“Ang perpektong destinasyon ng last minute travel mo”
Ang Naga City ay isang ika-2 klase na independyenteng lungsod sa Bicol Region, Philippines. Ito rin ang pangatlong pinakamatandang lungsod sa bansa. Isang lugar na kahit last minute travel ay sulit dahil ito ay halos sentro ng lahat.
Ang Naga ay kinikilala bilang “Queen City of Bicol” at “Heart of Bicol” dahil sa gitnang lokasyon nito sa Peninsula ng Bicol. Kilala din bilang “Pilgrim City” dahil ito ay pangunahing destinasyon ng Marian pilgrimage in Asia, sa Our Lady of Peñafrancia na isa sa pinakamalaking debosyong Marian sa Asya. Ang Naga ay kilala rin bilang “Isa sa Pitong Ginintuang Lungsod ng Araw”.
Mga maaring gawin para sa iyong last minute travel.
Bisitahin ang Quince Martires Monument
Sa ating last minute travel, maari natin itong bisitahin. Ito ay itinayo upang parangalan ang katapangan ng 15 Bicolanos na sumali sa Katipunan sa panahon ng Spanish regime. Ito ay matatagpuan sa kanto ng Ellias St at Peñafrancia Avenue.
Pagbisita sa Mount Isarog National Park.
Ang Mount Isarog ay isang potensyal na aktibong stratovolcano na matatagpuan sa lalawigan ng Camarines Sur, Pilipinas, sa isla ng Luzon. Ito ay may taas na 2,000 metro. Para sa iyong last minute travel maaari ka ding mag-rappel sa gilid ng talon o bangin upang makita ang pangkalahatang view. Ito ay nasa Panicuason, Naga City, Camarines Sur
Pagbisita sa Naga Metropolitan Cathedral
Ang Naga Metropolitan Cathedral ay isang katedral ng Romano Katoliko sa Naga City, Camarines Sur, Pilipinas. Ang kasalukuyang katedral ay itinayo noong 1808, at nakumpleto at inilaan noong 1843. Ang simbahan sa kasalukuyan ay may pangkalahatang plano ng cruciform at Romanesque decoration. Ang disenyo ng simabahan ay talagang kahanga hanga.
Pagbisita sa Our Lady of Peñafrancia.
Dito matatagpuan ang isang estatwa ng kahoy ng Birheng Maria na nagmula pa sa Salamanca, Spain. Ito ay itinuturing ding na bilang Patroness ng Bicol. Ito ay matatagpuan sa Penafrancia Avenue, Naga City. Ang rebulto ng Birheng Maria ay ginawa noong 1710 at pinaniniwalaang mayroong mga kapangyarihan upang matulungan ang mga nangangailangan. Dito rin matatagpuan ang isang stained glass artwork na tinawag nilang Peñafrancia Diamond Jubilee Pavilion. Ito ay gawa ni Pancho Piano. Ang Basilica Jubilee Pavilion sa harap ng simbahan ay tiyak na isang bagay na magpamangha sa last minute travel mo. Ang istraktura na tulad ay pinalamutian ng stained glass art . Ang bawat salamin ay nagsasabi ng isang kuwento ng debosyon kay Ina at kung paano nagbago ang kanyang mga himala sa buhay ng mga tao.
Pasyalan ang Porta Mariae
Puntahan ang Holy Rosary Minor Seminary
Ang Holy Rosary Minor Seminary ay isang seminary ng Katolikong Romano. Ang dalawang palapag na istrakturang ito ay hugis-parihaba sa plano na may eclectic Italian Renaissance ornamentation at may halong arkitektura ng Florentine Renaissance. Itinalagang National Historical Landmark noong Hunyo 11, 1978.At para last minute travel, mainam ding pasyalan ang historical landmark na ito.
Ang Naga City ay matatagpuan sa lalawigang hindi nauubusan ng mga magagandang lugar para bisitahin, ito ay perpektong mga destinasyon para sa iyong last minute travel. Kung may oras ka pa ay maari kang lumabas mula sa Naga at libutin ang mga karatig bayan nito.
Paano makarating sa Naga City?
By Plane: direct flight from Manila Airport patungong Naga Airport na tumatagal ng 1h 20m.
By Bus: May mga bus na bumibiyahe sa Naga City mula sa Metro Manila gaya ng Lucena, ang paglalakbay ay tumatagal ng 8-10 na oras.
By car: Ang Naga ay 445 km (277 mi) sa kalsada mula sa Maynila, at nasa kahabaan ng Asian Highway.
Tumawag sa Mabuhay Travel at i-book ang iyong last minute travel to Naga. Tawag na! Kausapin ang aming mga Filipino Travel agents para sa inyong cheap air tickets at last minute travel deals!
Maarin niyo din kaming i-follow sa facebook para sa mga karagdagang promo na offer namin.