Festivals

SINULOG Festival 2021: Virtual na Selebrasyon?

Sinulog festival

Yan ang masiglang maririnig tuwing Sinulog Festival.

Itinuturing na una at “Queen of festivals” ang “Sinulog Festival” o Sinulog-Santo Niño Festival kung saan dinadaluhan ito ng halos 1 hanggang 2 milyong katao mula sa buong Pilipinas bawat taon. Kahit mga dayuhang deboto ay dumadayo sa Cebu upang makilahok sa pagdiriwang na ito. Ito ay isang relihiyosong pagdiriwang na ginanap tuwing ikatlong Linggo ng Enero sa Cebu City, at sa ika-apat na Linggo ng Enero sa Carmen, Cebu na siyang sentro ng pagdiriwang ng Santo Niño Katoliko sa Pilipinas.

Ang Sinulog ay ang ritwal na prayer-dance honouring Señor Santo Niño o ang Batang Hesus. Isang rebulto ng Batang Hesus ang sinasabing regalong ibinigay ni Ferdinand Magellan kay Raja Humabon noong Abril 1521. Ito ay pinaniniwalaang mapaghimala, ngayon ay nakalagay ito sa Basilica Minore del Santo Niño sa bayan ng Cebu City. Mula noong 1980 ay ginagamit na ang relics sa Sinulog Festival.

Sa loob ng maraming taon, milyun-milyong mga deboto ng mapaghimala Santo Niño ang pumupunta sa Cebu mula sa ibat-ibang panig ng mundo upang ipakita ang kanilang pasasalamat sa Banal na Bata sa isang linggong pagdiriwang ng Sinulog.

Bukod sa pagiging isang relihiyosong pagdiriwang, ang Sinulog ay isa ring paraan para maipakita ang natatanging sining at pagkamalikhain ng Cebuano. Ito ay nagsisilbi ring pang-akit sa mga lokal at dayuhang turista. Pinaka-aabangan sa Sinulog Festival ang grand parade, na may nakakaindak na street dancing. Maraming mga grupo ang nakikilahok na nagpapakita ng makukulay at artistikong mga custome at masiglang sayaw. Bawat isa sa mga kalahok ng parada ay puno ng ngiti at emosyong naayon sa kanilang tema.  At bawat manonood ay bakas na bakas ang kagalakan at excitement sa kanilang mukha.

Sinulog festival


SINULOG 2021

Isa sa pinakahihintay na Philippines Festival ang selebrasyon ng Sinulog 2021. Ang tema ngayong taon ay, “A New Life in Faith, Hope, and Love.” Marami ang umaasam at nanabik na makilahok at dumalo, bilang parte na rin ito ng kanilang buhay, lalo na sa mga deboto. Ito ang ika-tatlumpu’t tatlong taon (33rd) ng pagdiriwang ng Sinulog festival.

Unang pinag-usapan na ang grand parade at street dancing ay magiging virtual, kung saan ang mga dance piece ng mga kalahok ay gagawin sa kani-kanilang mga barangay at irerecord. Ang kumpetisyon sa sayaw ay gagawin virtually sa Enero 17, mayroong mga contingents pre-recording their dance numbers. Malaki ang cash prize na ibinibigay taon-taon kaya naman marami talaga ang nag-e-effort para dito. Ang street dancing ay gagawin sa South Road Properties Talisay Cebu at walang live audience ngunit may maximum media coverage. Dahil sa mataas na bilang ng Covid cases sa bansa at sa Cebu, ang SINULOG 2021 dance competition ay CANCELLED, maging ang virtual nito ay kanselado rin. Lahat ng performance-based na aktibidad ng SINULOG 2021 ay wala na. Dahil pa kahit sabihing virtual at pre-recorded ang mga sayaw, ito pa rin ay nagbabadya ng malawakang transmisyon ng sakit. Marami ang tutol dito ngunit FINAL na ang desisyong ito, ito ay mula sa rekomendasyon ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.  Ito ay dahil na rin sa maaring maging epekto nito, ang malawakang pagkakahawaan ng sakit na Covid-19. Maaari nating itabi muna ang ating kalayaan, karapatan at personal na agenda kapalit ng pagpapanatili ng ating mga buhay dahil nasa kalagitnaan tayo ng isang pandemic aniya ng RIATF.

Samantala, narito ang mga aktibidad ng Sinulog 2021. At Para sa ibang updates ay magtungo lamang sa Sinulog website – click here

 

Date

Aktibidad

January 3-10, 2021 Sinulog Kick-Off – Fun Ride – Virtual Bike Challenge
January 4-6, 2021 Virtual Sinulog Workshop
January 8, 2021 > Holy Mass @ Basilica del Sto. Nino | Opening Salvo Rewind
> See Cebu in Carousel Launch
January 9, 2021 Sinulog sa Lalawigan Rewind @ Sinulog Facebook Page & Website
January 10, 2021 Sinulog sa Dakbayan Rewind @ Sinulog Facebook Page & Website
January 12, 2021 Festival Queen Rewind | Dollie Suzara Tribute
January 13, 2021 Festival Queen Rewind | Dollie Suzara Tribute: Highlands Blooms and Eco-Tourism Launching
January 14, 2021 Sinulog Idol Battle of the Champions | Balik Cebu: Padayun Ta
January 15, 2021 Festival Queen Grand Showdown @ SM Seaside Open Space Parking
January 16, 2021 Holy Mass c/o Basilica del Sto. Nino
January 17, 2021 Grand Ritual Showdown @ SRP (No audience; Virtual streaming available via Sinulog Facebook Page & Website)—cancelled
January 1-31, 2021 Cebu City Sinulog One-Stop Shop at Ayala Center Cebu
January 1-31, 2021 Cebuano Kini – Balik Cebu Native Exhibit at Ayala Center Cebu
January 8-31, 2021 > The Sto. Nino – Gasa sa Ika Lima Ka Gatos Ka Tuig (500 Years Of Christianity) Exhibit at Ayala Center Cebu
> Sinulog Festival Queen Costume Exhibit at Ayala Center Cebu
January 18, 2021 Awarding Ceremonies
January 24, 2021 “HUBO” c/o Basilica del Sto. Nino
January 27, 2021 Judging Sinulog 2021 Photo Contest at Robinsons Galleria Cebu
January 28, 2021 Judging of Finalists in Short Film/Video Documentary and Music Video Contest at Robinsons Galleria Cebu
February 2, 2021 Short Film and Video Documentary Contest
February 1-10, 2021 Photo Exhibit Winning Photos Sinulog 2021 at Robinsons Galleria Cebu

Ano ang iyong reaksyon sa SINULOG 2021? Isulat ito sa ibaba.

Para sa iyong mga internasyonal na travel needs kontakin lamang ang mga Filipino travel consultants ng Mabuhay Travel. CALL NOW and enquire.


Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

London Barrio Fiesta 2023

Get Ready to Have Fun at the London Barrio Fiesta 2023: June 10th & 11th

December Festivals

December Festivals in the Philippines

Filipino New year traditions

Filipino New Year Traditions & Superstitions

Christmas Dishes

Christmas dishes you can only find in the Philippines

november festivals

November Festivals

LEAVE A COMMENT