“si daddy, siya ang sandalan ko, lagi niyang sasabihin ok lang yan anak, tayo ka ulit. Happy Father’s Day Daddy!”
Sa spesyal na araw ni daddy, papa, dad, tatay o kung pano man natin sila tawagin, iparamdam natin kung gaano natin sila kamahal. Hangga’t maari ibigay natin ang araw na ito para sa kanila. Ngayong Father’s Day 2020, June 21 siguraduhin natin sila ang bida!
Buong araw ay nasa trabaho at pagod. Ito ay para sa pamilya, ang pagmamahal niya sa pamilya ang nagsisilbing lakas niya para sa araw araw na pagtratrabaho niya. Ang mga ngiti ng bawat miyembro ay sapat na pumapawi sa pagod niya. Sa araw na ito handogan natin siya ng spesyal na pagbati at regalo. Hindi man tayo makapunta sa favorite destination natin, magkakasama naman tayo. Ano kaya ang puwede nating gawin? Syempre, tatay natin alam dapat natin ang interes niya diba? Narito ang aking mga simpleng suhestiyon na puno ng pagmamahal para sa Father’s Day 2020.
Mag-ihaw sa labas ng bahay.
Wala ng mas masarap na bondingan kundi ang mag ihaw kasama si tatay, or tayo ang mag i-ihaw ng favorite niya, at hayaan siyang umupo na parang hari talaga. Bigyan siya ng malamig na inumin, kwentohan at tawanan. At alalahanin ang mga nakaraang travel to Davao adventure natin.
Break fast in bed.
Simulan ang supresa sa umaga ng isang espesyal at simpleng break fast in bed serving his favorite barako or brewed coffee or maari din gatas para mas healthy. Ito kadalasang ginagawa sa mga nanay, but why not kay tatay din diba. Sabay bigay ng special father’s day 2020 card na gawa mo mismo.
Movie Marathon.
Kakaiba ang Father’s day 2020 dahil sa lockdown sa ibat ibang lugar. Karamihan sa mga cinema theatres ay sarado. Walang problema, sa ngayon madali na lang solusyonan lahat. Hanap sa internet, download, at i-save. Ihanda ang paboritong meryenda, pop corn para feel na feel. Mainam din panoorin iyong mga palabas na paborito niya, kahit luma man ito samahan natin siyang balikan yong araw na napanood niya ito.
I-relax ang mga paa.
Si nanay lang ba ang puwede dito? Of course no, nararapat din ito para kay papa. Kailang maging creative tayo ngayong Father’s Day 2020, kahit simple maipaparamdam natin kung gaano sila ka-espesyal. Siguradong pagod ang kanilang mga paa, so why not pamper their tired feet right. So Habang gingawa mo ito, simulan mo na ang puno ng pagmamahal na hugot lines mo. Magpasalamat sa lahat ng ginawa niya at sakripisyo niya para sa pamilya. Pasalamat natin siya nung binigyan ka niya ng allowance papuntang Puerto Princesa, nung may field trip ka sa Clark at marami pa yan.
Isang virtual day out.
Kadalasan nasa labas tayo ng bahay or out of town para bisitahin ang mga magagandang lugar. Pero ngayong taon sarado ang mga atraksyon, kaya ipasyal natin si daddy gamit ang virtual tour. Para sa Father’s Day 2020 maari mo pa din siyang ipasyal gamit ang teknolohiya. Maraming mga atraksyon, tulad ng mga museo, ay nag-aalok ng mga virtual na paglilibot nang libre sa kanilang mga website. Kumuha ng isang virtual tour ng isang museo sa London, o higit pang ‘paglalakbay’ sa isang virtual na paglilibot ng isang hotspot ng turismo. Maaari ka ring manood ng virtual na konsiyerto ng isang banda o mang-aawit na pareho mong gusto. Maaaring kang magbasa sa mga Philippine travel blogs at kumuha ng ideya para sa mga atraksyon na maaring makita sa virtual tour.
Kantahan time.
Ang mga Pilipino, mahilig kumanta, bata matanda, wlang pinipiling edad. Young at heart tayong mga Pilipino. Ngayong Father’s day 2020, ilista lahat ng paborito niyang kanta. Kantahin ito kasama ang pamilya. Nakikinita ko na masaya talaga ito at enjoy ang lahat.
Ang Father’s Day 2020 ay isa sa mga espesyal na araw na mas nakikita natin at nararamdaman ang halaga ng isat isa. Ang pandemyang ito ang siyang naging susi para mamulat ang ating mga mata na saglit lang ang buhay. At habang sila ay nandiyaan pa, nakakasama pa natin, nayayakap, huwag nating balewalain bawat oras na meron tayo kasama sila. Sa espesyal na araw na ito iparamdam natin, huwag tayong mahiya, sabihin nating mahal natin sila at batiin ng Happy Father’s Day!
Nawa ay makatulong ang mga suhestiyong ito sa inyo. Kung may nais kang idagdag, sige lang. Share your experience with us at huwag kalimutang i-share ang blog na ito.
Kami sa Mabuhay Travel ay bumabati sa ating mga mahal na ama ng isang Maligayang Father’s Day!
Call us now and inquire for our seasonal offers bago mawala. Naghihintay sa inyo ang aming mga Filipino travel consultants.