Holidays Philippines Things To Do Travel Tips

Fun, extreme and exciting things to do in the Philippines aside from ‘beaching’

Ang Pilipinas, na may mayaman na kalikasan, natural na kagandahan, at nabiyayaan ng magagandang tanawin, ay isa sa mga paboritong destinasyon ng mga dayuhang turista. Pangunahing dahilan ay ang pagkakaroon ng bansa ng mga beaches na pang-world class ang ganda. Mayroon ding mga iba’t ibang exciting things to do in the Philippines na talagang magbibigay sa iyo ng kagalakan at pakiramdam na gusto mo ulit gawin ito o balikan.

Sa pagkakaroon ng bansa ng 7,107 na isla, tiyak na ang mga panauhin nito ay may malawak na pagpipilian ng lugar o mga aktibidad na nais pagtuunan, tulad nga sa isang linya ng isang lumang awitin “mula Apari hanggang Julo, saan ka man ay halina kayo” mula hilaga hangang sa timog ng bansa may naghihintay na surpresa para sa iyo.

Nasa ibaba ang ilan sa mga exciting things to do in the Philippines na maaring pagpilian sa iyong susunod na pagbisita o pag-uwi.

Exciting Things to Do in The Philippines

1. Hiking in Mt. Apo

Ang pag-akyat sa Mount Apo ang isa sa mga challenging at exciting things to do in the Philippines. Ito ay may taas na 2,956 meters above sea level. Ang pag-akyat dito ay hindi basta-basta, kailangan ikaw ay may malusog na pangangatawan at kakailanganin mo rin ng lisensya upang makaakyat dito. Ang hiking time nito ay umaabot sa 10 oras at aabutin ka ng 3 araw para marating ang tuktok nito. Ito ang tinaguriang Grandfather of Philippine Mountains kaya naman hindi ka na magtataka kung bakit ito ang pinakamahirap na akyatin. Tatahakin mo ang makapal na kagubatan, malumot na katubigan at mga mababato at matatarik na daanan. Mahihirapan ka man ngunit tiyak na ang pagod mo ay mapapawi kapag nakarating ka sa itaas sapagkat  nakakamanghang tanawin ang sa iyo ay naghihintay.

exciting things to do in the Philippines - Hiking

Kung ikaw at ang iyong grupo ay nagnanais na umakyat sa Mount Apo sa unang lingo ng iyong holiday sa Pilipinas, maari kang magbook ng iyong cheap flights to Zamboanga, ito ang pinakamalapit na airport sa inyong destinasyon.


2. Experience Ultralight Aircraft Flying

Exciting things to do in Philippines? Eto na yun, kung may budget ka why not try. May karanasan ka man sa pagpapalipad o wala, walang problema iyan, ikaw ay may dalubahasang co-pilot. Matatanaw mo ang magandang tanawin ng Mount Arayat at ang kalakhan ng Pampanga. Dahil sa tropikal na panahon sa Pilipinas, maari kang lumipad sa anumang buwan ngunit pinakamagandang buwan ang buwan ng Oktubre hanggang Mayo. Nirerekomendang lumipad sa umaga kaysa sa hapon, mas malakas kasi ang hangin sa hapon.

exciting things to do in the Philippines - Ultralight Aircraft Flying

Makipag-ugnayan sa aming mga Travel consultant para sa makapag-book ng cheap flights to Clark, ito ang pinakamalapit at magiging convenient sa iyo


3. Swimming with Whale Sharks

Tiyak na ito ay isa sa mga nakakaexcite, ang makalangoy ang mga whale shark. Kung nais mo itong maranasan, ikaw ay dapat magtungo sa Leyte, Tubbataha, Donsol at Oslob. Ito ang isa sa mga exciting things to do in Philippines, palaging kasama sa bucket list, maraming mga dayuhan ang dumarayo sa bansa sapagkat nais nilang makalangoy ang mga higanteng yaman ng tubig.

exciting things to do in the Philippines - Whale Sharks

**Taong 2019, ang Pilipinas ang pangalawang lugar na may pinakamalaking kilalang populasyon ng mga whale shark sa mundo ayon sa Wildbook for Whale Sharks.

