Travel News

Mandatory Quarantine: DOH Accredited Hotels to Stay

Ang mga pasaherong lalapag sa Pilipinas mula sa isang internasyonal na paglalakbay ay sasailalim sa 14 days quarantine period. Ang unang 10 days ay mananatili ang isang traveller sa mga BOQ accredited hotels at ang natitirang 4 days ay sa kanilang mga tahanan. Kung ikaw ay fully vaccinated in the Philippines, ikaw ay ma-kwa-kwarantina ng 7 days lamang at hindi na kailangang mag-Covid test pa maliban na lamang kung ikaw ay magpapakita ng sintomas.

Ipinapaalala na sa ika-7 araw, mula sa araw ng iyong pagdating, ikaw ay sasailalim sa Covid-19 test; kahit maagang matatanggap ang resulta ng iyong Covid-19 test sa ika-10 araw ka lamang papayagang lumabas.

Mahigpit ang pagpapatupad sa mga alituntunin at isa na dito ang mga prebooked hotel, ito ay kailangang ipakita sa mga initial counter sa immigration.

Ang Pilipinas at ilang mga bansa ay nagpatupad ng mas mahigpit na patnubay para sa mga papasok at palabas sa bawat bansa. Dito sa Pilipinas nagtakda ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) sa mga hotels na mag-apply para sa accreditation sa ilalim ng Department of Tourism (DOT), Department of Health (DOH) at Bureau of Quarantine (BOQ).

Kung sila ay pumasa, sila ay ma-isasali sa list of DOH accredited hotels at maari nilang tanggapin ang mga nagbabalik na Overseas Filipino Workers (OFW), Locally Stranded Individual (LSI), at mga marino na kailangang sumailalim sa mandatory quarantine habang hinihintay ang kanilang mga PCR swab test result.

Kadalasan kapag may bakasyon o holidays tayo, isip agad tayo where to stay in Philippines, or mga best places to stay in Philippines kaso ngayon, iba na. Ang mga hotels in Philippines ay hindi na basta basta makakatanggap ng bisita o mga guest from abroad. Sila ay dapat kasama sa list of DOH accredited hotels bago tumanggap ng guest.

Mandatory Quarantine


Pagdating sa Pilipinas  ikaw ay ma-cla-classify kung ikaw ba ay mapupunta sa mandatory quarantine o stringent quarantine.

Mandatory Quarantine

Ikaw ay sasailalim sa Mandatory Quarantine kung ikaw ay:

  • Walang sintomas ng COVID19
  • ang iyong bansa na pinagmulan o lay-over ay hindi na-classify bilang isang lugar na may high level of community transmission of the disease.

Kung ikaw ay under Mandatory Quarantine
  • Ikaw ay pangangalagaan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) o ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang pasilidad na nakahiwalay sa mga nasa ilalim ng stringent quarantine.
  • Ikaw ay sasailalim sa rapid test ng isang itinalagang medical team kaugnay ang BOQ.
  • Kung may sapat na mga supply o kung pinahintulutan ng National Task Force COVID-19, maaaring gawin din ang PCR testing.
  • Para sa mga returning OFWs, ang gastos sa mga quarantine accomodation ay gasto ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga land-based OFW, at Maritime Industry Authority para sa mga OFW na nakabase sa dagat. Para sa mga hindi OFW, katulad ng mga Pilipinong nasa ibang bansa (OFs) na umuuwi, maaari silang pumili mula sa mga DOH accredited hotels at sariling gastos.

Stringent Quarantine:

Ikaw ay sasailalim sa Stringent quarantine kung ikaw ay:

  • Nagpapakita o may mga sintomas ng sakit
  • Ang bansang pinagmulan o lay-over ay ang isa sa mga high risk area of the disease batay sa pinakahuling ulat sa sitwasyon ng World Health Organization (WHO).
  • At kung ikaw ay positive ikaw ay dadalhin agad sa stringent quarantine na DOH accredited hotels din.

DOH accredited hotels

Narito ang link ng mga DOH accredited hotels sa ating bansa na maari ninyong pagpilian



Flight to Manila from UK

Sa inyong flight to Manila from UK or saan mang panig ay kailangang sagutan ang e-CIF o Electronic Case Information Form bago dumating sa immigration tatlong (3) araw bago ang iyong pagdating sa Pilipinas.


Flight back to UK

Sa inyong flight to UK from Manila or saan man, importanteng i-fill-up ang form (passenger locator form) at maaari mong isumite ang form hanggang sa 48 oras bago ka makarating sa UK. Maari kang MA-PENALTY o HINDI PAPASUKIN kung hindi mo ito magawa. Narito ang link para sa nasabing patakaran at form,



After you complete the form, you will receive a QR code via email. You can print this out or show it on your phone as proof of completion.

Mandatory Quarantine


Ano PCR test?

Ang Polymerase Chain Reaction (PCR) o Nucleic acid amplification test (NAAT): Ang test na ito ay tinatawag ding molecular o viral testing. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng swabbing sa ilong o bunganga o collecting of saliva. Nade-detect nito ang genetic material ng virus. Kasalukuyang ito ay itinuturing na pinakamahusay na test upang matukoy kung ang isang tao kamakailan ay nahawahan ng virus, ngunit ang mga tao ay maaaring magpatuloy na positibo sa test na ito nang matagal kahit pa hindi na sila nakakahawa at wala nang sakit.


Ano ang rapid test?

Ito ay isang antigen test. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-swab sa ilong. Sa halip na tuklasin ang genetic material ng virus, nade-detect niyo ang protein sa virus. Ito ay madalas na magagamit bilang “rapid” test na maaaring gawin sa mga medical offices. Ang mas mabilis na mga resulta gawin itong isang napaka-kapaki-pakinabang na pagsubok.

Mandatory Quarantine


REMINDERS/ MGA PALALA

  • Ang face shield at mask ay MUST!
  • I-check lahat ng mga papeles mo.
  • Ilagay lahat ng importanteng mga papeles sa iisang envelope.
  • Ang mga batang 12 years below ay walang PCR-COVID test.
  • Magbook ng DOH accredited hotels na nasa Manila lamang
  • I-fill up lahat ng mga form!
  • Siguraduhing tama lahat ng impormasyon mo para hindi magka-aberya


 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

2024 british travel awards

Exciting News from Mabuhay Travel: 2024 British Travel Awards

British Travel Awards 2023

Mabuhay Travel Scores its First Win at the 2023 British Travel Awards!

Giveaway Winner

Giveaway Alert: Win 2 FREE Return Tickets to Manila with Mabuhay Travel

British Travel Awards 2023

We’ve Been Nominated at the British Travel Awards

flight offers to Manila

Incredible flight offers to Manila take you home

LEAVE A COMMENT