Attractions Philippines

Lugar na walang maikukumpara sa malaking tanawin at nakakamanghang kagandahan na inaalok ng Campuestohan Highland Resort

Ang Campuestohan Highland Resort ay isang mapanlikhang isip ng mga mapangitaing mag-asawang sina Cano Tan at Nita Tan. Ang kasaysayan nito ay bilang kaibig-ibig at maluwalhati na kanlungan sa Negros Occidental. Ito ay ang pinakaprogresibong Lungsod sa lalawigan kung saan nakatayo mismo sa pagitan ng Lungsod ng Bacolod at Lungsod ng Talisay.

 

Ito ay may lawak na limang hektaryang kabuuan ang Campuestohan Highland Resort. Mabibighani ka sa ganda ng kulay berdeng mga damo lalo na sa napakagandang tanawin ng bundok Makawili. At ang halos kalahati ng buong probinsiya ng Negros Occidental ay makikita, at ang ang Isla ng Panay. Ang klima sa lugar na ito ay may kalamigan at ang tila napakagandang kapatagan na makikita galing sa ibaba. Mula sa madamong lugar nakatayo sa 800-metro sa itaas ng antas ng dagat. Ang pagbabago sa ngayon ay isa sa mga pinaka sikat na mga destinasyon sa Negros Occidental. Ito ay isang lugar na kamanghaan na maaaring punan ang mga puso at isipan ng mga bata at matanda.

 

Ang isa sa mga atraksyon na ito kung bakit ang lugar ay kawili-wili ay ang mga replika ng higanteng estatwa ng mga superhero, dinosaur at pati na rin ang mga bahay hobbit at mga indian tents. Talagang isang magandang lugar para sa lahat. Kung saan dito lang makikita ang higanteng unggoy na si ‘’King Kong’’ na napapanood noon sa pelikula.Tamasahin din ang iba’t – ibang uri ng mga rides, at libutin ang kabuoan ng lugar dahil na rin sa may malawak na harden. Mayroon din swimming pool, restaurant, at mga rooms na kung saan pwede kang mag overnight.

 

Mga larawan na kuha sa iba’t – ibang anggolo

Ang higanteng unggoy na si King Kong

 

Mga superheroes

 

 

Destinasyon

Halos 40 minuto ang biyahe ng Jeep mula sa East Center ng Lopues sa Bacolod City na dumadaan sa Barangay Granada na may 15 minuto ng mabatong kalsada. Mayroon din silang serbisyo sa sasakyan tuwing katapusan ng linggo, SHUTTLE SERVICE ang 30 Seater Air-Conditioned jeep na ito ay P100 kada tao. Ang aming loading area ay matatagpuan sa Villa Angela Arcade parking lot sa harap ng Lopues East Center. Ang oras ng pag-alis mula sa Bacolod ay eksaktong 9:00 ng umaga, at ang oras ng pag-alis mula sa resort ay alas 4:00 ng hapon.

Sa susunod mo na bakasyon sa Pilipinas pasyalan ang lugar ng Campuestohan Highland Resort upang ma eksperyensiyahan ang kagandahan nito.

 


 

Madamo Gid Nga Salamat…..

Tumawag sa ating kababayan Travel Consultant sa inyong bakasyon sa Pilipinas. MABUHAY TRAVELS

 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid

Leah

Gustong kong ibahagi sa inyo ang mga magagandang lugar lalo na sa ating bayan upang ipakita ang kagandahan ng kalikasan.ito ay ang pinakmamahal nating bayan sinilangan.PILIPINAS KONG MAHAL.

You Recently Viewed ...

best places in Cebu for couples

Top Wedding Destination: Best Places in Cebu for Couples

Places to celebrate anniversary in the Philippines

Romantic Getaways: Places to Celebrate Anniversary in the Philippines

Best places to visit in Dumaguete

Explore the Best places to visit in Dumaguete

Philippines in June

Trip to Philippines in June

Luneta Park

Should I Visit or Skip Luneta Park?

LEAVE A COMMENT