Ano ang travel document?
Ang isang travel document ay isang dokumento ng pagkakakilanlan na inisyu ng isang pamahalaan.x Ang mga dokumento sa paglalakbay ay karaniwang ginagarantiyahan sa ibang mga pamahalaan na ang nagmamay-ari ng dokumento ay maaaring bumalik sa bansa na naglathla nito, at madalas na inilalathala ito sa booklet form upang payagan ang ibang mga gobyerno na maglagay ng mga visa pati na rin ang exit at entry stamp sa kanila. Ang pinaka-karaniwang travel document ay isang pasaporte, na kadalasang nagbibigay ng mas maraming pribilehiyo sa nagdadala tulad ng pag-access ng visa sa ilang mga bansa. Gayunpaman, ang terminong travel document kung minsan ay ginagamit lamang para sa mga dokumento na hindi nagpapatunay ng nasyonalidad, tulad ng isang refugee travel document. Sa madaling salita ang travel document ay pagkakakilanlan na katulad ng isang pasaporte, ngunit hindi nagbibigay ng katibayan ng citizenship mula sa naglathalang bansa.
Sa isang paglalakbay minsan ang pagdaan sa customs ay medyo awkward, lalo na kung naglalakbay ka sa ibang bansa at ibang kultura. Upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan ay mas mahusay na magkaroon ng sapat na travel document tuwing naglalakbay kung sakaling nais nilang suriin ang lahat bago ibigay ang welcome stamp.
Ang bawat bansa ay may sariling patakaran sa imigrasyon. Upang matulungan ka sa iyong susunod na paglalakbay narito ang mga mahahalagang travel document na dapat meron ka.
Pasaporte (passport)
Ang pasaporte ay isang travel document, na karaniwang inilabas ng gobyerno ng isang bansa sa mga mamamayan nito, na nagpapatunay sa pagkakakilanlan at nasyonalidad ng may-ari nito lalo na para sa layunin ng paglalakbay sa internasyonal.
Alalahanin na ang iyong pasaporte ay kailangang maging wasto at ito ay valid sa hindi bababa sa anim na buwan pagkatapos ng petsa na naglalakbay ka. Ang bawat bansa ay may sariling mga limitasyon sa petsa, ang ilan sa kanila ay tatlo, sa iba anim na buwan. Kaya, kung ang pasaporte mo ay patapos na, mas mainam na kumuha ng bagong pasaporte.
Visa
Ang isang visa (mula sa Latin charta visa, na nangangahulugang “paper that has been seen”). Ito ay isang kondisyong pahintulot na ipinagkaloob ng isang teritoryo sa isang dayuhan, na pinapayagan silang makapasok, mananatili sa loob ng naitakdang panahon, o umalis sa teritoryo na iyon. Ang mga visa ay karaniwang maaaring magsama ng mga limitasyon sa tagal ng pananatili ng dayuhan, mga lugar sa loob ng bansa na maaari nilang pasukin, ang bilang ng mga pinahihintulutang pagbisita o karapatang magtrabaho sa bansa sa pinag-uusapan.
Dapat nating alamin kung ano ang pangangailangan ng bansang ating bibisitahin. Ito ay maaring kinakailangan in advance, free visa, o kung eto man ay visa on arrival na nangangahulugang makakakuha ka ng visa sa mismong araw ng iyong pagdating.
Certificate of Vaccination
Ito ay isa sa mga travel document natin. Para sa mga Filipino traveller kakailanganin natin ang Polio Vaccine certificate. Ang Australia, Austria, Bahamas, Costa Rica at China ay ilan lang sa mga bansang nangangailangan ng International certificate of vaccination. Mainam na masuri ang bagay na ito bago ang ating paglalakbay.
Ang pagkakaroon ng bakuna kontra COVID-19 ay hindi naman mandatory ngayon, subalit ito ay isang bagay na kailangang pag-isipang mabuti at dapat isaalang-alang na sa ngayon ang Pilipinas ay may mataas na kaso ng pandemya at nasa Level 4- high risk for travel.
Travel Insurance
Hindi lamang ito isang mahalagang travel document, ito ay kinakailangan sa paglalakbay na dapat mong sundin, lalo na habang naglalakbay sa ibang bansa. At hindi mahalaga kung pupunta ka para sa isang linggo o para sa pakikipagsapalaran sa buhay, kakailanganin mo ng proteksyon na literal na makakatulong sa iyong buhay o sa iyong bagahe. Kung may mali, magkakaroon ka ng back up upang masakop ang iyong mga gastos.
Maraming mga bansang nangangailangan ng travel insurance at kung ngakataon mapapabili ka nang wala sa oras at mas mahal pa. Thailand, Qatar, Cuba, UAE at Schengen Nations ay ilan lang sa nangangailan ng travel insurance.
Sa iyong travel insurance mahalagan alamin kung kasali ba dito ang pandemya tulad Covid-19. Ilan sa mga airline din ngayon ay may tinatawag na multi-risk travel insurance kung saan kina-cover nito ang pandemyang Covid-19.
Bank Statement Account
Ito ay pagpapatunay na mayroon tayong sapat na pundo para mag-tour sa ibang bansa at hindi ang magtrabaho doon. Minsan ito ay hinanahanap o sinusuri pagdaan sa passport control. Mainam na meron tayong dalang latest bank statement. Ito ay para lamang sa mga magto-tour.
Litrato
Palagian nating lakipan ang ating wallet o kaya ay maglagay ng sobre na may ibat ibang size ng ating litrato (passport size, 3×4, 4×4 etc) sa kadahilanang ang ilang mga papeles na kailanganing pirmahan sa ating pagdating sa ibang bansa ay nangangailangan ng litrato.
MGA DAPAT PAG ISIPAN
- Siguraduhin na ang ating mga papeles ay valid at hindi peke
- Makipag-ugnayan ng mahusay sa ating travel agency
- Alamin at suriin ang mga pangangailangan ng bansang ating pupuntahan
- Magkaroon ng 2-3 kopya ng lahat ng nabanggit na travel document
- Maging mapanuri
- Huwag kalimutang mag mag-enjoy
COVID related na mga dokumento sa pagpasok sa Pilipinas
- Proof of pre-booked hotel. Ito ay ay ipapakita para sa initial check sa mga counter ng imigrasyon. Ang mga walang katibayan ng pre-booked accommodation ay tatanggihan sa pagpasok at maaring pabalikin agad sa pinaggalingang bansa.
- COVID-19 RT-PCR negative-test certification. Ilan sa mga airlines ngayon na may flights to Philippines ay naghahanap ng negative PCR test, makipag-ugnayan sa inyong mga travel agency para dito.
- Health declaration form. Ito ay magiging basehan din kung makakapaglakbay ka ba o hindi.
- Electronic Case Investigation Form (e-CIF). Ito ay bagong form na dapat kumpletuhin ng mga manlalakbay upang makapasok sa Pilipinas. Tinitiyak nito na ang lahat ng mga pasahero ay magkakaroon ng COVID-19 test pagdating sa bansa.
Para sa mga karagdagang impormasyon, tumawag at makipag ugnayan sa aming koponan. Kontakin ang aming mga Filipino travel consultant para sa inyong flights to Philippines.