Langub Beach, Malapascua Island
Maari kayong sumisid sa napakalinaw na karagatan sa gitna ng mga nasirang World War II Japanese ship, mag-snorkelling kasama ang isla, o kaya ay magrelaks sa puting buhangin at hayaan ang hangin na tumatama sa mga palm trees na makapagtulog sa’yo. Kapag narating mo’y siguradong babalik-balikan mo ito.
Ang maliit na isla ng Malapascua ay isa sa napakaraming lugar sa Daanbantayan na kilala sa swimming, snorkelling, diving, fishing, sailing, boating, exploring at sa pagrerelaks. Ang mga bangka dito ay maaring maupahan sa Malapascua, Dananbantayan area, na maaring magdadala sa mga bisiti sa mga malapit na isla na hindi madalas naputahan, gaya ng Carnassa, Calanggaman, Kanatarken, Gato, Chocolate Island at marami pang iba.
Ang ibig sabihin ng Malapascua ay “Bad Christmas”, at ipinangalan kay Ferdinand Magellan noong dumating ito sa isla sa araw ng pasko noong taong 1553. Naghanap sila ng tubig at iba pang pangangailangan ngunit wala silang nakita. Ngayon, ang Malapascua ay tinataguriang “the next Boracay”. Marami sa mga turista ang mas gustong manatili dito dahil hindi ito crowded at nananatiling malinis. Ang isla ay maraming natatagong yamang naghihintay sa mga adventure seekers. Kadalasang hanapbuhay dito ay turismo, ngunit ang ilan ay umaasa pa rin sa pangingisda at pagsasaka
Bukod pa dyan, ang Malapascua ay isang diver’s paradise. Nadiskubre ito noon lamang panahon ng early 1900’s. Ang islang ito ay natuklasan dahil sa malawak na puting buhangin nito at nang kalaunan ay mga naggagandahang coral gardens at excellent dive spots malapit dito. Ito rin ay isa sa mga pinakamagandang shark diving location sa Pilipinas. Ilan sa mga sharks na makikita dito ay ang White Tips, Black Tips, Bamboo Nurse, Cat, Hammerheads at ang magnificent Thresher Shark. Ang Monad Shoal ng Malapascua ay kilala rin bilang natatanging lugar sa mundo kung saan ang Treshers ay maari mong pagmasdan ng malapitan araw-araw.
White sand beach with a beautiful view while relaxing. Book cheap airfare at Mabuhay Travels and travel to a destination of your choice. We are the leading Filipino Travel Agent in the UK.
Maraming Salamat Po.