Instagram ang naging isa sa mga pangunahing social media platforms kung saan ibinabahagi ang mga picture perfect places na nabibisita sa Pilipinas. Narito ang mga Instagram locations na makakatulong sa mas memorable na bakasyon when visiting Philippines in 2021.
Abra – Kaparkan Falls
Abra-mazzing talaga ang Kaparpakan Falls. Ito na siguro ang pinakamaganda at pinakagrandeng Falls sa ating bansa ✌. Ito ay kilala rin bilang Mulawin Falls. Matatagpuan sa Sitio Kaparkan, Barangay Caganayan, Tineg sa Lalawigan ng Abra. Ito ay literal na isang mataas na terraced falls, na may maraming maliliit na pool basin. When visiting Philippines in 2021 sa buwan ng Agosto at Setyembre (nirerekomendang best months), mainam na dalawin ito and take your picture-perfect Philippines.
YouTube Source: Jay Tuazon
Aklan – Boracay
All loves Boracay beach at isang Instagram haven din ang Boracay, white sand beach, pinong buhangin, ang bughaw na tubig, tiyak na iyong mga litrato ay magkakaroon ng maraming likes sa destinasyong ito.
Albay – Daraga Church
Ang sinaunang simbahang ito na itinayo noong 1772 ay siguradong magbibigay ng kakaibang awra sa iyong Instagram shot.
YouTube Source: Jerum Calixtro
Baguio
Baguio ang madalas dayuhin lalo na kapag summer. Malamig ang klima at maaliwalas sa mata ang kulay nito. Ang berdeng kapaligiran nito ay isang kaaya-ayang backdrop para sa ating mga paboritong pose.
Bataan – Las Casas Acuzar de Filipinas
Sa 3-4 hours na biyahe mula Manila, ay matotonton sa Bagac, Bataan ang isang natatanging resort na ibinabalik ang elegante at tradisyunal na elemento ng Pilipinas noong ika-18 na siglo. Matatagpuan ang accommodation sa tabi ng beach. Mayroong 17 rooms ito at lahat ay pinalamutian ng pinaghalong Filipino- Spanish style. Ang bawat villa ay may sariling kwento at nilagyan ng mga modernong amenities para sa kaginhawaan ng mga bisita. Sa mga Instagram locations, mahusay ang Las Casas Filipinas de Acuzar Hotel. Visiting Philippines in 2021, huwag kalimutang dumaan sa Bataan.
YouTube Source: pambansangdatcom
Batanes – Rolling Hills
Well preserved ang pagiging berde ng kalikasan sa Batanes, na kahit saan mo ibaling ang iyong paningin, puro mga Instagram worthy sceneries ang iyong makikita at ang simoy ng sariwang hangin na mararamdaman mo ang lamig nito habang papasok sa iyong katawan.
YouTube Source: Travelhub PH
Batangas – Fortune Island
Sa destinayon na ito ay iisipin ng iyong mga followers na ikaw ay nasa Greece. Dalawin ang Nasugbu at hanapin ang perfect spot para sa iyong litrato na maari mong lagyan ng Instagram captions about travel.
Cebu – Malapascua Island
Kilala ang Cebu bilang isa sa mga tanyag na Instagram locations. Gaya ng Malapascua island, isang dating tagong hiyas ngunit ngayon ay isa na sa mga best spot for diving. Ang tubig nito ay isa sa pinaka matindi at pinakamaganda.
Cordillera Region – Mount Pulag
Sumikat sa mga salitang “sea of clouds” at malamang eto rin ang dahilan kung bakit marami ang nahihikayat na akyatin ito. Ito ay naging isa sa mga paboritong Instagram locations. Syempre, sinong hindi masisiyahan sa tanawing puno ng ulap na para kang nasa kalangitan na. Go have a hike!
Ifugao – Banaue Rice Terraces
Hindi kailanman maisasantabi ang ganda ng tourist attraction na ito, isa sa mga Instagram locations na talaga namang popular sa buong mundo. Sinasagisag nito ang sining ng mga ating mga katutubong ninuno. Ang napakaaliwalas na berdeng kapaligiran ay perpekto para sa iyong favourite pose kasama ang kalikasan.
Laguna – Liliw church
Isa sa mga sinaunang simbahan na buong buo pa rin. Natapos ang pagkakagawa nito noong 1646. Ang kulay pula nitong kulay ay sadyang nakaka-agaw pansin sa sinumang dadalaw rito. At tiyak ganun din sa iyong Instagram photo.
YouTube Source: Lez Go!
Manila – Intramuros
Ang Manila ay isa sa mga Instagram locations na hindi papahuli. Ang “walled city” ay isang Instagram favourite lalo na’t ito ang Asia’s leading tourist attraction sa taong 2020.
