Ang Pasko sa Pilipinas ay isa sa pinakamalaki at pinaka-ipinagdiriwang na piyesta opisyal sa bansa. Ang mga natatanging Christmas traditions sa bansa ay mas ginagawa ang pagdiriwang na makulay, puno ng saya, kapana-panabik at inaabangan.

Ang mga Christmas traditions na ito ay isa sa mga pagkakakilanlan sa mga Pilipino. Ang mga Pilipinong nangingibang bansa ay isinasagawa o sinusunod rin ang ilan sa mga ito. Narito ang mga Christmas traditions sa bansa, ang ilan ay “only in the Philippines.”

Ber – Month

Unahin natin ang mga Christmas traditions sa umpisa ng SeptemBER. Para sa ating mga Pilipino kapag nagsimula na ang SemptemBER, nagsisimula na rin tayo sa tinatawag nating “BER-month” kung saan ito ang nagiging hudyat ng kapaskuhan. Si Nanay, maglilinis na sa bawat sulok, papalitan ang mga kurtina at takip ng sofa (pula at berde).

Kahit ang mga Pilipinong nasa ibang bansa ay natutuwa na at “ber” na, katunayan ay nagsisimula na silang bumati. Ngunit, mayroong mga Pilipino na hindi ito pinapansin—dahil nakakaramdam sila ng lungkot, dahil iba ang atmospera ng Pasko sa Pilipinas. May kakilala nga ako, ayaw niya makinig ng Christmas songs— dahil? Dahil, nakakaramdam siya ng kibot sa loob.

Tanging Pilipinas ang may pinakamahabang selebrasyon ng kapaskuhan, nagsisimula sa buwan ng Setyembre at nagtatapos sa 3 Kings na sa buwan ng Enero.


Christmas Carols

Ang masayang mga kanta, ilan ay nakakaindak, ay inaawit sa mga bahay-bahay. Kadalasan ay grupo, (sa amin noon, kasama ko mga pinsan ko) ang dadalaw sa bawat bahay at aawit ng ilang kanta, 3-5 ng mga kanta at kung minsa ay may request din ang mga may-bahay. Pagkatapos ng awit ay magbibigay ang may-ari ng bahay o sinu-man ang nakatira doon ng pera bilang pamasko.


Christmas Decorations

Kabilang din sa Christmas traditions ang pagsasabit ng parol – isang lantern na hugis bituin o star, maliit man o malaking bahay nagsasabit ng parol, makulay na parol. Sa bawat sulok din ng mga pampublikong lugar ay may mga parol, minsan ang mga ito ay umiilaw at tila mga bituing nahulog mula sa kailangitan.

Kilala ang lugar ng San Fernando, Pampanga bilang lantern capital of the Philippines. Gumagawa sila ng malalaki, higanteng mga makukulay na parol tuwing Christmas. Ang Scandinavia at Germany ay gumagamit din ng dekorasyong ito.

Mayroong ding inaayos na “Belen”, sa English ay ang “Nativity scene”. Ito ay isa sa mga espesyal na Christmas Traditions, ito ay isinasagawa at ipinapakita rito ang  simpleng kapanganakan ni Jesus sa isang sabsaban.

Christmas Traditions


Simbang Gabi/Misa de Gallo

Ang Simbang Gabi ay ang Filipino version ng Misa de Gallo na tumutukoy sa misa sa gabi na nagtatapos sa oras ng Christmas eve. Sa Pilipinas ito ay isinasagawa tuwing madaling araw ng Disyembre 16 hanggang 23, at sa huling araw nito 24, misa ay isinasagawa na bago Christmas eve.

Mataimtim na nagdarasal ang mga Pilipino na dumadalo dito, sila ay nagigising alas-3 pa lamang ng umaga para maghanda sa paggayak. Pagkatapos ng misa ay bibili naman sila ng tradisyonal na Puto bumbóng bilang agahan na rin. Ito ay isa rin sa mga Christmas traditions na pinaniniwalaang makakapagpatupad ng iyong “wish” o kahilingan kapag nakompleto mo ang 9 na simba.

Ang mga Pilipino sa ibat-ibang bansa katulad sa UK ay nagsasagawa din ng 9 na araw na misa (noong okay pa ang sitwasyon, ngayon ay gingawa ito bilang online mass).

Ang mga bansang Spain, Bolivia, Venezuela, at Puerto Rico ay nagsasagawa rin ng Misa de Gallo.


Noche Buena

Pagkatapos ng isang taimtim na panalangin galing sa Simbang gabi, Noche Buena na. Masayang nag-sasalo-salo ang pamilya (minsan ay buong angkan) sa iba’t-ibang uri ng masasarap na pagkaing Pinoy, queso de bola, hamon, pasta, relleno, bibingka, leche flan, lechon, at marami pang iba.

Ang makasama ang mga mahal sa buhay sa Pilipinas tuwing pasko ay isa sa mga hinihiling ng nakararami, walang katulad ang saya, at pagmamahal na nararamdaman dito. Kaya naman kami sa Mabuhay Travel ay handang tulungan kayo upang muli itong madama.



Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

London Barrio Fiesta 2023

Get Ready to Have Fun at the London Barrio Fiesta 2023: June 10th & 11th

December Festivals

December Festivals in the Philippines

Filipino New year traditions

Filipino New Year Traditions & Superstitions

Christmas Dishes

Christmas dishes you can only find in the Philippines

november festivals

November Festivals

01 Comment

  1. Jesus Darrup

    An interesting discussion is definitely worth comment. There’s no doubt that that you ought to publish more on this subject matter, it might not be a taboo matter but typically people don’t speak about these subjects. To the next! Best wishes!!

    04/03/2023 Reply

LEAVE A COMMENT