Holidays Philippines

The all-important travel questions you want to be answered right now

Sa sitwasyon ngayon, mapapaisip talaga tayo kung dapat ba tayong magbook ng holiday? At kung oo, nararapat lamang na magsaliksik tayo, lalo na sa mga ibat-ibang travel questions na napapanahon ngayon.

Travel questions


Narito ang mga travel questions na amin nang sinagot at tiyak na makakatulong sa iyo.
Maaari ko bang i-book ang aking flight ngayon?

Oo, ikaw ay maaring mag-book ng iyong flight to Philippines ngayon. Ikaw ay kailangang may pre-booked DOH accredited hotel at makwa-kwarantina ng 10 araw. 


Ano ang mga paghihigpit sa paglalakbay sa Pilipinas?

Ang sinumang pinapayagang makapasok sa Pilipinas ay kinakailangang sumailalim sa kwarantina: 10 araw sa hotel at 4 na araw sa bahay. Kung ikaw ay may kompletong nabakunahan sa Pilipinas, 7 araw lamang ang iyong kwarantina.


Kailangan ba ang bakuna laban sa Covid-19?

Hindi ito mandatory, ngunit mataas ang kaso sa bansa ngayon at ipinapayo na iwasan ang pagbiyahe sa bansa kung hindi kinakailangan.


Kung nai-book ko na ang aking tiket at naging positibo ako para sa Covid-19, ano ang mangyayari?

Bawat airline ay may kani-kaniyang patakaran, pinakamaigi ang kontakin agad ang aming koponan para ikaw ay mabigyan ng agarang solusyon.


Maaari ba akong makipag-ugnay sa iyo anumang oras para sa aking pag-book?

Ikaw ay maaring tumawag at makipag-ugnayan sa aming mga agents anumang oras.


Ano ang pinakamagandang araw upang makabili ng air ticket pauwi sa Pilipinas?

Ayon sa obserbasyon, kadalasang sa araw ng Martes, bumaba ang presyo ng mga flights to Philippines at tumataas pagdating ng Biyernes kung saan weekend na. Iminumungkahi rin na ikaw ay dapat magbo-book ng iyong flight 3 weeks bago ang iyong pag-alis para makakuha ng mas mababang presyo.


Anong buwan ang may pinakamurang tiket sa Pilipinas?

Tuwing off peak season bumaba talaga ang mga presyo ng mga tiket. June ang off peak season sa Pilipinas, bumaba rin ang presyo kapag malapit na ang peak season tulad sa buwan ng Nobyembre.


Paano ko mahahanap ang mga pinakamurang flight sa Pilipinas?

Ang paghahanap ng murang flight ticket maaring maging mahirap, ngunit kung ikaw ay magsasaliksik at magkokompara, mahahanap mo ang presyong nais mo.


Aling Airline ang may pinakamurang flight sa Pilipinas?

Iba-iba ang presyo at serbisyo ng bawat airline. Depende rin sa availability ng flight ang magiging presyo. Magkagayon man, asahan mong ang Mabuhay Travel ay magbibigay sa iyon ng pinakamahusay na flight deal mula sa mga kapartner naming airlines.


Maaari ba akong mag-book ng flight para sa ibang tao?

Ikaw ay maaring magbook para sa ibang tao, kailangan lang na lahat ng mga detalye ay tama at hindi palsipikado.


Paano ko mababago o makakansela ang aking booking?

Maaari mong kanselahin o baguhin ang iyong na-i-book na flight anumang oras. Nararapat lamang na ipaalam ito sa aming email o kaya ay kontakin mismo ang aming mga Filipino travel consultants. Ngunit, PAKAALALAHANIN na basahing mabuti ang mga kondisyon bago ka pa mag-book nang sa gayon ay magkaroon ka ng kaalaman o ideya dito.

 Ito ay maaring magkaroon ng karampatang bayad o maari ka ding makatanggap ng refund depende sa airlines at sa mga umiiral na kondisyon nang ikaw ay magbook.


Ano ang dapat kong gawin kung ang aking e-ticket ay pagkawala?

Kung nawala mo ang iyong e-ticket, kontakin agad ang aming koponan para mabigyan ng bagong kopya.


Ano ang kasama sa ipinakitang presyo?

Kasama sa presyo ng iyong bakasyon ang lahat ng buwis at karagdagang singil.


Magkano ang air ticket para sa sanggol?

Ang air ticket ng mga sanggol ay mas mura kumpara sa isang adult na pasahero, kahit na ito ay isang “lap baby” o sanggol na hindi pa nakakaupo ay may kinakaukulang presyo. Kung sa domestic flight may mga airline na ginagawa itong libre.


Maaari ko bang dalhin ang aking alagang hayop sa Pilipinas?

Oo. Makipag-ugnayan ka sa iyong betirinaryo. Ang iyong alaga magkakaroon ng microchipped, kompletong bakuna at kakailanganin mo ang ibang mga legal na dokumento para dito. Ipaalam sa iyong travel agency kung ikaw ay uuwi na may kasamang hayop.


Ano ang fly now pay later?

Ito ay isa mga alok naming serbisyo kung saan ikaw ay maaring magbook ng iyong air ticket sa pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan, buwanang man o lingguhan.


Paano mag-apply para sa fly now pay later?

Kung nais mong mag-apply sa “fly now pay later”, i-click lamang ang link na ito para sa buong impormasyon – Click here



Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

best holiday destinations in the Philippines

Best Holiday Destinations in the Philippines 2025

best places in Cebu for couples

Top Wedding Destination: Best Places in Cebu for Couples

Places to celebrate anniversary in the Philippines

Romantic Getaways: Places to Celebrate Anniversary in the Philippines

Philippines Rainy Season

Travelling During the Philippines Rainy Season

Cold places in the Philippines

Cold places in the Philippines

LEAVE A COMMENT