Travel News

Pasasalamat at Pagsaludo para sa mga Filipino NHS workers, mga Natatanging Bayani

“ saludo kami sa inyong lahat”

Noong Disyembre 8, 2020 ay muling naging proud and mga Pilipinong nurses sa UK, dahil sa dinami-dami ng mga nars sa UK, isang Pilipino ang pinili upang siyang mag-inject ng world’s first approved and fully tested COVID-19 vaccine. At ito ay siguradong tatatak sa kasaysayan.

Mataas din ang bilang ng mga pumanaw na nurses dahil sa virus na ito. Hindi lang ang kaligtasang pangkalusugan, kundi pati na rin seguridad and dalang pinsala ng Covid lalo na sa mga Asian frontliners kabilang na nga ang mga Pilipino. Ang ilan ay natatakot lumabas, ilan sa mga nars ay tinatanggihan mismo ng mga pasyente, marami sa mga NHS ang nakarinig ng hindi magandang salita. Kahit na ganoon ang mga naranasan nila, hindi sila tumigil magsilbi, isa na yan sa mga katangian ng Pilipino, hindi marunong sumuko, sulong lang, go go go! Ang mga sakripisyo ninyo para sa lahat ay mananatili sa aming puso.

Sa mga “Fallen Heroes”, kayo ay mananatili sa puso namin at taos pusong nagpapasalamat sa inyo.

Sa lahat ng mga Pilipinong NHS, sa lahat ng mga frontliners sa buong mundo, kami ay nagpapasalamat ng buong puso. Kami ay patuloy na titingala sa inyong kagitingan at matinding sakripisyo para sa ikabubuti ng lahat.

Noong Hulyo 5, 2021, ang unang NHS, Social Care at Frontline Workers ‘Day. Idineklara ang araw na ito para sa kanilang walang humpay na pagtratrabaho at sakripisyo. Ito ay isang pagkakataon upang ipakita ang pagpapahalaga sa lahat ng mga frontliners na nagtatrabaho nang walang pagod upang mapanatiling ligtas ang marami. Ito rin ay isang araw upang gunitain ang mga ala-ala ng mga nasawing frontliners.

Kayo ang mga modernong bayani!  Maraming Maraming Salamat sa Inyo!

Ang bansang Pilipinas ang isa sa mga pangunahing bansa na pinanggagalingan ng mga NHS workers at iba pang mga dayuhang bansa. Mahigit kumulang sa 18,000 ang bilang ng mga Filipino NHS workers, as of July 2019 ayon sa House of Common Library, malaking parte ang ginagampanan ng bawat isa sa kanila. Ang mga Filipino nurses ay may pang internasyonal na kwalipikasyon na maitutumbas sa kahit sinumang dayuhan. Sa mahigit 1000 libong bilang ng NHS hospital, mayroon at mayroon kang makikitang Filipino NHS worker.


With great effort

Matinding pagsisikap ang naging susi ng mga Filipino NHS workers at para marating ang bansang kinaroroonan nila ngayon. Mga sakripisyong hindi mabilang na iyong mga daliri. Iba’t ibang mga pagsusulit na pagkamamahal. Pinag ipunan at pinaghirapan ng kanilang mga magulang at idagdag na rin dyaan ang mga ipon nila noong sila ay nasa Pilipinas pa. Sabi nga nila dugo’t pawis ang puhunan ng bawat NHS workers.


Dedication in facing pandemic

Malaking sakripisyo at walang katumbas na dedikasyon ang makikita sa bawat galaw ng mga NHS workers. Isa sa mga katangian ng Pilipino ang pagsasakrapisyo para sa kanilang mga pamilya, family comes first ika nga nila. Pero ngayon mas inuuna nila ang mga pasyente, iniisip nila na hindi sila dapat manghina ngayon, iniisip nila ang mga katrabaho nila, kailangan ng relyebo ng bawat isang NHS worker hindi rin nila maisip ang kanilang pansariling kapakanan, dahil sa kakulangan ng nararapat na PPE (personal protective equipment) nalalagay sila sa matinding panganib.

Ang sitwasyon ngayon sa Europa at sa buong mundo ay hindi man lamang maihahambing sa isang matinding hagupit ng bagyo. Magpahangang ngayon hindi pa rin masabi ng matataas na antas ng gobyerno kung humuhupa na ba ito. May mga nakikitang sinag ng pag-asa ngunit patuloy ang pag usbong ng mga taong naapektuhan. Sa ngayon ( Abril 07, 2020) ang mga kaso ng UK ay tumaas sa 51,608 at 5373 katao ang nakumpirma na namatay. Naibalita na din ang ilang bilang ( 5 deaths) ng mga NHS workers na namatay dahil sa Covid19  pandemic na ito. Marahil ay mayroon pang mga ibang NHS workers o iba pang mga nurses sa ibang bansa ang naapektuhan nito at sila ay nagkukusang mag-isolate na lamang. Gaya ng aking matalik na kaibigan, si ate Shei my laughing buddy, siya ay nanghihina at sabi niya iba ang pakiramdam, ilang araw na din siyang naka-self isolate. Pero sa kabila ng nararamdaman niya madalas pa rin niyang sabihin pray for ALL frontliners, iniisip pa rin niya ang ibang tao. Well hindi na iyon bago sa kanya. Sa sinumang nakakilala sa aking kaibigan, she’s one of a kind, lagi niyang iniisip ang kapakanan ng ibang tao na siyang likas na katangian ng isang tunay na Filipino nurse, sa Europa o sa ibang bansa.


BIG THANK YOU!

Maraming Salamat sa inyong lahat! Maraming Salamat dahil nananatili kayong malayo at dumidistansya sa inyong mga mahal sa buhay, samantalang kami ay nagkaroon ng pagkakataon na makapag quality time sa kanila. Ang ilan sa inyo hindi umuuwi ng bahay o mas pinili ninyong manirahan mag isa. Salamat at may oras na kaming matulog nang mahaba sa aming malambot na kama at may pagkaing handa ng aming mahal sa buhay samantalang kayo ay halos matulog na lang sa upuan dahil sa kapaguran ninyo at nagsa-sawsaw ng biscuit sa gatas.  Maraming Salamat dahil kahit karamihan sa inyo kulang na kulang ang protective gear nandyaan pa rin kayo. Maraming Salamat dahil sa kagustuhan ninyong kami ay maging ligtas, panganib naman ang inyong sinusuong. At sa isang malungkot na katotohanan, ang ilan sa mga NHS workers ay sumakabilang buhay na. Naiwan ang mga pamilyang nanlulumo dahil sa kanilang pagpanaw. Isang tipikal na bagay kung titignan pero sa kanilang mga mahal sa buhay sila ang kanilang mga lakas, mga pundasyon.

NHS workers

Saludo kami sa inyong lahat. Walang ibang salita ang maaring itugma sa inyong kadakilaan.

Kami sa Mabuhay Travel ay saludo sa mga NHS workers.

Tumawag sa Mabuhay Travel at makipag-usap sa mga Filipino travel consultant para sa mga cheap and best deals na para lamang sa inyo.



 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

2024 british travel awards

Exciting News from Mabuhay Travel: 2024 British Travel Awards

British Travel Awards 2023

Mabuhay Travel Scores its First Win at the 2023 British Travel Awards!

Giveaway Winner

Giveaway Alert: Win 2 FREE Return Tickets to Manila with Mabuhay Travel

British Travel Awards 2023

We’ve Been Nominated at the British Travel Awards

flight offers to Manila

Incredible flight offers to Manila take you home

LEAVE A COMMENT