Travel Tips

First timer fails to avoid in Philippines

Ang paglalakbay sa Pilipinas ay hindi masalimoot, ang bansa ay isang easy to-go country. Karamihan sa mga tao ay nakakaintindi at nakakapagsalita ng Ingles. Gayunpaman hindi pa rin dapat ipagwalang bahala ang ilang mga bagay o kaalaman patungkol sa Pilipinas. Ihanda ang iyong holiday checklist at kailangan ring magsagawa ng pagplaplano at pagsasaliksik.  Kung ikaw man ay isang solo traveller o kung ang paglalakbay ay isang family vacation mainam rin na magbasa ng ilang mga Filipino travel blog na may mga travel guide in Philippines. Sa pamamagitan nito ay sigurado ang pagkakaroon ng isang makabuluhang holiday in Philippines.

 

Make your journey more pleasant by following these failures to avoid travel guide in Philippines list ko gaya ng mga sumusunod:

 

Ang hindi pag-aadjust

Following your plan strictly! Oooops! Pano ito naging mali? Sa Pilipinas kaylangan mong maging flexible lalo na sa oras. Kung ikaw ay nasa Manila at naipit sa traffic, o biglang may aksidente, rally, lahat ng mga iyan ay hindi mo kontrolado. Kung sobrang importante ang “meeting ” mo you can leave very early or you may opt staying in a hotel. Keysa magbiyahe mula Clark to Manila. Kahit ang panahon ay hindi kontrolado. Kaya maipapayo ko magkaroon ng reserbang itinerary.

 

Ang hindi pagdadala ng gamot

Kung first time mo sa bansa mainam na meron kang dalang mga gamot lalo na kung ito ay palagian mong iniinom. Kahit mga gamot sa simpleng sakit sa tiyan, sakit sa ulo magdala ka pa rin. Hindi madali ang maghanap ng drug stores sa Pilipinas lalo na kung island hopping ang target ng bakasyon mo.

 

Ang hindi pagdadala ng portable wifi

 

 

Kung ikaw ay mahilig sa pagpopost sa Facebook, mahilig mag upload at alam mo na magtatagal ka sa isang lugar gaya sa Dumaguete, mainam na may dala kang sarili mo na portable wifi, ang internet connection sa Pilipinas ay talagang mahina.

 

Ang hindi pag-e-explore ng lugar

Hindi mag-e-explore kasi natatakot na mahold-up. C’mon, common sense naman diba, huwag kang pumunta sa mga lugar na alam mong kaduda-duda. Trust your instinct ika nga nila. Saang bansa ka man naroon laging may panganib kaya dapat maging alerto. Maraming mga magagandang lugar sa Pilipinas at ligtas ang mga ito. Ang travel guide in Philippines na ito ay isang babala para sa iyong safety at para na rin makapag saya ka ng todo. Maging mapanuri ka habang ikaw ay nag-ga-galugad.

 

Ang hindi pagkakaroon ng sapat na cash on hand

 

Ang hindi pagkakaroon ng sapat na cash on hand

 

May atm naman diba? Oo may atm nga, pero nawawalan po ito ng laman. Lalo na sa mga islang malayo sa city gaya ng Coron Island at ibang mga tourist attractions sa Puerto-Princesa. Siguraduhing alalahanin ang travel guide in Philippines na ito lalo na kung ang karamihan sa itinerary mo ay malayo sa siyudad. Huwag din maghawak ng malaking halaga ng cash. At dagdag na payo itago ang mga ito sa mga lugar na hindi inaasahan, gaya ng iyong sapatos, panloob na kasuotan at iwasan ang makapal na wallet.

 

Ang hindi pagre-rent ng matutuluyan

Ang travel guide in Philippines na ito ay para sa mga first time saan man panig ng bansa o mundo. Ang nasa utak mo, explore, enjoy, experiment—not where you will stay, lalo at first time mo. Mainam ay gamitin ang iyong internet, check for hot deals offered ng mga kalapit na hotel o mga maliliit na tuluyan na tama sa budget mo.

 

Ang hindi pagsubok sa “jeepney”

 

 

Ang travel guide in Philippines na ito ay isang simpleng suhestiyon lamang para madagdagan ang iyong karanasan. Hindi naman masamang i-try mo ito kahit sisksikan minsan ang pasahero, dahil ito ang transportation icon ng bansa. Only in the Philippines ang mga jeep.

 

Ang hindi pagsunod sa batas

Ang travel guide in Philippines na ito ay aplikado kahit saan mang lugar sa mundo. Lalo na kung ang pinag-s-usapan ay ang ilegal na droga. Penalty of Life Imprisonment to death ang katapat mo kapag ikaw ay nahuli. Matutong rumispeto sa batas ng bansang binibisita.

 

Ang hindi pagtikim sa mga pagkain

Kung pagkain ang babangitin sa bansa ang iisipin agad balut. Maraming masasarap na traditional food sa bansa. Nandiyan ang adobo na pinakasikat sa mga lutong Pinoy. Huwag matakot na tikman ang mga pagkaing lokal, maraming mga restaurant ang nag aalok ng mga Pinoy delicacy.

 

Paglalakbay na hindi inaalam ang panahon o wheather

 

 

Ang travel guide in Philippines na ito ay dapat pagtuunan ng pagsasaliksik. Sa kadahilanang, ang bansa ay nakakaranas ng 20 typhoons taun-taon.  At hindi mo nanaisin na ma-stuck sa loob lang ng iyong tinutuluyan. Ang pinakamahusay na oras upang bisitahin ang Pilipinas ay sa pagitan ng mga buwan ng Nobyembre at Abril na siyang mga buwan ng tag-araw sa bansang Timog Silangang Asya. Ang tag-ulan ay mula Hunyo hanggang Oktubre at magdadala ng halos kaunting ulan na may maiinit na temperatura. Ang Pilipinas ay higly exposed to climate change at kabilang sa sampung bansa sa mundo na nagiging apektado sa mga climate change.

 

Snob at hindi nakikipag usap sa mga lokal

Totoo ito, meron talagang ayaw makipag usap sa mga lokal na mamayan. Pilipino ang isa sa mga palakaibigang tao sa buong mundo. Subukang makipagkaibigan sa kanila at mas mae-enjoy mo ang iyong bakasyon. Ang travel guide in Philippines na ito ay palagiang mababasa sa mga Filipino travel blog.

 

Sana sa iyong paglalakbay ay makatulong ang mga travel guide in Philippines na nailista ko. Basahin ang ibang mga travel tips at mga popular na tourist destination ng bansa sa aking Filipino travel blog!

 

Ang Mabuhay Travel ay may mga cheap holiday packages para sa iyong first time na bakasyon sa Pilipinas. CALL us NOW! Speak to our Filipino travel experts sa wikang komportable ka, Cebuano, Ilocano, Tagalog at English. Enquire now para sa mga special offers namin.

 

 

Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

best holiday destinations in the Philippines

Best Holiday Destinations in the Philippines 2025

Things to do in Bohol

10 Things to do in Bohol on your Holiday

Souvenirs for Filipinos

Souvenirs for Filipinos: Pasalubong from the UK

Best beaches in the Philippines

Best Beaches in the Philippines 2024

Philippines Rainy Season

Travelling During the Philippines Rainy Season

LEAVE A COMMENT