Negros Occidental – The Ruins
Visiting Philippines 2021? Isama sa inyong bucket list ang pagbisita sa tinaguriang “Taj Mahal” ng Negros. Isang 400-hectare na hardin na may kahanga-hangang katangian. Tiyak na makakahanap ka ng Instagram worthy spot dito.
Northern Mindanao – Camiguin Island
Popular bilang isa sa mga Instagram locations ang Camiguin dahil sa “white island” nito, na isang sandbar. Parang polbos sa puti at ang azureng tubig na nakapalibot dito ang nagpapa-angat sa gandang natural ng isla. Applicable dito ang “simplicity is beauty” ❤️
Nueva Ecija- Highland Bali resort
Pinakaunang Balinese-inspired sa lahat ng mga resorts sa ating bansa. 4 hours ang layo mula Manila. Mararanasan mo ang 100% Bali experience at ang mga larawan mong media-catchy ay paniguradong worthy of instagram captions about travel. Bisitahin ang napakagandang resort na ito at magrelax sa isang natatanging set-up.
YouTube Source: Jeff Buenaflor
Palawan – El Nido
Bilang “best island” ito rin ay isa sa mga best Instagram locations. Ang natural na ganda ng El Nido ay sapat na para maging kapansin pansin ang iyong larawan sa bawat post mo.
Palawan – Kayangan Lake
Kayangan lake ang isa sa mga Instagram worthy spots. Kilala ang lawang ito bilang pinakamalinis. Napakalinaw na makikita mo ang kailaliman nito. Ang buong kapaligiran ng Kayangan Lake ay magbibigay ng natatanging effect at kalidad sa iyong Instagram photo at paniguradong manghahakot ng maraming followers.
Rizal- Hinulugang Taktak
Ang waterfalls na ito ay ang Antipolo’s iconic destination at naitalagang national park ng bansa. Ito ay matatagpuan sa probinsya ng Rizal.
Quezon City – Ohana Travel Café
Café and Instagram shots? Gandang combination yan lalo na kung nasa Ohana Travel café ka. Ito ay isang beach themed café, na napapaligiran ng magagandang dekorasyon at saan mang bahagi nito paniguradong ang mga larawan mo ay patok sa mga followers mo. Ang kagandahan pa niyan, pamilya ang turing sa mga guests nila as “ohana” means family.
YouTube Source: OHANA TRAVEL CAFE
Siargao – surfing capital
Who doesn’t love waves, diba? Kung ikaw ay into surfing, siguradong isa ito sa mga Instagram locations na perpekto sa iyo. Ang panoorin lamang ang alon ay satisfying na.
Sultan Kudarat – Columbio Mountain
Ano ang masasabi niyo sa imaheng ito? Hindi man ito kasing sikat ng mga Instagram locations na alam niyo, but surely ang tanawing ito ay isang picture perfect in the Philippines.
YouTube Source: JUPs Network
Taguig – Venice Grand Canal Mall
Ito ay isa sa mga Instagram locations sa bansa na napaka-romantic, mala- Italy ang dating, lalo na at may gondola rides din sila. Ito ay isang open-air mall na Venice-inspired na nagtatampok ng mga upscale shop pati na rin ang fitness / beauty service at kainan.
YouTube Source: Dada Koo
Tagaytay
Tagaytay ang isa sa mga pinakaberdeng lugar sa Pilipinas, malalagong kakahuyan, berdeng berde ang kapaligiran at dito rin matatagpuan ang natatanging Taal. Pasok na pasok sa Instagram ang larawan mong may tanawin ng lawang ito.
Vigan, Ilocos Sur – Heritage Site
Isa sa mga Instagram locations na nahubog sa makasaysayang nakaraan ng Pilipinas. Ang mga Spanish themed na mga bahay ay perpekto para sa isang imaheng malalagyan ng instagram captions about travel.
YouTube Source: June Agsaoay
Zambales – inflatable Island Zambales
Sinasabing ito ang pinakamalaking floating water park sa Asya. Tampok dito ang maraming slides, trampoline, para itong playground na siguradong kakagiliwan mo. Bago sumulong sa tubig at mawala ang make-up, click muna ng killer pose mo sa mga Instagrammable lounges nila na may kaaya-ayang kulay.
YouTube Source: Insider
Nagustuhan mo ba ang mga Instagram locations na nailista ko, excited ka bang dalawin ang mga ito? Don’t forget to strike a pose!
Call Us Now! Alamin ang mga bagong promo at mga cheap flights namin para sa pinakahihintay mong bakasyon.