Ang Pilipinas ay kilala bilang isang bansa na punong puno ng magagandang katangian, makukulay na sining, ang maberdeng kalikasan at ang mayamang kasaysayan at kultura ng bawat sulok nito. Isa ang mga inaabangan ng lokal at mga turista ang mga parade, mga festivals na nagpapakita ng kagandahan ng bawat nayon, harvest festivals gaya ng Anibina Bulawanon Festival at Tinagba Festivals at iba pang mga festival na kinagagalakan ng lahat.
Ang Compostela Valley ay tinaguriang ‘’heart of davao’’. Ito ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Davao sa Mindanao. Ang lalawigan, na tinawag na ComVal in short, ay naging bahagi ng Davao del Norte hanggang sa ito ay naging malaya noong 1998. Noong December 7, 2019 napalitan ng Davao de Oro ang pangalan nitong Compostela Valley. Ito ang pangatlong pinakabagong lalawigan ng Pilipinas, Dinagat Islands at ang Zamboanga Sibugay. Ang kabisera nito ay Nabunturan. Ang Nabunturan ay isang 1st class na munisipalidad at kabisera ng lalawigan ng Davao de Oro. Dito matatagpuan ang Mainit Hot Springs Protected Landscape, ito ay potektado ng pamahalan at Pinapanatili maayos ang mainit na bukal ng sulfur at nakapaligid na kagubatan sa munisipalidad ng Nabunturan.
Pinagpala ang Compostela Valley ng mga kamangha-manghang mga gawa ng sining ng kalikasan. Ito ay may mga likas na atraksyon tulad ng mga beach, talon, kagubatan, bundok, kuweba, lawa, ilog, mainit at malamig na bukal, lahat ay matatagpuan sa lalawigan. Hindi kataka-taka na ito ay isang matibay na lugar ng turista sa Mindanao. Sa pagdiriwang ang harvest festival na ito, patuloy ang umaangat ang turistang sector ng naturang lalawigan.
Ang AniBina Trade Fair ay may 53 kalahok na mga establisimiyento na binubuo ng mga gumagawa ng agri-based, mga processors ng pagkain, tagagawa ng kahoy at kawayan, fashion accessories, mga laruan ng regalo at mga paninda sa bahay, mga gumagawa ng handicrafts, mga halamang ornamental at mga establisimyento sa pagkain. Sa harvest festival na ito nagkakaroon ng mga patimpalak gaya ng Best in Dressed booth kung saan ang mga ibat ibang booth ay may makukulay na dekorasyong patuloy na gumagayak sa mga turista para muling bumisita. Wood craft competition kung saan ipinapakita na ang mga Pilipino ay punong puno ng malikhaing sining. May konsyerto ding inaabangan ang mga kabataan at ang makulay na parade. May konsepto din silang Best in Landscaping, tampok ang mga namumukadkad nilang mga halamang ornamental. At habang ikaw ay nagsasaya sa iyong pakikilahok sa harvest festival na ito, maari mo ding matikaman ang Panyalam. Kilala bilang isang delicacy ng tribong Mansaka, ang Panyalam ay deep-fried gamit ang mga sangkap tulad ng rice flour, asukal, at gatas ng niyog. Ang tribo ng Mansaka ay katutubo sa Compostela Valley.
Halina’t ating tunghayan ang Anibina Bulawanon Festival! Tawag na sa Mabuhay Travel para makapag avail tayo ng murang flight fare! Makipag-ugnayan lamang sa mga friendly na agents namin. Salamat po.