Events

Philippines OKTOBERFEST 2020

OKTOBERFEST 2020


Ang Oktoberfest  ang isa sa mga pagdiriwang na pinakaaantabayanan ng lahat, as in worldwide. Dito sa Pilipinas, isa ang Oktoberfest na talagang pinaghahandaan, at kasama diyan ang mga oktoberfest outfits.  Tampok dito ang rak-rakan, battle of the bands while chill’n to a cold beer. Ito ay tungkol din sa pagkakaroon ng kasiyahan sa isang masiglang musika kung saan ang lahat ay maaaring sumali sa pagkanta at sayaw nang sabay- sabay.

Sa ngayon marami ang nag-aabang sa Oktoberfest 2020 dates, kailan, saan at kung paano ito gaganapin? 


 

Ang OKTOBERFEST ba ay sariling atin?

Ang sagot, hindi! Ito ay nagmula sa Munich, Germany noong 1810 pa. Ang German Club Manila ang nagpakilala ng Oktoberfest sa ating bansa, at mula pa noong 1938 ay nakikisaya na tayo dito.

Ngunit ang sariling atin na San Miguel Corporation ay nagpakilala ng San Miguel Oktoberfest noong 1982. Hindi man tayo ang orihinal pero tayo ang pinakamaaga sa pagdiriwang nito and perhaps the longest. Mula sa unang araw ng Setyembre nagsisimula na ang mga Pilipino sa pagdiriwang nito. Live band music with cold beers ang makikita sa mga events lalo na sa mga hotels.

Hindi man sariling atin ang Oktoberfest, ang taunang pagdiriwang na ito ay itinuring bilang isang opisyal na pista ng mga Pilipino ng Department of Tourism noong 2005.


 

On the day of celebration!

Saan mang parte ng bansa, La union, Manila, Cebu at Davao ay maingay! Malakas na musika! Tawanan! “cheers”! Sinomang makikilahok sa pagdiriwang na ito ay siguradong mapapaindak, mapapa-head-bang, mag-eenjoy, lalo na kapag tinugtog ng banda ang iyong paboritong kanta. Sa araw ng selebrasyon makakakita ka din ng mga taong naka-dirndl, ito ang traditional oktoberfest outfit sa Germany. May mga nagsasayaw din sa bangko habang sinasabayan ang masiglang musika. Ito ang larawan ng mga nakaraang pagdiriwang!

Ngayong Oktoberfest 2020? Paano na? Ito ngayon ay isang challenge sa mga Pilipino, paano magiging kasing sigla ang taong ito?

Ang German Club Manila ay nagbigay ng pahayag patungkol sa kanilang pag-kansela sa isa sa kanilang main event taon-taon, ito ang kanilang pahayag. “It is with heavy hearts that we announce the Oktoberfest 2020 is officially cancelled due to safety measures in connection with the developing situation with COVID-19. We would like to sincerely apologize to all our Members and regular patrons who have been looking forward to this event every year. Your health, safety, and well-being is always our priority, and we appreciate your understanding. We thank you for your support and hope to celebrate with you all next year!”

OCTOBERFEST 2020


 

San Miguel OKTOBERFEST 2020!

“Oktoberfest na! Tuloy ang ating pagsasama-sama sa pinakamalaking event ng San Miguel Beer! Saan ka man sa Pilipinas o saan mang panig ng mundo dito tayo magkikita-kita sa OKTOBERFEST BEER AND MUSIC VIRTUAL FESTIVAL brought to you by San Miguel Beer and co presented by Stream in cooperation with Set & Stage and Network Rentals!” ito ang pahayag ng San Miguel sa kanilang FB page na masasabi nating bumuhay sa mga nanlulumong pakiramdam ng mga Oktoberfest abangers.

Ang ating sariling San Miguel Oktoberfest ay magdadaos ng “Oktoberfest 2020 virtual” ito ay isang BEER AND MUSIC VIRTUAL FESTIVAL sa bansa, pati ang rakrakan at tugtugan version ay virtual din. Sabay sabay nating kantahin ang Oktoberfest jingle “San Miguel Oktoberfest na, Walang katulad na sama-sama, Dito tayo magkikita-kita, Oktoberfest na!”

Ang virtual festival na ito ay gaganapin sa Oktobre 17 at 31, 2020. Iniimbitahan ang sinomang gustong makisaya habang nasa kanilang sari-sariling bahay na magrehistro sa



Ilang araw na lang, kaya huwag nang magpahuli at magrehistro na.

Kahit sa gitna ng pandemya tayo ay may oportunidad pa rin maging masaya at i-enjoy ang Oktoberfest 2020. Sa beer festival na ito ay makakakuha ka ng 1 libreng bote para sa bawat 5 bote o in-can na inumin ng anumang tatak ng San Miguel. Sa unang araw ay mapapakinggan natin ang “Dawn” at “Razorback”, makikisaya din sina Red Ollero at John Robinson. Sa ngayon ay nagsisimula na ang countdown para sa pinakamalaking event ng SMB. Inaasahan na ang mataas na bilang ng mga beer at music lover na makikilahok sa Oktoberfest 2020 na ito na hatid ng SMB. Expected na rin ang partisipasyon ng mga kilalang celebrity sa bansa and will surely spice-up the fun. Nasa ibaba ang kompletong detalye ng oktoberfest 2020 dates.

OKTOBERFEST 2020


 

Schedule · Saturday, 17 October 2020 (in UTC+08)

  • 19:30-22:00 = Oktobefest Day 1
  • 20:30-21:30 = Band Stage – Razorback
  • 20:30-22:00 = Back Stage – Red Ollero with Celebrity Guests
  • 20:30-22:00 = DJ Stage – DJ John Robinson
  • 21:30-22:00 = Band Stage – The Dawn

Schedule · Saturday, 31 October 2020 (in UTC+08)

  • 20:00-20:30 = Band Stage – Nathan & Mercury
  • 20:00-22:00 = DJ Stage – DJ Nzo
  • 20:00-22:00 = Back Stage – Red Ollero with Celebrity Guests
  • 20:30-21:15 = Band Stage – Mayonnaise
  • 21:15-22:00 = Band Stage – Chicosci

OKTOBERFEST 2020

May puna ka ba o suhestiyon? May exciting moments ka ba sa nakaraang Oktoberfest? Share it! Isulat lamang ito sa comment part na makikita mo sa ibaba.

Click! for cheap flights to Manila, Cheap flights to Cebu, Cheap flights to Clark, cheap flights to Davao. Call Mabuhay Travel para sa mga ticket booking at iba pang flight services na pangangailangan niyo.



 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

2024 british travel awards

Exciting News from Mabuhay Travel: 2024 British Travel Awards

Barrio Fiesta 2024

Barrio Fiesta 2024: Celebrating Filipino Culture in London

British Travel Awards 2023

Mabuhay Travel Scores its First Win at the 2023 British Travel Awards!

Giveaway Winner

Giveaway Alert: Win 2 FREE Return Tickets to Manila with Mabuhay Travel

British Travel Awards 2023

We’ve Been Nominated at the British Travel Awards

LEAVE A COMMENT