“Hanap ay Filipino food pa rin, Lasang Pinoy kahit nasa abroad na”
Ang mga Filipino food ay ang fusion ng iba’t- ibang mga distinct taste na talaga namang hinahanap ng bawat isa kahit saan man magpunta. Lalo na ang mga lutong bahay, ang mga traditional Filipino food na ihinahanda sa atin. We feel at home kapag ang ating pagkain ay ang lasang kinalakihan na natin. Kaya naman kahit nasa labas tayo ng ating beloved Philippines we still craved and search where to eat, saan ba tayo makakatikim ng pagkaing kinagaisnan natin.
Narito ang ilang mga Filipino restaurants in UK na maari mong bisitahin para hindi ka ma-homesick. I-aarange ko po ang mga restaurants in alphabetical order.
Ading’s Kitchen
Ito ay isang family owned business sa UK na may layuning ihatid ang tradisyonal na lasa ng Filipino food in UK. Ito ay nagsimula bilang isang maliit na grocery store noong 2013 at dahan-dahang nabago sa isang café na naghahain ng traditional Filipino food bilang tugon sa lumalaking request ng mga kabayan. Hindi lamang masarap na pagkain ang hatid ng Ading’s Kitchen, may alok din silang KARAOKE! Ito ay isang libangan ng mga Pilipino na hindi na mawawala kahit nasaan man sila. Kaya naman ang Filipino restaurant na ito ay may offer na space para lamang sa iyong favorite song, bukas mula 10PM at kayang i-accommodate ang 16-30 guests.
Ang kanilang 6 na taong karanasan sa paghahatid ng lasang Pinoy ay subok na at ito ay patuloy na lumalago para pagsilbihan kayo. Maari niong silang tawagan sa numero 0203 643 0704
Opening Hours:
- Sun 12pm – 4pm
- Mon 9am – 6pm
- Tues/Weds 9am – 11pm
- Thurs 9am – 12am
- Fri/Sat 9am – 1am
Address:
Unit 58, Broadway Market, Tooting High Street, London, SW17 0RJ
Accessible by bus routes G1, 333, 57, 319, 44, 77, 264, 270, 280.
Josephine’s Filipino Restaurant
Ang Josephine’s Restaurant ay ang nag-iisang Filipino Restaurant sa gitnang London at unang itinatag noong 1996. Ang Josephine’s ang nagbigay daan para maibsan ang pananabik sa mga pagkaing Pilipino. Ito ay matatagpuan sa likuran ng Oxford Street at Tottenham Court road. Ilan sa mga kilalang tao sa Pilipinas gaya nina Manny ‘Pacman’ Pacquiao, Freddie Roach, Sharon Cuneta and Charice Pempengco ang nakatikim na ng kanilang pagkain.
Opening Hours:
- Midday to 11pm every day except Sunday when closing is 7pm
Address:
4 Charlotte Street, Fitzrovia, London W1T 2LP
Kubo
Ito ay isa ring Filipino family owned na Filipino restaurant in UK. Unang bukas nito noong 2017 at magpahanggang ngayon ay patuloy na umaani ng papuri sa mga kababayang nakakatikim ng kanilang pagkain. Sa lahat ng mga kainan ito lamang marahil ang nag-hahain sa halos lahat ng putahe nito sa isang mangkok. Para sa may-ari mas masarap kumain sa isang mangkok at ito ang masasabing trademark nila.
Opening Hours:
- Boxpark hours are Mon-Sat 9am-11pm
- Sunday 9am-10pm
Address:
Boxpark Croydon on George Street, Croydon CR0 1LD
Lutong Pinoy Filipino Restaurant
Ito ay isang tipikal na province type kung kumain. Kadalasan sa probinsya kamayan lang talaga walang tini-tinidor, at ito ang tema ng Filipino food restraurant na ito. Ikaw ay mamimili ng pagkaing gusto mo at ihahain ito sa iyo sa isang dahon ng saging, at sa gamit lamang ang iyong mga kamay mo ito uubusin. Ito ay parang boodle fight style pero hindi ka makikipagpaligsahan sa pagkain, you can you’re time at kumain ng masagana. Maari kang mamili ng apat na klase ng putahe sa halagang abot kaya lamang.
Opening Hours:
- 12-10pm weekdays,
- 11am-10pm weekends
Address:
10 Kenway Road, Earl’s Court, London SW5 0RR
Mama’s Kubo
Ito ay isa rin sa mga authentic Filipino restaurants na naghahatid ng fully packed Filipino style para sa paghahanda at pagluluto ng malalasang pagkaing Pinoy. Ang kanilang mga luto ay galling sa inspirasyon ng mapagmahal na luto ng mga ina at lola para sa kanilang pamilya. Naturally, ang Chef ay nagdaragdag din ng mga lutong may natatanging sariling mga lasa na siyang nagiging trademark ng pagkain.
Opening Hours:
- Tuesday – Friday: 17.00 – 22.00 hrs.
- Saturday – Sunday: 12.00 – 22.00 hrs.
- Monday – Closed
Address:
Unit 5/6, Palace Court,250 Finchley Rd, Hampstead London NW3 6DN
020 8062 6941
Romulo Cafe
Kung ikaw ay naghahanap ng isang klasikong Filipino food in UK tulad ng manok relleno o baboy adobo na may pandesal at purple yam. Ito ang tamang lugar para sa iyo. Ilan sa mga yummu yummy food nila is my favourite bistek tagalog and laing. Sila ay maari ding magluto para sa inyong mga parties.
Address:
343 Kensington High Street, London W8 6NW
Nawa ay makatulong sa iyong pananabik ang artikulong ito. Kung meron kang mga puna o suhestiyong ito maaring ito ay iyong isulat sa comment part.