Nagsisimula sa Bahay
Ang iyong responsible travelling ay nagsisimula bago ka umalis sa bahay. Bago umalis para sa iyong susunod na pakikipagsapalaran ay dapat i-unplug ang anumang electric appliances upang maiwasan ang vampiric power or standby power. Dapat ding patayin ang pangunahing linya ng tubig. Suspindihin ang paghahatid ng pahayagan, para hindi ito masayang. Marami sa atin ang nakakalimot patayin ang ilang appliances na nagiging sanhi ng pinsala sa iyo o minsan ay pinsala din sa ibang tao.
Alamin ang lokal na kultura at batas ng bansang pupuntahan
Gawin ang iyong pananaliksik at alamin kung anong mga kilos ng kamay (hand gestures) ang itinuturing na bastos; kung mayroong anumang hindi pangkaraniwang mga batas at kahit paano dapat kang magbihis ay dapat mong malaman. Sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsunod sa mga kaugalian na ito kapag naglalakbay ka magkakaroon ka ng isang mas tunay na karanasan at marahil ay mailalayo mo ang iyong sarili sa kapahamakan o bilangguan.
Mayroon ding mga simbahan ang hindi mo mapapasok o mabibisita kung hindi angkop ang iyong kasuotan.
Tangkilikin ang lokal sa kahit anong paraan
Isa sa dapat isaisip sa ating responsible travelling ang pagtangkilik sa mga inaalok ng lokal na mamayan dito bilang tulong sa kanila. Ang paggastos ng pera sa lokal ay isang mahusay na paraan upang matiyak na ang iyong cash ay napupunta kung saan kinakailangan nito, ito man sa mga kababaihang mananahi o mga maliliit na stalls na nag-aalok ng ibat ibang uring kakanin. Ito ay isang mahusay na paraan din para mas makilala nang mahusay ang kultura dito. Maaring makahanap ka rin dito ng isang kaibigan na makakatulong sa iyong paglalakbay.
Ang mga souvenirs din na gawa ng mga lokal ay isang mahusay na pagtangkilik sa gawa nila. Sa halip na bumili sa mga mamahaling establisyemento ay mas nanaisin mo na bumili sa kanila lalo na kung makikita mo ang pamamaraan ng paghahabi nila.
Kung sa mga restawran naman bakit hindi subukang tikman ang kanilang authentic food. Isa sa mga natatanging karanasan ang malaman kung ano ang pagkain nila, malay mo ito ay maging paborito mo pa. Sa halip na pumunta sa mga mamahaling restawran ay subukan ang kumain sa mga maliliit ngunit de kalidad na lugar ng kainan. Makakatulong ka na sa mga lokal maiiwasan pa ang sobrang gastos mo.
Huwag masyadong tumawad
Sa mga rehiyon kung saan ang dolyar, euro o pound ay mataas ang halaga. Sa mga karamihan sa bansa sa timog silangang Asya ang isang dolyar mo ay maaring nangangahulugan na sa kanila ng tamang halaga ng kanilang hapunan. Kung ikaw ay bibili sa kanilang mga produkto huwag tumawad ng sobra total hindi naman ito kasing mahal ng halaga ng mga normal na gastusin mo.
Pagkuha ng larawan.
Ito ay isang hamon ng responsible travelling, ang pagkuha ng larawan ay dapat may pahintulot lalo na kung tao ang iyong kinukuhanan. Kung makakita ka man ng isang bata at na-cute-an ka dito, hindi mo ito basta basta kukuhanan ng litrato. Kumuha ng larawan ng mga magagandang tanawin lamang.
Alamin ang kaunting wika.
Sa responsible travelling mahalagang matutunan ang ilan sa mga salita nila. Hindi mo kailangang maging magaling sa salita nila, ilang parirala lang ay sapat na. Ang pagbati sa kanila sa kanilang sariling wika ay magbibigay tuwa sa kanila, at ipinapaabot mo din sa kanila na ikaw ay interesadong makipagkaibigan sa kanila. Ang maliit na pagsisikap na ito ay isang pagsisikap ng responsible travelling, ito rin ay madaling paraan upang maipakita sa mga tao na nagmamalasakit ka sa kanilang kultura.
Huwag pagsamantalahan ang wildlife.
Ang isang responsible travelling ay ang pagsa-alang -alang din sa wildlife. Ang pagsakay sa isang elepante ay nangangahulugan ng isang masayang hapon para sa iyo, at isang buhay ng paghihirap para sa elepante. Pareho sa paglangoy na may mga bihag na dolphin. Hindi talaga nangangahulugan na hindi ka maaaring magkaroon ng isang mahusay na oras sa pakikipag-ugnay sa mga lokal na hayop! Bagamat ito ay karamihang inaalok isipin natin sa ating sarili kung ano ang magiging epekto nito sa mga hayop.
Respeto sa kalikasan.
Sa responsible travelling isa ito sa isang dapat sundin ng isang manlalakbay. Huwag mag iwan ng kalat saan mang lugar. Mag iwan ka ng mga yabag at mga alaala lamang na maaring makapasaya sa iyo at ibang tao.
Tulungan silang maging matagumpay.
Isang mahalagang paraan ng pagsuporta sa responsible travelling ay ang matulungan silang maitaguyod ang mga lugar na iyong binisita. Sa pamamagitan ng responsible travelling na gabay na naibigay ko, kumuha ng larawan at i-post ito sa iyong Instagram, ngunit pagkatpos lamang makipag ugnayan sa kinauukulan.
Gumamit ng pampublikong transportasyon.
Sa ating responsible travelling makakatulong din tayo na mabawasan ang paglabas ng carbon sa pamamagitan ng paggamit ng ng pampublikong transportasyon. Ito ay isang mahusay na paraan upang makita ang lugar na iyong tinitirhan at mapanatiling malusog ang iyong badyet. Maari mong subukan ang magbisikleta at mas mai-explore mo ang lugar na binisita mo.
Huwag magbigay sa mga namamalimos.
Ang bahagi ng responsible travelling na ito ay medyo mahirap dahil maaring sila ay nakakaawa, ngunit ito ay nagiging gawain nila dahil ito ay pang madalian. Kung gusto mo silang tulungan maari kang magbigay ng pagkain.