“Revel in Baler Aurora, Philippines ”
Ang Baler sa Lalawigan ng Aurora na matatagpuan sa hilagang silangan ng Manila, ay isa sa mga holiday destinations in the Philippines na may natatanging ganda ng kalikasan. Kinilala ang Baler bilang birthplace ng surfing bago ang Siargao sa Pilipinas. Una itong kilala sa mga alon nito na halos umabot ng hanggang 2.7 metro (9 talampakan) ang taas. Ito ay itinuturing na Paraiso ng mga surfers, ang baybayin ng bayan na nakaharap sa Pacific Ocean ang dahilan ng malakas na hangin at perpektong lakas ng alon nito. Ang Baler ay isa sa mga holiday destinations in the Philippines na mayroong ibang mga alok kagaya ng mga sumusunod:
Surfing at Sabang Beach
Ang Sabang Beach ang pangunahing atraksyon ng Baler. Nandito rin ang mga maraming bilang ng mga restaurants, hotel at resorts na maari mong tuluyan, mga restaurants. Ang Sabang beach ay hindi kagaya ng mga beach sa ibang mga holiday destinations in the Philippines na may puting buhangin, ang buhangin dito ay gray, ngunit ang ganda nito ay maikokompara sa pagsikat ng araw na masasaksihan mo din sa Sabang beach. Surf and mingle! At habang nasa beach at hindi naman ngsu-surf, have some of their grills, masarap. At idadagdag ko lang, magdala po tayo ng sapat na cash kase kakaonti po ang ATM doon.
Fees in Sabang Beach
Entrance Fee: FREE
Camping Fee: FREE
Tricycle Tour Rates: PHP300 – PHP800
Surfing Lesson Rates: PHP350-850
Others: Tour Guide Fee (P500); Mountain Bike Rental (P35/hr, P300/day); Motorbike Rental (Around P800/day); Van Rental (P2500/day, good for 10 pax)
Trek at Ermita Hill
Ito ay matatagpuan sa Barangay Zabali. Ang holiday destinations in the Philippines na ito ay nasubok na ng panahon. Ang Ermita Hill ang lugar kung saan ang emosyon ay umaapaw. Emosyong nararamdaman dahil sa view na makikita sa tutktok nito at emosyong nagpapaalala sa nakaraang delubyo noong Disyembre 27, 1735. Sa taong ito ang buong bayan ng Baler ay nalubog sa tubig dahil sa tsunaming “Tromba Marina”, ang Ermita Hill lamang ang tanging lugar kung saan nakahanap ng kaligtasan angm mga mamayan nito. Sa ngayon ito ay isang site ng trekking at camping.
Dicasalarin Cove
Ang Dicasalarin Cove ay isang pribadong patunguhan sa Baler. Dito ang pinakamagandang lokasyon para masilayan ang buong ganda ng lugar. Makikita rin ang isang modern lighthouse na may tatsulok na base sa tuktok ng bundok. Kung nais mong puntahan ang cove:
- kailangan ay kumuha ng pass mula sa Costa Pacifica Resort’s reception at bibigyan kayo ng mapa
- entrance fee: PHP300/person. P150/person if naka-book sa Costa Pacifica. Parking fee is P50
- maaring mag-hire ng tricycle PHP500-800 roundtrip
- bring your own food and water supply
Ditumabo Water Falls (Mother waterfall)
Matatagpuan sa San Luis, Aurora. Kung nais mo ng fresh cold water, labas ka muna sa bayan ng Baler at magtungo sa San Luiz. Akyat sa bundok at makikita ang pinakamataas (140 feet) na waterfalls ng Aurora. Ang refreshing na tubig na dumadaloy dito ay mula sa bundok ng Sierra Madre. Ang mga lokal ay mahigpit na ipinapaalala sa lahat na panatilihing malinis ang lugar.
Climb the roots of Millenium Tree
Sa holiday destinations in the Philippines na ito matatagpuan ang isang puno ng balete na lokal na tinatawag na “Millenium Tree” sa Barangay Quirino, Maria Aurora, Aurora lalawigan sa Pilipinas ay kinikilalang pinakamalaki sa uri nito sa Asya. Tinatayang halos 600+ taong gulang at 60 metro ang taas na may mga ugat nito na mga 10 metro hanggang 15 metro ang lapad. Sa laki nito ay maari kang lumusot sa mga butas ng ugat at masilip ang loob nito.
How to get to Baler
Mula sa Maynila, sumakay ng bus na para sa Baler (P500-750). Nag-iiba ang mga rate depende sa klase ng bus: Ac/without ac
Nearest Airport: Clark International Airport (Pampanga); Ninoy Aquino International Airport, also known as Manila International Airport (Manila)
Current situation of Baler Aurora
Ito ay isa sa mga holiday destinations in the Philippines na Covid-free. Sa ngayon ay naka- General Community Quarantine (GCQ) pa rin ang lugar.
Nakarating ka na ba sa parteng ito ng Pilipinas? Ano ang mga naging karanasan mo? Maari mo itong ibahagi sa amin. Book your flights to Philippines at pasyalan ang Baler. Read more on different holiday destinations in the Philippines sa aking Philippines travel blog.
CALL us now! Book your cheap flights to Manila from London. Talk to our travel experts sa wikang Pilipino, Ilocano, Cebuano at English! Enquire for more hot deals at exclusive offers namin.