I-book ang cheap flights to Cebu sa Mabuhay Travel.


4. Vertical Bivouac Bi. Voo. Ak

Ang terminong bivouac ay tumutukoy sa camping na walang tent. Vertical Bivouac (Bi. Voo. Ak) ang isa sa mga pinaka-challenging na outdoor adventure sa Pilipinas. Mararanasan mo ito sa Bukidnon, kung ikaw ay may hilig sa pagka-camping at pag akyat-akyat sa mga bangin, maari mo itong subukan, isipin mo na lang camping na walang tent at nasa gilid ng bangin. Ang aktibidad na ito ay hindi rin basta-basta, ikaw ay sasamahan ng mga propesyonal, nandiyan ang mga triathlete, mountaineer at sertipikadong eksperto sa rescue. Limitado lang iyong dapat bitbit, ang pagkain din ay yong luto na at hindi madaling masira. Pati paggamit ng banyo ay dapat gawin bago umakyat, kung sakaling nagsimula na kayo at biglang may tawag ang kalikasan, meron namang nakalaan na maari mong gamitin, pero siyempre alam mo na yon. 😊Maraming mga propesyonal ang na-e-enganyo sa camping na ito, merong mga sawi sa pag-ibig, mga doctor, mga may kaarawan, mga taong na-s-stress at nais ng sariwang hangin.


5. Experience Sardine Run

Ang sardine run, na kilala rin bilang isang bait ball, ay isang malaking grupo ng mga isda na magkakadikit bilang isang proteksyon laban sa mas malaking prey. Sa pamamagitan ng sardine run, nabubuo ang isang tila pader upang mapanatiling ligtas sila sa karagatan. Libo-libong isda ang maaring makita kapag may sardine run. Isa ito sa mga natatangi at natural na galaw ng karagatan. Popular ang South Afica pagdating sa sardine run, hindi mo na kakailanganing magpunta sa South Africa para maranasan ang mahikang ito ng kalikasan, ito ay mararanasan mo sa Moalboal Cebu. Ang Moalboal ay kilala bilang isa sa may pinakamagandang lugar para sa marine life sa Pilipinas!

exciting things to do in the Philippines - Sardine Run

Makipag-ugnayan sa Mabuhay Travel para sa mga cheap Cebu flights.

Magkaroon ng natatanging holiday sa Pilipinas sa tulong ng Mabuhay Travel. Kami ay kontakin para sa inyong nalalapit na pag-uwi o holiday sa Pilipinas. Kami ay magbibigay ng maraming pagpipilian para sa inyong mga murang flights to Philippines.



Share your vote!


Do you like this post?
  • Fascinated
  • Happy
  • Sad
  • Angry
  • Bored
  • Afraid
Author - Maya

Maya

Adventurous! Daring! Bold! Open-minded! A bit crazy but a calm and sweet lad, that is how I describe Maya. Ang isa sa mga tagapag bahagi ng kaalaman at tagapag sulat para sa Mabuhay Travel Blog! Sharing places and experiences is her hobby that helps us more to know, appreciate and understand how beautiful the country is. Giving ideas and insights, helpful tips to different places, food, festivals, historical sights, beaches, that will guide us in our future travel holidays. Come travel and be mesmerized, be captivated by this amazingly beautiful country, Pearl of Orient Seas, the Philippines.

You Recently Viewed ...

best holiday destinations in the Philippines

Best Holiday Destinations in the Philippines 2025

Things to do in Bohol

10 Things to do in Bohol on your Holiday

best places in Cebu for couples

Top Wedding Destination: Best Places in Cebu for Couples

Souvenirs for Filipinos

Souvenirs for Filipinos: Pasalubong from the UK

Places to celebrate anniversary in the Philippines

Romantic Getaways: Places to Celebrate Anniversary in the Philippines

LEAVE A COMMENT