Pinaka-highlight ng mga nakalistang November Festival ay ang nakakaganyak, maindak, at makukulay na street dancing nito.
Narito ang mga November Festivals na maari mong bisitahin sa iyong pagbisita sa Pilipinas sa buwan ng Nobyembre. Maari kang makilahok sa mga ito at makisaya!
Nov 3-5 – Pintaflores Festival (San Carlos City, Negros Occidental)
Isang taunang selebrasyon na ginaganap sa magandang lungsod ng San Carlos, sa Negros Occidental. Ito ay para parangalan si San Carlos (St. Charles) Borromeo, ang patron ng lungsod. Ito ay isa sa mga November Festival na may natatanging pangalan na nagbibigay ng interes sa mga manlalakbay. Ang mga kalahok sa street dancing ay nakadamit na tila mga bulaklak, napakulay at nagliliwanag ang bawat ngiti ng mga partisipante. Ang mga taong nakaranas na ng makulay at masiglang pagdiriwang na ito ay tiyak na magsasabing ang kanilang karanasan ay kasiya-siya at muling babalik upang muling makilahok o para matunghayan ang natatanging November Festival na ito.
Nov 9-15 – Helobong Festival (Lake Sebu, South Cotabato)
Walang duda na ang Lake Sebu ay isa sa mga pinakamagandang destinasyon sa Pilipinas. Sa katunayan, umaakit ito taon-taon ng daan-daan at libu-libong mga turista, lokal man o dayuhan. Ang kanilang kahanga-hangang November Festival, na Helobong Festival ay isa sa mga humahakot sa mga turista upang ito ay dayuhin. Dito, nakikibahagi ang mga residente sa isang masayang pagdiriwang sa kultura ng T’boli. Matutunghayan rito ang kanilang mga tradisyonal na kanta, sayaw at sining, ganun din ang kanilang mga katutubong produkto.
Nov 19-25 – Inilusan Festival (Mambusao, Capiz)
Ito ay unang ipinagdiwang noong 1975, ang taunang Cultural-relegious festivity ng Mambusao. Ito ay isang makulay na pageant na ipinagdiriwang sa pamamagitan ng paggunita sa mga kwento ng Mambusao at paglalarawan ng kasaysayan at kultural na paglago ng bayan. Ipinagdiriwang rin ito bilang parangal kay Saint Catherine ng Alexandria, ang terminong inilusan ay nangangahulugang ang pagdadamayan sa isat-sa sa pamamagitan ng pagbibigay at pagbabahagi ng pagkain at iba pang mga mapagkukunan nang masagana, at ang diwa ng kabutihang loob ng magkakapatid na nadarama sa pang-araw-araw na buhay ng mga Mambusaon.
Nov 22-23 – Higantes Festival (Angono, Rizal)
Ang Angono ay kilala bilang “Art Capital of the Philippines” at ito ay makikita lalo na sa kanilang kamangha-manghang festival. Ang Higantes Festival ay isa sa mga November Festivals na hindi makakalimutan sapagkat ito ang isa sa mga pinakamalaking festival sa bansa, at litiral din ang pagiging malaki nito dahil highlight nito ang mga malalaki, mga higanteng paper-mache. Ito ay handog kay San Clemente, ang patron ng mga mangingisda. Samakatuwid, kilala rin ito bilang Pista ni San Clemente.
Nov 24-25 – Kabkaban Festival (Carcar City, Cebu)
Ang mga ritwal na sayaw ay isang paboritong aktibidad para sa mga Pilipino. Ang Kabkaban, isa sa mga natatanging November Festivals, ay isang espesyal na sayaw na pinaniniwalaang lunas sa masasamang espiritu at masasamang pag-iisip. Gayundin, ang kabkaban ay ang pangalan ng isang halaman na tumutubo sa buong lungsod ng Carcar City. Ito rin ay bilang isang parangal sa patroness ng lugar na si St. Catherine ng Alexandria.
Kung ikaw ay may mga pangangailangan sa panghimpapawid na paglalakbay, ikaw ay maaring makipag-ugnayan sa amin. Kami ay handa kang tulungan sa iyong mga kakailanganin at makakapagbigay din kami ng mahusay na pagpipilian ng iyong mga flight. Kami ay may sapat na kaalaman sa mga pabago-bagong regulasyon na may kinalaman sa flight to the Philippines o flight to the UK from Manila, o sa anu pa mang mga destinasyon nito.